Perfect Debut
"Otanjobiomedeto my one and only snow," (Happy birthday my one and only snow) i kisses her cheeks.
"Domo Arigato Obachan," (Thankyou, Lola) inalalayan sya ng kasama nyang nurse para makaupo.
"Did you receive my gift Yuki?" ngumiti ako ng bumaling kay Lola at tumango. Lagi syang naglalagay ng 20K sa bank account ko kada birthday.
"Thankyou, obachan," marahan din akong umupo dahil nangangawit ako. Hinihintay ko nalang na tawagin ako para magsimula.
"You'll play for me huh," I made my lips in thin line.
"Y-yeah obachan," unti unti syang ngumiti.
"Finally, maririnig din kitang tumugtog muli."
I was shocked at her straight tagalog. Minsan ko lang kase iyon marinig. Madalas ay english at japanese lang ang binabanggit nya. Pero Filipina sya, si Lolo ang pure Japanese sa amin. May kumatok sa pintuan kaya nakahinga ako ng maluwag at dahan dahang bumukas iyon.
"Uhm, Ms. Tomitaro? Stand by na po," pagtapos iyong sabihin ay pumasok si Marlon! He's dashing in his tuxedo.
"Marlon!" nakangiti syang lumapit. Yumakap sya kaya humawak ako sa bewang nya.
"Ang ganda mo.." nang magbitaw ay pinisil nya ang pisngi ko. Narinig kong tumikhim si Lola.
"Ahh.. Obachan this is Marc Loonie Bueneventura," bahagyang yumuko si Marlon at nakipagkamay.
"Hi beautiful lady.. Nice to meet you po."
"Nice to meet you too, are you her boyfriend?"
Agad na nanlaki ang mata ko at umiling. "Hindi po Lola!"
Mahina silang tumawa, "I'll be your escort by the way," nakangisi syang bumaling sakin.
"Owemgee talaga? Akala ko wala? Si daddy talaga.." nauna ng maglakad sila Lola.
"Let's go?" inabot ko ang kamay nya, pinalibot naman nya iyon sa kanyang braso. Nakangiti kaming lumabas ng suite at papasok ng elevator.
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang kabahan. Lalo na at nasabing kakanta daw si Gab! Panigurado hot na naman sya sa soot nya! Shit lang!Nasa likod kami ng pinto at hinihintay ang announcement ng host.
"Hello everyone, I'm Elen Agustin your host for tonight. Before we proceed let us watch the introduction on how Ms. Klerstyn Yuki Tomitaro turn as woman now."
"10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1"
Tumugtog ang Beautiful Girl habang inilalabas ang picture ko mula bata hanggang sa edad ko ngayon. May naririnig pakong tawanan sa loob, paniguradong yung mga nakakatawang pics ko iyon. Yung iba ay kasama ko ang apat na demonyo. Nang matapos ay nagsalita muli ang host.
"I know you are all excited to see our debutant! I am too! Well what are we waiting for? Please welcome! Our debutant with his escort! Ms. Klerstyn Yuki Tomitaro and Marlon Bueneventura!!!"
Bumukas ang double door at ngumiti agad ako. Sunod sunod ang flash na tumama sa muka ko. Tumugtog ang best day of my life habang bumababa kami ng hagdan. Naaninag ko ang mga kaibigan ko sa isang table. Si Jeni ay nakangiti at pumapalakpak kaya guminhawa ako.

YOU ARE READING
My TOTGA
Roman pour Adolescents"The One that Got Away" Akala ni Klerstyn ay ang magkagusto sa gusto ng kanyang kaibigan ay isa nang malaking problemang haharapin nya. Pero akala nya lang pala iyon, hindi pa pala doon natatapos ang sakit nang mahalin nya si Gab.... Does every love...