T and Sunset
Umaga na ng makauwi kami. Sa bahay nila Irish kami nagstopover at nagsiuwian na ang lahat. Ako naman ay tulala padin, hindi makagetover sa sinabi ni Gab. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maging reaksyon. Ayokong alamin yun kung totoo ba o hindi, at baka hindi ko kayanin ang magiging sagot nya. Nung inaayos ko yung mga damit ko ay nagtagal ang titig ko sa jacket ni Gab. Hindi ko alam, nawala na ata sa isip nyang nasa akin yung jacket nya.
Lagi kong sinasabi na wala lang sya sa akin, pero hindi ko din naman maiwasang tumingin sa kanya. Parang matik na namamagnet yung mata ko pagandyan sya at natutuok sa kanya ang paningin ko.
"Sino kaya sa tingin mo yung gusto ni Gab, Tyn?" bulong sakin ni Irish habang nagdidiscuss ang Math teacher namin.
Nanatili lang ang mata ko sa whiteboard, "Hindi ko alam.."
"Aalamin ko talaga kung sino, wag lang syang magkakamali na kaibigan ko yun at baka hindi ko makayanan."
Wala sa sarili akong natulala ng marinig ko iyon mula kay Irish. Hindi pa naman ako sigurado, dahil hindi naman iyon kinukumpirma ni Gab. Pero hindi ko maiwasang matakot, hindi sa sagot ni Gab. Kundi sa magiging reaksyon ni Irish at ng iba pa naming kaibigan. Hindi ko makakayanang mawalan ng kaibigan.
Wala ako sa sarili buong klase, nakatulala lang ako at paulit ulit na umeecho ang sinabi ng kaibigan ko sa isip ko. Pero hindi naman dapat kase wala naman diba? Hindi naman kumpirmado.
Vacant classes ngayon kaya nagdadaldalan lang sila.
"Baka naman si Gemma yun?" natawa naman ang iba naming kaibigan kay Jeni na nakahilig na naman kay Arjie sa tabi nya.
"Grabe naman? Ipagpapalit ako sa panget pa?" umikot ang mata ni Irish at sumulyap kay Gab kaya napatingin din ako. Nakaupo lang sya at nagbabasa ng libro habang si Jang ay dinadaldal sya.
"Pinagpalit?" nakakunot na tanong ni Dacey.
"Dun din naman mapupunta yun. Icleclaim ko na hahaha."
Nakita naming tumayo si Jang kasama si Gab, padiretso sa amin, "Omaygad baka eto na aayain nako neto magdate!" tumawa sila sa biro ni Irish, ako naman ay hindi ko magawang matawa.
"Hi girls, tara kain, sigaw tayo dun sa labas," nakangiting aya ni Jang.
"Sigee basta libre ako ni Christian!" Irish giggled, Gab look at her confused.
"Oo nga naman Christian! Ilibre mo naman tong si Irish at ayain mo magdate," tumayo nadin kami. Habang naglalakad kami ay patuloy pading tinutukso si Irish at Gab ng mga kaibigan namin.
"Mukang madadadagdagan na magjowa dito ah."
"Yiehhh! Kilig pwet ni Irish."
"Bagay bagay! Boto kami jan!"
"See? Boto sila satin, ikaw nalang kulang," natatawang sabi ni Irish.
"Tss, I'm not interested," naunang maglakad si Gab, sumasabay kay Jang. Pero nainis din sya ng asarin sya nito sa kaibigan ko.
Tahimik naman ako at hindi kumikibo sa kanila hanggang sa makarating kami sa dulo ng building. Ang katabi kasi nun ay gate at labas na. Sa labas ay madaming nagtitinda, katulad ng bbq, bananaque, mga inuming tiglilima at marami pang iba. Ito din ang madalas naming kinakain pagvacant namin dahil walang tao dito.
"Ate! Anim na isaw nga po! Tapos anim na bananaque!" sigaw ni Jang.
Agad naman na tumango yung tindera sa labas, "Sige hintayin nyo!"
YOU ARE READING
My TOTGA
Teen Fiction"The One that Got Away" Akala ni Klerstyn ay ang magkagusto sa gusto ng kanyang kaibigan ay isa nang malaking problemang haharapin nya. Pero akala nya lang pala iyon, hindi pa pala doon natatapos ang sakit nang mahalin nya si Gab.... Does every love...