Chapter 37

0 0 0
                                    




"Madaming gwapo na macho dancer kaming hinanda!" excited na sabi ni Jeni. Umirap lang ako sa kawalan at umupo ng maayos.



It's been 1 week simula nung nagMariveles kami. Pagkauwi ay talagang subsob na subsob ako sa trabaho. Inasikaso ko ang pinapagawa ni Dad na warehouse. Pati na din ang mga mall na gustong magpadeliver ng ibat ibang gulay sa kanila.



2 months before they're wedding kaya ngayon ay magbabridal shower kami. Yung mga boys ay nagbabachelor's party din today.


"Sisipain kita pagnaghiwalay kami ni Jang dahil dito ah!" Ismid ni Irish sa gilid. Nandito na kami sa El Diablo Hideout dahil dito gaganapin iyon.



"Sasayaw sayaw lang sila girl! Wag kang magalala!" Ani Charmaine.



Tumunog ang cellphone ko na nakalapag sa lamesa. Kinuha ko iyon at binasa.


From: Christian

   Hey, what are you doing there?


Tumaas ang kilay ko at nagtipa.


To: Christian

  Wala pa kayong girls?



Wala pang isang minuto ay nagreply na uli sya.


From: Christian

   This is boring. I want you..


Magtatype na sana ako ng may humablot sa aking phone. Inilagay iyon ni Jeni sa isang maliit na basket.


"What the hell?" ismid ko.


"Hep hep! Walang cellphone! Kung kanino may unang tatawag, yon ang magbabayad ng drinks ngayon kala nyo."


"Porket hindi pa kayo nagbabalikan ni Arjie ehno?" Dacey murmured but Jeni heard it. Umirap sya sa kawalan at inilapag ang basket sa lamesa.


"Let's get ready!" Biglang nagdim ang lights at tanging sa stage lang ang mayroong ilaw. Unti unting naglabas ang mga lalaking nakabrief lang!


"Pota!"


"Jen ano bayan!"


"Grossss!"


Sunod sunod na angal ang narinig ko sa aking mga kaibigan. Si Jeni at Charmaine ay tawa langng tawa.


Tumigil ang limang lalake at humilera sila isa isa. May tumugtog na sexy dance kaya nagsisayawan ang mga lalaki na yon!

"Iww," ako ay nagtakip nadin. Hindi naman sa iw. Mga nakamaskara ang lalaki, kaso err katawan lang ni Gab ang gusto kong makita!


Maya maya pa ay naglapag na ng dalawang klase ng alak sa lamesa. Pinaghalo nila iyon kaya mabilis kaming malalasing ngayon! Shit!

Unti unting lumapit sa amin ang mga dancers.


"Sino po ang bride?" The other guy said. Itinuro ni Jeni si Anj na nahihiya.


"Single?" Tanongnung isang dancer ng lumapit sa akin.


"Err no!" I immediately said.


"Single yan!" I heard Charmaine. Sinamaan ko sya ng tingin kahit dim ang lights.


"I'm not!"


My TOTGAWhere stories live. Discover now