Chapter 28

1 0 0
                                    

Incoming Pain


"Morning," unti unti kong minulat ang aking mata. Owemgee ang lapit ni Gab! Amoy na amoy ko yung mabango nyang hininga.


"M-Morning," ngumiti sya at unti unting lumapit. Omaygod ano to? Totoo ba yung morning is the best? Ano? Teka. Nablablackout yung utak ko! Kakagising ko lang tapos ito si Gab papalapit pa! Napapikit nalang ako ng hinalikan nya ako. Kahit na hindi ako marunong eh, sinasabayan ko sya!


"Hmm," I groaned. Wait teka boses ko yun? Hala!!


"Teka-" aangal pa sana ako pero hinalikan nya pa ako! This time mas malalim!


"Gab! Wait!"


"Hindi ba masarap?" naginit ang aking muka sa sinabi nya. Di bali na. Halik lang naman diba? At sinunggaban ko sya.


"Baby?"


"Baby gising kana ba?"


"Wake up sleepy head.." mabilisan akong napadilat! Omaygad!!! PANAGINIP LANG PALA YON!!!


"Good Morning baby," lumingon ako sa gilid ko. Nakita ko syang nakangiti ng matamis habang hinahagod ang aking buhok! Mabilisan akong tumayo at pumunta ng banyo! Sobrang lakas ng kabog ng puso ko! Fucking shit!!!


Sobrang init!!!! Maliligo ako! Tama para mawala yung init nato! Geez.


"Baby?" narinig ko syang kumatok sa pinto kaya naging balisa ako.


"T-Teka lang. M-Maliligo lang ako."


"Okay baby, I'll prepare our breakfast." Pumasok na ako sa loob ng shower ng marinig kong lumayo na sya.


"Saraaapp~" I felt better after having a shower. Soot soot ko na yung damit na soot ko kahapon, syempre nalaban na kagabi diba. Dahan dahan kong binuksan iyong pinto.


Nang mapansing wala si Gab ay lumabas na ako sa banyo. Dumiretso ako papuntang terrace ngunit agad ding natigilan ng makarinig ng nagsasalita.


"Why the hell do you care?... You can't help me here... This is ours... No, our problem. Oh shit Nicole don't you ever-.. Fuck."


Napaatras agad ako at dumiretso ng banyo. Nang mahina kong naisarado iyong pinto ay humarap ako sa salamin.


Nicole?


Kausap nya si Nicole?


At anong pinaguusapan nila?


"Baby?" binuksan ko ang gripo at agad na naghilamos. I convinced myself that it was just nothing! Nanginginig kong binuksan ang doorknob. Bumungad sa akin si Gab na nakahamba sa pintuan.


"Bakit?" umiwas ako at umupo na sa table ng makitang may pagkain na doon.


"Baby are you okay?" umupo na sya sa harap ko. Tumango ako at nagsimulang kumuha ng pagkain para mailagay sa plato ko.


"Baby?" nagangat ako ng tingin.


"Oh?" mahinahon kong sabi.


"You're not okay.."


"Okay lang ako, kumain na tayo para makauwi na."


Hindi na sya muling nagsalita at nagpatuloy na sa pagkain. Nang natapos akong kumain ay umupo ako sa kama at nagcellphone. Shit, kahit anong ipilit ko sa sarili ko na wala lang yun, hindi ko magawa. Kumakalabog ang puso ko sa kaba.


My TOTGAWhere stories live. Discover now