MADDIE
"W-what??" napalakas ang pagkakasigaw ko at agad akong binawalan ng Librarian doon.
"Bigay na bigay sis?" natatawang sabi ni Carol, "hindi ba dapat reaksyon ko yan ng sabihin mo na ex pala ni Aud yung si baby D."
"Stop calling her that!" I hissed at her at kung nakakapatay lang ang tingin, bumulagta na siya.
"Napakaselosa mo sis! Hahahaha." kainis talaga 'tong si Carol! "Alam mo, obvious na. Wag kang papahuli kay Aud kung ayaw mong ma friendship over sa kanya." nakangising dagdag niya pa. Sa lahat naman ng nagwa-warning na kaibigan siya ang parang natutuwa pa.
"I am not jealous! Ang pilit mo kase." tinutok ko sa libro ang paningin ko para hindi ko makita ang panunukso niya.
"Weh? Sis, I am the closest to the closest to you no. Wag ako. Mauulol mo sila but definitely, not me. Duh. Anyway, gustong balikan ni Aud si baby D alam mo naman patay na patay yun sa ex niya." hindi ko siya pinansin, but in my mind. Bakit ba hindi pa siya mag move on! It's been years na wala sila ah. "Hoy nakikinig ka ba?"
Napapikit ako ng sitahin na naman kami ng librarian doon. "Oh anong kinalaman ko doon? Saka hinaan mo nga boses mo." gigil na sabi ko sa kanya. "Let them be, pakialam ba natin sa buhay nila. If they want to go back together eh di magbalikan sila. Tss."
"Ay. Galit na galit, gustong manakit?"
"Carol, please lang. You're not helping me at all. I told you girl crush ko lang siya, I don't even like her. Kaya tantanan mo na ko. It's starting to pissed me off, sis." seryosong sabi ko, ayaw ko na pag-usapan sa totoo lang. Dahil hindi ko alam saan nagmumula ang sakit lalo na kapag naiisip ko na siya ang ex ni Audrey.
"I am helping you sis. You may not see it, but you are affected. Hindi mo ba alam na palagi kang nag space out? At hindi mo din ba alam na ang bilis-bilis mong mairita? Tell me, red days mo ba?" natigilan ako sa sinabi niya, lalo pa at seryoso siya. "Sis, it's okay that you like her. Kahit na nga maging kayo ay okay lang. Now tell me and be honest, nagseselos ka hindi ba?"
I sighed, isa-isa kong niligpit ang gamit ko. Ayokong mag-away kami ni Carol just because of her observation. "I am not. Iba ang crush sa like. Stop this nonsense, Carol." nilayasan ko siya doon.
I don't want to be childish, pero yun ang pinapakita ko sa bawat reaksyon ko patungkol kay D. I don't want this feeling. Lalo sa isang babae. Hindi ako 'to dahil straight ako!
Shit.
"Hi." napalingon ako sa taong ayaw ko sanang makita, but in my mind, gusto ko rin.
That's how she makes me confuse!
Hindi ko siya kinibo at nilagay lang ang mga gamit sa kotse. "Go away." mariing sabi ko dahil hinarang niya ang katawan sa pinto ng kotse.
"Are you mad?" kunot noong tanong niya, takang taka.
Humugot ako ng hangin para kalmahin ang sarili kong hindi ko alam kung saan nag fe-freak out! "I have to go. Pwede ba, umalis ka diyan."
"Galit ka ba sa akin?"
"Tss. Really, naiintindihan kita okay! No need to translate it!" burst out ko, nakakapikon lalo kapag naririnig ko siya g magtagalog!
Bumabalik sa akin ang mga naunang tagpo namin na akala ko talaga pure american siya!
"Hey, relax. Bakit ka ba nagagalit?" kunot na kunot ang noo niya. "If this is because of our previous encounter, hindi ko alam na anak ka ni Mr. Lee okay. If I had known- - - . . ."
"Tss. At ano sa ibang babae ka naman mag gaganun! Player bitch." inirapan ko siya, galit na galit sa kaisipang ibang babae ang ihohotel niya that night!
![](https://img.wattpad.com/cover/222002989-288-k684557.jpg)
BINABASA MO ANG
Crazy Love (COMPLETED)
RomanceI've been inlove with Em for a long time, a love I thought would last. But when I met her, my world shaken and became crazy for her. -Diane Cruz I love her. To the point that I will do crazy things to make her love me too. -Maddieson Lee - all char...