Chapter thirty five: Mine

935 55 1
                                    

DIANNE

"She's fine here. Bakit kailangan niyang umalis? Tell me, pinapaalis mo ba siya?"

"Seriously, babe?"

"Tss. Eh bakit nga aalis siya? Nagseselos ka na naman ba?"

"Babe, naiinis na ako ha. Kahit na nagseselos ako sa kanya, I still have a heart na patuluyin siya dito. Besides, it's already in the past."

"Exactly! Lalabas na nga 'tong panganay mo. No need to feel jealous, mas isip bata ka pa sa kanya."

"Babe. Stop it, okay. It's her decision and I don't have nothing to do with it."

"Sinisigawan mo ba ako?"

"N-no. B-babe. . . ."

I heavily sighed as I walk out from the door. Papunta sana ako sa kusina to grab some water at nandun nga ang mag-asawa. Nagtatalo.

I walk back to my room and lay down on my bed. Mas desidido na ako ngayon na umalis sa kanila. I've been staying here for a week already. At alam kong nakakasama ako kay Em. Kagagaling lang din nila sa ospital dahil nag spotting si Em. At kahit ilihim nila sa akin iyon, alam kong dahil iyon sa stress.

Even I don't want to assume, I know, it's because of me.

Kaya nga kay Syd lang ako nagpaalam dahil alam kong hindi papayag si Em. Tama na siguro ang isang linggong pagmumukmok. Besides, I miss her.

I miss Maddie so damn much.

Everyday is a torture. Slowly killing me. Kahit na panay ako binabalitaan ni Alex, na lihim kong pinapasundan si Maddie, namimiss ko pa rin siya.

I want to see her.

Touch her.

Hear her voice.

See her smile.

All about her. Buong siya. Hindi litrato lang na panay pinapadala ni Alex.

Bahala na kung pagtabuyan niya ako ulit. Ang gusto ko lang, sumubok ulit. Sumubok pa.

"Pasok." I said when I hear someone's knock.

"Tss."

"Nauuna pa nguso mo Syd ah. 'Yan ba ang ginamit mong pangkatok?" biro ko sa kanya.

"Tss. Nagsusungit na naman ang asawa ko. For sure, photocopy ko ang anak namin, panay galit sa akin eh." nakangising sabi niya pero panay naman ang kamot s batok. "Anyway, kailan ang flight mo?"

"Sorry for the mess, Syd. Isipin mo na lang ganti ko sa'yo noong panahong pinasakit mo ulo ko sa kanya." biro ko ulit pero hindi ako matawa. These past few days, nahihirapan talaga akong maging masaya. "Tomorrow evening- - - . . . "

"That fast?"

"Tss. Ang laking istorbo ko na nga sa inyo eh."

"Hey. You are always welcome here. Kahit dito ka pa tumira, alam mo 'yan di'ba?"

"I know. I'm just joking. Alam ko namang na stress na sa akin si Em and ayokong ako ang maging dahilan para mahirapan siya o may mangyari sa kanila ng anak mo. You'll kill me for sure. Besides, I miss her. . ." I longingly look at the ceiling imagining her face.

I heard her sigh, alam kong naiintindihan ako ni Syd. "So. . . What's your plan?"

"Wala."

"What that fuck?" hindi makapaniwalang sabi niya. "Seriously?" ulit niya pa ng hindi ako kumibo.

"Ayoko ng magplano. All I want now is to see her. Siguro kahit sa malayo, kahit hindi ko muna siya malapitan. I just want to see her." pinigilan ko ang maiyak sa sobrang emosyon na bumabalot sa akin. "Do you think she miss me too?" out of nowhere na tanong ko.

"I. . . I. . . M-maybe?" wala sa sariling sagot ni Syd. "Look, D. She loved you before. And based on your story, she still love you. Masyado lang kumplikado ang mga nangyari. Pero yung pagmamahal niyo sa isa't-isa naroon. In due time, you will both heal. So as the people around you. Just be patience, D. And you will see, it will be all worth it."

"Hanggang kailan kaya?" nagulat siya sa tanong ko. Bakas na bakas sa mukha niya ang kalituhan kung paano ako sasagutin. "Parang ayoko ng mabuhay- - - . . ."

"Hey. . . Don't fucking say that. Masakit, oo. But don't ever think about something stupid. Don't Diane."

"I'm not suicidal, Syd. Hinding-hindi ko bibigyan ng sama ng loob si Ate Missy. At lalong ayokong habang buhay dalhin ni Maddie ang guilt kapag ginawa ko ang bagay na 'yon. Ayoko ng dagdagan pa ang guilt feelings niya ng mamatay si Mr. Lee. I'm just lonely. P-parang all my life, hindi na ko naging masaya ng matagal." pinigil ko ang mapaiyak, I feel miserable. Hindi na nawala ang ganitong pakiramdam mula ng umalis ako ng States. "Am I that bad not to be happy?"

"D, you know what me and Em's have been through right? Alam na alam mo kung anong impyerno ang naranasan ni Em dahil sa akin. You may not know the whole story in may part, but you are there with my wife. Alam mo ba gaano kasakit sa akin na ako mismo ang dahilan ng lahat ng naranasan ni Em? Hanggang ngayon, sobrang sakit pa rin. Mahirap, sobra. To the point that I almost give up fighting for her. Pero palagi, palagi-palagi D, tinatanong ko sa sarili ko, can I live without her? Or can I see myself without her by my side? Na magsasayang na naman ba ako ng ilang taon kung pwede naman akong sumubok pa ng sumubok to win her back?" nakatitig pa rin ako sa kisame, umaasang baka makakuha ng sagot doon. Iniisip ang lahat ng sinasabi ni Syd. "And look at us. I'll tell you D, it's all worth it. Araw-araw bumabawi ako sa asawa ko. Para matabunan ang lahat ng sakit na pinaranas ko sa kanya. But you know what? You can never find the true meaning of love if you don't get hurt. It's like a promo, a buy one take one. Sadya man o hindi, along the way makakasakit or masasaktan mo ang taong mahal mo. But it all just makes both of you stronger."

Hindi ako makasalita sa mga sinabi niya. Alam na alam ko naman ang gagawin ko eh. Pero si Maddie ang iniisip ko. "P-paano kung hindi niya pala kayang suklian ang nararamdaman ko?" tanong ko sa kanya.

Iyon talaga ang malaking takot ko kaya natatakot na akong sumubok ulit.

"Then let her go. It's not love if it's one sided. Alam na alam mo 'yan Diane."

Let her go?

Fuck.

Hindi ko ata kaya 'yun. Naiisip ko pa lang ang sakit na. I give her the space she needs, but let her go? No fucking way.

She is mine.

Crazy Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon