Chapter thirteen: Try

892 45 0
                                    


MADDIE

Napaikot ako sa kama at impit na napatili  pagkabasa ng message ni D. Wala na talaga akong mahihiling pa now that we are official. Tho, hindi pa alam nila Papa, naghahanap pa kami ng timing. Gusto niya ng sabihin but I am the one who still hesitate. I don't know if they accept me and my relationship with D.

Hindi maampat ang ngiti ko habang inaalala ang gabi na iyon.

I got shocked when she suddenly kissed me. Hindi ako makagalaw at para akong tuod lang din. Naduduling man sa lapit ng mukha naming dalawa. Her eyes are closed while kissing me at ako, dilat na dilat. Hindi malaman kung paano magrereact!

"Kiss me back baby. . ." shit! That instant, natunaw lahat ng galit ko sa kanya at insecurity ko sa katawan. I close my eyes and respond to her kiss.

I felt heaven when she pull me closer. Ayaw na may hangin sa pagitan namin. I felt her hands move down to my waist while the other is still on my nape. I moan when she bit my lower lip and slid her toungue on my mouth. Kung lasing na ko kanina sa alak, mas nalasing pa ko sa halik niya.

Ganitong ganito ang naramdaman ko sa unang beses niya akong halikan. Nakakawala ng wisyo at nakakapagpayanig sa buong sistema ko.

Parehas kaming hingal ng bumitiw siya sa halikan namin. Nakatitig siya sa akin, ako naman ay nilabanan ang hiya. Sa isip ko, last try, nahibang na lang rin naman ako, ituloy ko na. Kapag wala pa rin talaga, lalayo na ako. I felt some spark when she put her thumb in my lower lip and gently touched it.

"W-why?" mahina tanong ko, sabi ko nga, itutuloy ko na ang pagiging gaga ko. "Why did you kiss me?"

"Because I like to."

Napabuga ako ng hangin, gusto lang pala ng halik. O tanga, alam mo naman na ayaw niya nga di ba, nag assume ka na naman kasi.

Inayos ko ang sarili ko, pagod sa pakikipagtalo sa kanya. "Where's my purse?" nandun kase ang phone ko, I needed to call Carol.

"Just rest, baby. . ."

Napapikit ako, sa lahat ng tao na tumatawag sa akin nun, siya ang may pinakamalaking epekto. I hate it, dahil kahit ayoko, kinikilig ako. Bwisit.

"I want to go home. And please D, don't call me that. Okay na, nakahalik ka na. Okay na ba?"

"Tss. Ang hina mo naman pala." kunot noong nilingon ko siya, niyakap niya na naman ako mula sa likuran.

Tiningala ko siya, naguguluhan sa mga inaakto niya. "Let's give it a try." nakatingin siya sa mata ko ng sabihin niya iyon.

What does that mean?

"I'm yours and you are mine, official. What do you think?" napanganga ako sa sinabi niya! Marahan niya akong hinarap sa kanya, unable to process everything! "I like you too. Don't get me wrong when I told you that you shouldn't liked me. It is still true. I like you as you are. Let's give it a try, maybe we can - - - . . ."

I clung into her neck. Naiiyak sa sinabi niya. If this is a dream I don't want to wake up! "We will work it, D. Thank you. . ."

Niyakap niya ako ng marahan, I was crying again, tears of joy!

Finally, kahit na ako na lang muna ang may gusto, even this is just pity or what. I don't care. I will give my best to work this out. Ang mahalaga.

Akin siya.

True to her words, we are trying. We date and started to know each other. Tho, hindi ko pa nga masabi kina Papa, but I already told to Carol. At ang bruha halos mahimatay pa, mas OA pa ang reaksyon sa akin.

Crazy Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon