Chapter fourteen: Lied

919 47 0
                                    

MADDIE

"Why don't you just tell to Aud, sis. Ang tagal na nating magkakaibigan, parang ang pangit naman na ngayon pa kayo magkakasira tapos sa isang babae pa. Ang ganda ni D ha."

"Tingin mo ba matatanggap niya? Saka sis ang tagal na nung kanila bakit kase hindi pa siya mag move on." nakangusong reklamo ko.

"Sis matagal na ring sinasabi sa atin ni Aud na truly, madly, deeply inlove siya sa ex niya hindi ba?"

"Na never naman natin nakilala at hindi ko alam na si D yun."

"Nandun na tayo okay, but still sis, sister over hoes tayo dapat. Huwag puro tawag ng kipay ang pairalin duh."

"H-hoy! We never did- - - . . ."

"Weh? Don't me sis! Halos ialay mo nga yung kipay mo the first time tapos sasabihin mo wala? Ano virgin lang?"

"W-wala nga! Nakakainis ka na Carolina ha!"

"Ay pa virgin! O hopia sis? Hahaha."

Sinamaan ko siya ng tingin, dahil partly totoo. Hindi sa gusto ko ng may mangyari sa amin, pero hindi pa talaga kami lumalagpas sa halik lang. Unlike the first time we met in that club.

"Alam mo kasi sis, magpa sexy ka naman kasi. Saka hello, 2020 na sis, it is natural na babae na ang mag i initiate noh." babae na to talaga walang preno ang bibig.

"Ano ba talaga? Kanina lang parang sinasabi mo hiwalayan ko na si D tapos ngayon yung sex life ko naman? Tss."

Nagpeace sign ang gaga. "I am not against you with D. Alam mo sis, kung bisexual lang ako, pinatulan ko na rin siya. Ang lakas kaya ng dating niya. Makalaglag panty sis!" sira ulo talaga. "Ang sa akin lang ha, yung maging honest ka na kay Aud. Na kayo na, kung hindi niya matanggap sa kanya na yun. I will help naman to explain to her. Siguro naman matatanggap niya- - -. . ."

"Ang alin?" sabay pa kaming napalingon ni Carol. It was D, I smiled instantly when I saw her. She kiss me on the cheek and hold my hand bago umupo sa katabing upuan. "I missed you. . ." bulong niya na mas nagpangiti sa akin.

Si Carol naman todo ngisi, "Hay naku! Ang daming langgam! Mauna na ko sis! I don't want to be a third wheel." tumayo siya saka humalik sa pisngi ko. "Please take care of my sis okay. Kakatayin ko kipay mo loko ka! Bye!"

Napa face palm ako sa bunganga talaga ni Carol.

"She's funny." natatawang sabi naman ni D. Inakbayan niya pa ako. "Where are we going?" tanong niya, nilalaro ang kamay kong hawak niya.

"Movie?" tanong ko, wala rin naman ako sa mood na gumala. Dito lang kami nagpasyang magkita kase malapit siya sa area.

"Unit ko na lang? I hate crowded place." tumungo pa siya at nilaro laro ang kamay ko.

Napangiti ako dahil para siyang bata kapag ganun. "Okay, daan na lng tayo ng food?"

Tumango siya at tumayo na saka kinuha ang gamit ko. Dumiretso kami sa parking pero bago pa kami makasakay tinawag ako ni Audrey.

"Sis! I-iane?" papalit-palit ang tingin niya sa aming dalawa. Mabuti na lang at magkalayo kami. Si D pa naman, napaka clingy wala pakialam kahit PDA na or madaming tao. "Magkasama kayo?"

Matalim ang tingin ni Audrey sa akin pero pag kay D na, lumalambot iyon. I didn't know that she has this attitude.

"Yeah. Why?" si D ang sumagot nagtatakang nakatingin kay Aud. "You need something?"

"Yeah. Sis, pwedeng pasabay naman ako. If okay lang?" pa-sweet na sabi niya, napatas ang kilay ko ng lumapit pa siya kay D. At hinawakan ang pisngi nito. "I miss you D."

"Hey. Stop it my girl- - - . . ."

"Aud, saan ba ang way mo?" singit ko, sinenyasan ko na tumigil na at lumayo. Makakalbo ko na si Audrey malapit na!

Tss.

Inakay ko siya papasok ng kotse pero ang hitad sa driver seat umupo! Peste.

"Hey- - - . . ."

"Mauna naman akong bababa eh. Saka ngayon lang ulit tayo nagkita Iane." inis na pumasok ako sa back seat. "Saan pala kayo galing? Saka sis, you told me you are not close to Iane."

"We are not close back then Aud. Besides, nagkasabay lang kami sa mall and she just ask me for a ride."

"Why? Where's your car? And alam ba nila tito na magkasma kayo?"

Kunot noong tiningnan siya ni D. "Stop being nosy, Audrey. And there is nothing wrong with us being together. Tss."

"Iane, ang sungit mo pa rin. But that what makes you more cool and attractive." malanding sabi niya at may pahimas pa sa braso ni D!

Damn this bitch.

"Where will I drop you?" sabi ni D, naiinis na sa presensya ni Aud.

"Pwede bang mauna na lang si Mads, I want to talk to you pa sana. Alone. You know, for old time sake." tumingin pa sa akin ang malandi at ngumisi ng nakakaloko.

"No. I will go to their house that's why I offer her a ride. And there is nothing to talk about. Really, Audrey, just move on. It's been years na wala na tayo. We're young that time. It's already in the past." natahimik si Audrey at humalukipkip na lang sa upuan. Ako naman ngiting tagumpay.

Serves you right, bitch.

Hindi na nagpaalam sa akin si Audrey, mabilis niyang pinatigil ang sasakyan at lumabas ng kotse ni D. Agad akong lumabas at sumakay sa binakante niya.

"What the hell was that about, Maddie?" kunot noong tanong ni D. "Even in your friends we can't tell our relationship?"

"D, she is your ex- - - . . ."

"The more reason we should tell her! Fuck. What the hell is this?"

"D. . . wag ka ng magalit please. . . I will tell them naman, kaso si Audrey may hidden desire sa yo. And I already told naman to Carol di ba?"

"What I am now? A secret lover? Tss."

"D, sasabihin ko rin naman sa kanila. Gusto ko lang mauna kong masabi kina Papa. Ayokong sa iba nila malaman ang relasyon natin. Please. . . give me more time."

Inis na nagdrive siya at hindi kumikibo. Alam kong nagagalit siya but choose not to talk. Isang ugali niya na madalas ayoko. Dumiretso kami sa parking ng unit niya. Nauna siyang bumaba at hindi man lang ako pinagbuksan.

"Baby?" shit, pagkababa ko sa dami ng makakakit sa akin si Kuya Mayn pa!

Agad napatingin sa akin si D at lumapit. Napakaswerte ko naman ata ngayon!

"What are you doing here?" lumipat ang tingin niya kay D. "D, are you with my sister?"

"Yes"

"A-ano kuya may kukunin lang ako sa kanya." agad kong salo, inis na umirap sa akin si D. Hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Okay. Sabay ka na sa akin pauwi, saglit ka lang di ba?"

"Y-yeah K-kuya."

"Tss. I will just get it then, wag ka ng sumama paakyat." tinalikuran niya na kami, eto namang si Kuya nagsalita pa!

"Kasama ko nga pala rin si Tristan, yung ka date mo sa Tuesday."

Double shit!

Nakita kong napahinto si D at bumalik sa amin. "It's better you get it na lang. Tinatamad na kong bumaba." hinila niya ako at hindi pinansin ang tawag ni Kuya Mayn.

Kabang-kaba ako ng makasakay na kami ng elevator. Mariin ang hawak niya sa braso ko, ramdam ang galit doon.

"Explain." yun agad ang sinabi niya pagkapasok namin sa unit niya. "Date, huh."

"D. . . a-ano kasi . . s-si Kuya M-mayn, may . . . ano. . ."

"Are you fucking serious with me Maddie? Kase I am doing my best to work this out. Yun ang hiniling mo di ba? That's why we are trying. Tapos ano? Hindi mo masabi sa family and friends mo tapos makikipagdate ka pa? What the fuck?! Am I some joke to you? Kasi kung ganon, let's just break up."

Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko sa sinabi niya.

Crazy Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon