Chapter eleven: Fall

924 53 0
                                    


MADDIE

"Argh! Bakit ang tigas na naman!" inis na binato ko ulit yon sa tray. It was my forth try already at ganun pa rin ang resulta. Nakangusong tsinek ko ang nakalagay sa instruction sa ipad at binasa ulit. "Tama naman ang ginawa ko. Why the hell the outcome is always like this! Damn it."

"What the hell is this baby?" busangot na sabi ni kuya Mark, "susunugin mo ba ang bahay?"

"Grabe sunog agad? Tss." tinalikuran ko siya at nagmix ulit ng isa pang set.

"Baby you know you can't bake. Don't try it na. Pang ilan na ba 'to? Mamili ka na lang kaya." sinamaan ko ng tingin si kuya na nakangiwing nakatingin sa mga cookies na na bake ko kanina. "Are you trying to impress someone?" nakataas ang kilay na tanong niya, sumandal pa siya malapit sa akin.

I know he is observing, ganyang mga galawan ni kuya, alam na alam ko na.

"Tss. Kuya I'm already twenty two. Siguro naman normal lang kuya."

"And who's the lucky bastard?" kunot noong tanong niya.

"What's happening here?" isa pang OA na si Kuya Mayn I rolled my eyes when he get one cookie. " Ano to bato?!"

"Tss. Kausapin mo yang prinsesa natin. She is impressing someone we didn't know." agad lumipat ang tingin sa akin ni Kuya Mayn.

"Well, it's about time na may paglaruan ulit tayo don't you think kuya?" nakangising sabi pa niya, pero ang talim naman ng tingin!

"Paano ako magkaka lovelife?! Tss. Mga kuya naman! Saka we are just getting to know- - - . . ."

"Nagdedate kayo?"

"H-hindi pa- - - . . ."

"Tss. Kaya ba nalelate ka ng uwi minsan?"

"Siguraduhin mo lang na hindi ka iiyak baby, kahit sang lupalop pa siya ng mundo hahanapin ko siya."

"Relax. Pwede ba, mga kuya hayaan niyo lang muna ako. I want to he- - - . . . err him better. Saka like pa lang naman. We're not even dating, yet."

Yumuko ako at pinagpatuloy ang paghalo sa panibagong batter, hoping sana, okay na 'to. Last night nalaman ko that D likes cookies and pastries. Home baked to be exact. And yes, I want to impress her, tho hindi pa naman ako sigurado kung gusto ko ba siya. But one thing I am sure. I always want to see her smile and be with her. Hindi alam nila kuya na nagiging malapit na kami ni D. Simply because I don't want them to judge her. Knowing her reputation, hindi malabo na palayuin nila sa akin si D. Hindi ko alam kung anong karisma meron siya at kumportable ako sa na kasama siya.

"What's up D?" agad akong napaangat ng tingin ng sabihin iyon ni Kuya Mayn. There she was, looking so cool in her gray pull over. Wala na bang hindi igaganda ang babae na to? Kahit ata basahan ang isusuot, maganda pa rin.

I looked down ng maisip ko ang itsura ko. Bakit naman ngayon pa!

"Hey. Anong meron? Oh cookies!" agad akong napalingon dahil baka kainin niya yon at mabungi pa!

"I won't dare if I we're you." natatawang sabi ni Kuya Mayn.

"Aw. Ano ba 'to? Semento?" natatawang sabi niya, ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa pagkapahiya. Damn it.

"Hey. Don't be so hard. Our princess are trying hard here." inakbayan ako ni Kuya Mark ako naman pilit inalis ang kamay niya. Hindi tumitingin sa gawi ni D.

Mukha akong bruha na puros harina sa mukha at damit plus the semento cookies I made. Great way to impress huh!

Inis na umalis ako dun, ramdam ko ang pangingilid ng luha ko. Ayoko ng dagdagan ang pagkapahiya ko pa lalo pa at naririnig ko ang malakas na tawa ni Kuya Mayn. Nagmamadaling umakyat ako sa kwarto, I was about to open the door when someone grab my hand.

"Hey. . ." nanlaki ang mata ko ng makita ko si D  sa harap ko.

"Anong ginagawa mo dito?" sumilip ako sa likuran dahil baka sumunod ang mga kuya ko!

"They're downstairs." lumapit siya sa akin at pinahiran ang harina sa mukha. "Is this for me?" pinakita ang isang cookie na gawa ko.

"I-itapon mo na 'yan. It's not even edible." nakayuko ako, hindi makatingin sa kanya. I'm so embarassed na nahuli niya ko sa ganitong sitwasyon eh buti sana kung kaaya aya ang na bake ko!

Bwisit.

"It looks delicious tho." nakangiting sabi niya pa yung puso ko parang gusto ng lumabas sa ribcage! Nakakainis talaga ang babae na 'to ang lakas magpakilig!

Pinipigilan kong mangiti, "Itapon mo na kase yan!" pinilit niya kaseng kagatin yung cookie pero ayaw talaga!

"So it's for me?" nakangising sabi niya, hindi ako makatingin ramdam ko ang pag-iinit na naman ng mukha ko.

"Bumaba ka na! Baka makita ka pa nila kuya magtaka- - - . . ."

"Bakit naman sila magtataka?" takang tanong niya, "I mean we're friends right? It's okay na magusap tayo."

Inirapan ko siya, naiinis sa sinasabi niya. "Oo nga. But still, ayokong mabad shot ka sa kanila. You know how they're thinking sometimes." naiinis na ako sa pinupuntahan ng usapan namin.

"Yeah. Kilala ko ang mga kapatid mo Mads and bakit ako mababad shot just because I am talking to you? At bakit naman sila magiisip ng iba? I mean, we are not doing anything wrong." naguguluhang sabi niya, hindi ko alam kung tanga ba siya o ano!

Nakakainis.

"Just forget what I say. Ano bang ginagawa mo dito?"

"May kukuhanin ako kay Mr. Lee- - - . . ."

"Why are you keep on calling Papa, Mr. Lee? Tito is much okay, D." nauubusan na ako ng pasensya sa kanya sa totoo lang. It's like she is building a gap between us.

"I'm used to it. Old habits die hard. Anyway, baba na ako, wait." nagulat ako ng lapitan niya ako at alisin ang ilang harina pa sa buhok ko.

Shit.

Ang lapit-lapit niya! Konting dukwang niya lang at mahahalikan ko na siya.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Sa mata niya at lalo sa labi niya. I gulped when she lick her lips that is already red and moist. Gusto ko siyang abutin, I want to taste her lips again katulad ng unang beses ko iyong matikman. Pabalik-balik ang tingin ko sa mata at labi niya.

"D-D. . ." pinikit ko ang mata ko waiting for that kiss, pero. . . .

"You washed up, Mads. I'll go down- - -. . ." she sighed and move backward.

Mas masakit pa 'to sa mga pasong nakuha ko kanina dahil sa pagbe bake. Literal na parang dinurog ang puso ko.

"I like you. . ." pikit matang pag-amin ko. Ayaw kong makita ang reaksyon niya.

"You shouldn't. I am not good for you Maddie." tinalikuran niya ako, tang ina.

Ang sakit ha!

She rejected me that easy, fuck this. Pinigilan kong maiyak kahit ang sakit-sakit na sa lalamunan magpigil.

"Damn it. Then you shouldn't show me your good side!" pumasok na ako sa kwarto at hinayaan ang sarili na umiyak.

First time kong nasaktan ng ganito at hindi ko naman siya karelasyon! Ang tanga-tanga ko kasi na mahulog sa kanya!

Crazy Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon