Prologue

479 62 292
                                    

"Ayoko na." Simula nito. Kararating ko lang sa meeting place and favorite spot namin.

Hindi na ako nagulat pa sa sinabi nito dahil alam kong nagpapalambing lamang ito. Kaya nga dumating akong handa.

"Nagpapalambing na naman ang mahal ko," malambing na sambit ko at umupo sa tabi nito.

Umirap lamang ito at umismid.

"Seryoso ako," nagmamaktol pa ring sambit nito. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"Ito, milk tea. Favorite flavor mo with additional pearls. Palamigin mo muna iyang ulo mo." Paglalambing ko pa rin dito sabay abot ng milk tea.

Sana naman tanggapin nito para worth it ang pagkupit ko sa savings ko makabili lang ng ganito.

Kunot-noo itong bumaling sa akin bago tinapunan ng naiiritang tingin ang milk tea na hawak-hawak ko pa rin saka nito binalik ang tingin sa akin.

Agad akong ngumiti ng pagkatamis-tamis. Sing-tamis ng milk tea na paborito nito.

Ngunit imbes na matunaw sa aking ngiti, bigla na lamang nitong tinabig ang hawak kong inumin. Nadulas sa kamay ko at tuluyan nang natapon.

'Sayang ang ipon ko! Pero masasayang lahat pag hindi ko napalamig ang ulo nito. Mahirap pa naming suyu-in 'to!'

"Mahal naman!" Pumalatak ako sabay punas ng maong pants kong hindi nakaligtas sa natapong milk tea.

"Sino ba naman kasi nagsabi sa 'yo na bumili niyan!" Mataray at naiinis na sambit nito.

Napatingin ako dito. Kakaiba ang galit nito ngayon. Nararamdaman ko ang galit nito kahit tahimik lang ito at nakatingin sa malayo.

Agad na binundol ng libo-libo at nakakabinging kulog ang dibdib ko. Seryoso nga ito.

Napatingin ako sa paligid. Ito ang palagi namin pinupuntahan pagkatapos ng aming klase o kung gusto naming mamasyal at sa tuwing may problema kaming gustong ayusin. Malapit lamang ito sa aming subdivision. Ito ang naging saksi ng pagbabangayan, paglaban sa lahat ng pagsubok at ng pagmamahalan namin ni Kirsty sa loob ng pitong buwan.

Ilang beses na kaming nag-away at nagka problema pero lagi namin nalalampasan iyon kaya sigurado akong itong suliranin namin ngayon ay malalampasan din naming dalawa.

Nanaig ang katahimikan sa pagitan namin. Walang gustong magsalita, nag-iisip ng susunod na sasabihin, nagpaparamdaman.

Minsan mainam din na manahimik muna kaysa pairalin ang emosyon na magdikta sa sasambitin ng ating bibig.

Inabot ko ang kamay nito para hawakan pero iniwas nito. Mayamaya'y humugot ito nang malalim na hininga at binaling ang buong atensyon sa akin.

"Pagod na ako. Itigil na natin 'to," diretsang sambit ni Kirsty habang nakatingin sa mga mata ko. Kitang-kita ko doon ang hirap at pagsusumamo nitong makawala.

Ganito ba ng nararamdaman niya? Masyado ba siyang nasakal sa pagmamahal na inalay ko sa kanya? Hindi ko maiwasang itanong ng paulit-ulit ang mga ito sa tuwing sinasabi niya ang mga katagang iyon kapag nag-aaway kami. Paulit-ulit niyang sasabihing pagod na siya, na ayaw na niya pero palagi pa rin kaming nagkaka-ayos pero bakit parang iba ang dating ng mga katagang iyon ngayon?

"'Yon lang? Pagod ka na kaya gusto mo nang itigil? Basta-basta mo na lang itatapon ang pagmamahalan natin?" Puno ng hinanakit na tanong ko dito. Umiwas ito ng tingin.

"Pagod na ako sa pangungutya ng tao," nasasaktang sambit nito habang nakatingin sa malayo.

"Kailan tayo nakinig sa opinyon ng iba? Kailan ba tayo nakinig sa kanila?" Tanong ko at pilit na pinapaintindi rito ang aming sitwasyon.

"Ayoko na! Tama na!" Pamimilit nito.

Tumawa ako ng pagak sa sinabi nito bago ito hinawakan sa balikat at pinaharap sa akin. Hindi ko kasi maintindihan ang gusto nitong iparating. At kanina pa tila nilalamukos na parang papel ang puso ko sa sobrang sakit na dulot ng mga katagang binitawan nito.

Ilang beses kaming napagod pero ni minsan hindi kami tumigil, ngayon pa?

Alam kong may iba pa itong dahilan, mas malalim na dahilan na hindi kayang isalba ng pagmamahal lang.

Biglang nabuhay ang galit sa puso ko pero pilit na pumapaibabaw ang pagmamahal ko dito.

"Pagod ka o may iba na?" Masakit man pilit ko pa ring binitawan ang huling salitang iyon dahil maski ako man gusto kong masagot ang katanungang iyon na bumabagabag sa isipan ko.

"Please! I don't want this to be hard for both of us!" Kirsty pleaded. Punong-puno ng pakiusap ang boses nito. Ganito ito ka desperada na kumalas sa relasyon namin.

Kulang na lang ipangalandakan niya sa akin na isang hawla ang relasyon naming dalawa. Hawla na ikinulong siya at pilit niyang tinatakasan.

Unti-unit na ring bumibitaw ang kanina ko pa pinipigilang luha pero pilit akong nagpakatatag. I can save this. I can save us.

"It's already hard from the start pero kinaya natin," matigas na turan ko.

"Hindi na ngayon! Iba na ngayon!" Dahilan pa rin nito at frustrated na sa mga dahilan ko. Napailing-iling ako. I knew it.

"May iba na? Iyong totoo!" Halos pasigaw na tanong ko. Buti na lang at tago ang lugar na ito. Wala masyadong makarinig at makapansin sa munting eksenang ito.

"Oo! May iba na... akong lalaking nagugustuhan. At gustong-gusto ko siya! I'll do everything to get him. What I feel for him is stronger than what I feel for you." diretsang pag-amin nito na siyang unti-unting nagwasak ng mundo ko. Right there and then my tears fall like a thunderstorm.

Oo masyado pa kaming mga bata para sa mga ganitong bagay at tulad ng sabi ng kapatid ko, masyado pang mababaw ang pagkakaintindi namin sa pagmamahal pero ang masaktan walang pinipiling edad. Bata man o matanda, nasasaktan dahil sa pag-ibig.

"Lalaki! Tangina naman!" Bulalas ko sabay tayo at hinarap ito. Frustrated na napahilamos ako ng palad sa mukha at Huminga ng mabigat.

"Mali na kasi tayo!" Pamimilit nito at tumayo rin.

"Mali?" Mahinahong tanong ko. "Kailan ba naging mali ang dalawang taong umiibig?" Puno ng hinanakit na dugtong ko.

Maagap nitong inabot ang aking mga kamay at tinitigan ako sa mga mata. Nakipagsukatan ng tingin sa akin bago muling nagsalita.

"Kahit anong pilit nating itama ito... mali at mananatili itong mali dahil bali-baliktarin man natin ang mundo, pareho pa rin tayong... babae."

Love CharadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon