I

3.2K 231 24
                                    

CHAPTER 1

"Ma, alis na po ako!" Paalam ko nang matapos magsuot ng sapatos at dali dali tumakbo palabas ng bahay.

Lakad takbo ang ginawa ko palabas ng subdivision dahil kung hindi ako magmamadali malelate na 'ko sa unang subject! Kakapasok lang ng bagong taon, late agad!

Kumuha ako ng tricycle at habang umaandar 'yon ay hindi mapakali ang pwet ko. Late na 'ko!

"Bayad po, isang SPCBA!" Sigaw ko nang makasakay ng jeep at inabot ang bayad sa magjowang naglalampungan sa harap ko, pero hindi nila 'yon pinansin inabot ko sa ibang studyante pero hindi nila kinukuha! Muntik na 'kong magmala VinCentiments buti na lang ay inabot ng isang matanda 'yung bayad ko. Susmaryosep. 'Tong mga taong 'to 'di marunong makisama!

Gusto ko nang makarating sa school! Mahigpit pa naman ang teacher namin sa unang sub!

Niyakap ko ang bag ko at sinuklay ang basang buhok gamit ang daliri. Kahit pagsusuklay nakalimutan ko na sa pagmamadali.

Mukhang nasanay ang katawan ko noong holiday break na gumigising ng tanghali kaya kahit alarm hindi ako nagising! Kainis!

Nang makarating ay pumara kaagad ako at tinakbo ang gate ng school. Mabilis kong pinakita kay Kuya Rey ang I.D ko, hindi ko na tuloy siya nabati, mamaya na lang!

Tahimik na ang school, kakaunti na lang ang pakalat kalat na studyante. Simula na ng mga klase! Lord, sana po late si Ma'am Alcantara!

Tinakbo ko ang corridor, pati ang mga hagdan, dalawang baitang na ang hinakhakbangan. Pawis na rin ako! Ang aga-aga haggard agad, sabagay ano bang bago.

Nang makarating sa second floor ay tumigil ako saglit para maghabol ng hininga at saka tumakbo ulit. Pagkatapos nito pwede na siguro akong sumali sa marathon!

Nagulat na lang ako nang may kasabay na pala akong tumakbo. Nilingon ko kung sino 'yon at agad na kumunot ang noo ko. Si Nofuente! Bakit ngayon niya pa 'ko bibwisitin? Matagal niya na 'kong hindi pinapansin kaya ba't 'di na lang niya tinuloy tuloy? Hindi uso pagbabago?

Ngumunguya siya at may hawak na isang supot ng tinapay sa isang kamay at isang bote ng mineral water sa kabila. Nagugulo ang buhok niya dahil sa pagtakbo.

"Good morning. Ayos ka lang ba?" He asked.

Mukha bang ayos lang ako?!

Hindi ko siya sinagot. Wala akong oras para sa mga kawalang kwentahang bagay na ginagawa niya. At kung kausapin niya 'ko ah, patay malisya lang, walang kasalanan? Walang ginawa?

"Late ka 'no. Tsk," umiling siya pero sumasabay pa rin sa'kin.

Hindi ko pa rin siya pinansin.

He pouted and held out his water while we jog. "Gusto mo tubig? O, tinapay?"

"Gusto kong umalis ka na," sagot ko.

"Wala 'yon sa choices," humalakhak siya.

Punyemas! Wala ba 'tong klase? O, hindi pumasok?

Hindi ko na lang siya pinansin at nang makarating sa tapat ng room ay tinignan ko kaagad kung may teacher na ba. Mukhang dininig ni Lord ang hiling ko! Wala pa si Ma'am Alcantara, kung nandito 'yon pahihiyain ako no'n!

Phew. Thank you, Lord!

Nasa tabi ko naman si Nofuente at sumilip din sa classroom, nakatingin na sa kanya ang iilan sa mga kaklase ko. Nagtataka kung bakit may STEM student sa floor ng HUMSS.

"Tubig, oh." Inalok niya ulit 'yon sa harap ko habang hinihingal naman akong nakayuko at nakapatong ang kamay sa mga tuhod.

"Iyo na 'yan."

Run AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon