CHAPTER 10
"Mahirap ba 'yung HUMSS, Laena?" Tanong sa'kin ni Cordero habang naglalakad pa rin. Good thing, kaunting kembot na lang ay nasa court na kami. Gusto ko nang umupo, tinatamad na akong maglakad!
"Lahat naman mahirap, 'di ba?" Balik ko sa kanya ng tanong.
"Pre, sunog ka na naman," tumawa si Sarmaez.
"Mahirap pero kaya," dagdag ko.
Tumango sa'kin si Cordero at binatukan niya naman si Sarmaez. Nagtalo pa sila sa harap ko hanggang sa makarating kami sa double door papasok sa court.
Rinig na rinig dito sa labas ang ingay mula sa loob. Mga naghihiyawan at may tugtog pa.
"Bakit ang ingay?" Tanong ko habang binubuksan ni Sarmaez ang pinto at minuwestra sa'king pumasok.
"I don't know," sagot ni Cordero sa likod ko.
Pumasok ako sa loob ng court, sa likod ko naman ang dalawa. Nilibot ko ng tingin sa paligid at nakita ang mga kaklase nila Sarmaez na nagtitipon sa gitna ng court, rinig na rinig din ang tugtog sa buong lugar. Mukhang may nagsasayaw, pero hindi 'yon kita dahil nakaharang ang mga nanonood.
Iginala ko ulit ng tingin ang paligid para hanapin ang pinsan ko at si Rozelle pero mukhang naroon din 'ata sila sa kumusyon sa gitna.
"Whoa," rinig kong bulong ni Sarmaez sa gilid ko.
"Tara," ani Cordero at nagpatiuna nang maglakad.
"Anong meron?" Baling ko kay Sarmaez habang naglalakad palapit sa bilog ng mga kaklase nila.
He shrugged. "Kanina tahimik lang na nagsasayaw 'yun si Jasmine at Ezra, ewan ko kung bakit ganyan ngayon," sagot niya.
My brows furrowed. Nagsasayaw? Si Nofuente?
They're classmates were yelling and cheering while watching Nofuente and the girl inside the circle. Nang makita sila Dani at Rozelle ay agad kaming lumapit. Sa sa likod nila Nofuente ang pwesto namin kaya hindi namin kita ang ekspresyon ng dalawa, hindi rin namin marinig ang pinag-uusapan nila doon dahil sa ingay ng kantyawan. Mukhang may pinapanood si Nofuente at 'yung magandang babae kasayaw niya siguro.
Tumikhim ako.
Nag-uusap na sila Dani, Sarmaez at Cordero. Binalingan naman ako ni Rozelle at niyugyog.
"Hay, saan ba kayo galing, girl!? Sayang hindi mo napanood 'yung kanina! Ang galing sumayaw ni Ezra, in fairness!" She giggled but her eye's were observing my reaction.
"Para namang hindi mo nakitang sumayaw 'yan dati," umismid ako.
"Duh! Matagal na 'yun tsaka mas magaling na siya ngayon!"
Para akong nabibingi sa ingay, mukhang wala ring pakialam ang mga 'to na may kahalo na silang ibang strand sa P.E time nila.
"Punta na tayong libra-"
Kinurot ni Rozelle ang tagiliran ko. "Huh?! Nood muna tayo dito!" She cutted me off.
Gusto ko nang umupo!
"Alam ba ni Nofuente na nandito ka? Okay lang ba sa classmate nila na may outsider?" Tanong ko.
Rozelle rolled her eyes and nodded after. "Hindi niya alam, masyadong busy sa pagsayaw! Tsaka wala rin namang paki 'tong mga 'to, don't worry! Invited tayo!" Tumawa siya.
I shrugged and shifted my gaze to Nofuente and the girl touching his arms. Nakita ko ang pagtango ni Nofuente at mukhang may sinabi kaya naghiyawan ulit.
BINABASA MO ANG
Run After
Teen FictionLaena, a HUMSS student who's just so certain with her life not until Ezra, a STEM student, starts to meddle with her life and make it chaotic once again. Can she keep her certainty and feet on ground when he's around, running after her?