CHAPTER 15
Days passed like a blur. Hindi na rin namin sinabi pa ni Euan ang nangyari noong linggong 'yon sa mga kaibigan namin. Hindi na rin namin kasi 'yon pinag-usapan pa.
Nang pumasok ang buwan ng pebrero ay lagi na kaming magkakasamang anim. Si Dani, Rozelle, Matt, Kevin, Euan at ako. Palagi kaming dinadaanan ng apat sa room kapag lunch time para kumain sa labas ng room namin, sa corridor. Kahit uwian, sabay sabay din kaming naglalakad palabas.
Si Rozelle at Jerome ay wala pa ring label pero nililigawan na siya ni Jerome. Hindi pa 'ata handa sa commitment ang kaibigan ko.
Lunch time, nasa corridor ulit kaming anim. Sabay sabay na kumain, umu-order sila ng lunch sa canteen, pagkatapos ay dito kakainin. Tapos na ako kaya hawak ko ngayon ang notebook ko habang nagkakabisado ng Preamble dahil i-re-recite namin 'yon mamaya. Ba't pa kasi 16 subjects ang HUMSS e, char.
Busy ako sa pagkakabisa habang ang mga kasama ko ay nagkukwentuhan at nagaasaran.
"We, the sovereign Filipino people, imploring the aid of Almighty God, in order to build a just and humane society, and establish a Government that.." Inis kong kinamot ang gilid ng kilay. "Ano nga ulit 'yun-" Itataas ko na sana ang notebook ko para tignan 'yon nang kinuha 'yon ni Euan sa akin at nilapag sa pagitan naming dalawa.
"And establish a Government that SHALL embody our ideals and aspirations, promote the common good, conserve and develop our patrimony, and secure to ourselves and our prosperity, the blessings of independence and democracy under the rule of law and a regime of truth, justice, freedom, love, equality and peace, do ordain and promulgate the Constitution," pagpapatuloy niya sa parte ng Preamble na hindi ko pa kabisado.
Later on I just found us, facing each other while I tried to recitate at him the Preamble. He helped to memorize it. He's always like that, he would always help me to every little things. Ganoon din ako sa kanya, tinutulungan ko rin siya sa acads niya kapag may alam ako.
Kapag hapon naman ay tatabi siya sa'kin habang sabay sabay kaming anim na naglalakad palabas. Siya ang magdadala ng libro ko o bag.
And all of these are not part of my plans. Hindi ko alam kung bakit nagkaganito. Tama pa ba 'to? Tama 'to.
"Gets mo na?" Nakangiting tanong sa akin ni Frances, kagrupo ko isang groupwork namin sa isang subject. Tinulungan niya ako dahil hindi ko masyadong na-gets. Nasa ibang grupo si Rozelle kaya siya ang tumulong sa'kin.
"Oo. Thank you," I smiled back.
Tumango siya at sinarado ang notebook. "Close pala kayo nila Ezra at Kevin, 'no?" I blinked when she opened that topic.
"Uh.. Oo.."
She smiled at me. "May girlfriend na raw ba si Ezra?" She giggled.
My brows furrowed. Mag-a-apply ka?
"Hindi ko alam, e."
"Grade 11 pa lang, crush ko na 'yon.. hanggang ngayon," pag-amin niya sa akin.
O, tapos? 'Di ko tinanong, char.
"Ah, talaga.." Tumango tango ako.
Matagal siyang tumitig sa akin at mukhang nag-iisip, nag-iwas ako ng tingin.
"Itanong mo kung meron ba! Tapos kapag wala ilakad mo ako! Para may date ako ngayong Valentine's!" She giggled out of excitement.
Ako pa nautusan, wow ha. Bwisit talaga 'yung unggoy na 'yon.
"Try ko.."
"Ha? Please? Please? Matagal ko na kasi siyang crush, e!"
"Try," ulit ko at tumango ako at tumayo na sa kinuupuan nang matapos ang time sa subject na 'yon.

BINABASA MO ANG
Run After
Novela JuvenilLaena, a HUMSS student who's just so certain with her life not until Ezra, a STEM student, starts to meddle with her life and make it chaotic once again. Can she keep her certainty and feet on ground when he's around, running after her?