CHAPTER 24
4 days passed. Apat na araw na rin kaming hindi nagkikita ulit ni Euan simula noong Monday.
Sabado na ngayon at nag ge-general clining kami ni Mama sa bahay nang dumating siya bago magtanghali, may dalang mga prutas.
Naka boyfriend shorts lang ako at sando, gulo gulo na rin ang buhok ko at pawis na pawis na kaya hiyang hiya ko siyang pinagbuksan ng gate.
"You look beautiful," he ruffled my hair and smiled. Nasa kusina na kami at pinapasok ko na sa refrigerator namin ang mga dala niya.
Ang galing niya talagang mangbola! Ang sarap niyang kutusan!
Tinabig ko ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin.
"What?" he defensed. "You seems busy... I'll help," he smiled and winked.
Inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglalagay ng mga dala niya, si Mama naman ay nasa sala at nagpupunas ng mga pasamano.
"Para saan 'to?" Tanong ko at hindi siya tinapunan ng tingin.
"I bought groceries, so I bought you too."
Pinagmasdan ko pa ang saging na lakatan na sobrang laki at taba. "Mayroon palang ganito?" manghang bulong ko. "Wala na bang may mas ilalaki 'to?" biro ko at humarap pa sa kanya habang hawak 'yung saging sa magkabilaang kamay.
Mabilis naman siyang ngumisi na akala mo'y may masamang binabalak. Kumunot ang noo ko at nag-init ng mukha nang binaba niya ang zipper ng shorts na suot niya.
"Hoy!" Sigaw ko para pigilan siya. Nag-angat naman siya ng tingin habang naka ngising aso pa rin. "Anong ginagawa mo?!" Halos ibato ko na sa kanya ang hawak kong saging.
"You said you want bigger banana, so..." he shrugged and laughed. Nang-aasar lang.
Nilapag ko ang mga saging sa lamesa para masabunutan siya.
"Napaka landi mo!" inis na sabi ko at tinawanan niya lang ako.
"I was just joking. You looked more beautiful when you're pissed, e," tumawa siya.
Bwisit 'to!
Gaya ng sinabi niya, tumulong nga siya sa paglilinis namin. Noong matapos maglinis ng buong bahay ay naglaba naman at siya ang katulong ko. Minsan nga alukin ko siyang maging kasambahay rito sa bahay, char.
Natapos kaming maglaba noong kumagat ang dilim kaya kumain muna kami ng dinner bago naligo. Pinahiram ko siya ng pajamas ni Kuya, roon siya naligo sa C.R sa baba, ako naman ay 'yung C.R sa second floor.
Nasa kwarto na si Mama noong natapos akong maglinis ng katawan, nakasuot lang ng yellow na pajamas at basa pa ang buhok. Bumaba ako sa sala at nakita roon si Euan na nanonood ng kung ano, may gwapo lalaki at magandang babae sa yacht, dala niya siguro ang flash drive niya. Nakapajamas din siya na printed blue at basa rin ang buhok.
Nang makita niya ako ay ngumiti siya at tinapik ang pwesto sa tabi niya para umupo ako. Lumapit naman ako at umupo sa tabi niya, agad naman siyang humiga sa hita ko kaya umusog ako sa pinakadulo ng sofa para makaayos siya ng higa.
"Anong movie 'yan?" Tanong ko habang ang tingin ay nasa T.V. habang nagsusuklay.
"DNA 365," sagot niya habang na sa akin ang tingin.
Tumango lang ako at nagpatuloy sa panonood. Nagulat ako nang may mga kissing scene at bed scene, napapatakip na lang ako ng mata at hinahampas si Euan na tinatawanan lang ako.
"Are you lost baby girl?" He said in baritone and husky voice! Ginaya niya 'yong line noong lalaki sa movie!
Pinalipat ko sa kanya ang movie dahil masyadong intimate 'yon. Nanood na lang kami ng cartoons, 'yong bagong chapter ng 'How to train your dragon'. Natapos namin ang movie nang nakasandal siya sa balikat ko at nakasandal ako sa ulo niya, ganoon ang posisyon namin nang mag-aya siyang lumabas.
BINABASA MO ANG
Run After
Novela JuvenilLaena, a HUMSS student who's just so certain with her life not until Ezra, a STEM student, starts to meddle with her life and make it chaotic once again. Can she keep her certainty and feet on ground when he's around, running after her?