II

1.4K 194 22
                                    

CHAPTER 2

"Anong plano mo this week, Lae? Gala tayo RGS, ano, g?" Dinedemonyo na naman ako ni Rozelle.

Nakaupo kami sa damuhan ng field para magreview dahil may quiz mamaya pero bigla siyang nagtanong nyan. Hay nako, 'wag baka pumayag ako. Tukso layuan mo ako, hayop ka.

Umirap ako. "Pass. Mauubos na naman allowance ko riyan."

"Ano ba 'yan! Minsan lang naman, e! 'Tsaka 'di mo ba 'ko namiss kasama magchill, ha," kunyaring nagtatampong sinabi niya.

"Hindi," sagot ko nang hindi nag aangat ng tingin sa kanya at nanatili ang mata sa binabasa.

Masaya naman kaso laging ubos allowance ko! Sinong 'di mauubos pera sa hayop na kape na 'yon isang baso isang buong linggo kang gutom. 'Wag na lang, 'no.

Sinipa niya ang paa ko at nagdrama kung ga'no raw ako kasama dahil 'di ko man lang daw siya namiss kasamang gumala.

Matutuwa na sana ako nang tumigil siya pero bigla naman niyang kinurot ang braso ko.

"Hoy, bakit ka pala hinatid ni Ezra kahapon ng umaga, ha? 'Kala mo 'di ko malalaman? Ano, kumusta na kayo? Ayos na?" Tanong niya na nagpairap na naman sa'kin.

Sino naman kayang atribida ang nagkwenta rito. Tss.

Umiling ako. "Correction, hindi ako hinatid," sarkastikong sagot ko.

"Pero ayos na kayo?"

Pang isang daang umikot ulit ang mata ko. Binaba ko ang binabasa at natatawang hinarap siya. "Roz, ayos ka pa ba? Si Nofuente? Makikipag ayos?! Wala 'yon sa vocab niya!" Singhal ko.

May tinuro siya sa likuran ko. "Ayun na nga, o. Lagot ka, tanga narinig ka 'ata. Ingay kasi ng bunganga mo," pananakot niya sa'kin.

Tamad akong lumingon sa tinuro niya at halos masamid sa sariling laway nang makitang nakaupo malapit sa'min ang grupo nina Nofuente kasama si Daniela, mukhang naagaw ko ang atensyon nila. Luh, punyeta.

Sabagay, anong pake ko? Totoo naman ang sinabi ko! Sus.

Inirapan ko si Nofuente nang magtama ang tingin namin. He looked amused while pouting.

Si Sarmaez naman ay mukhang natatawa habang nagpapabalik balik ang tingin sa'kin at kay Nofuente. Tahimik lang na nakamasid si Cordero habang ang pinsan ko naman ay pinandidilatan na 'ko ng mata.

"Kanina pa ba sila dyan?" Tanong ko kay Rozelle na ngayon ay pabalik balik din ang tingin at sa grupo.

"Oo." Halos batukan ko siya nang marinig ko ang sagot niya.

"Ba't 'di mo man lang sinabi!?" Inis na sabi ko.

"Duh. Nagtanong ka ba? Akala ko naman po kasi wala kang pake sa kanila po, e, ano po." Aniya, puno ng sarkasmo ang tono.

"Tara na nga!" Sabi ko at niligpit na ang mga gamit.

Taka akong tinignan ni Rozelle habang nakataas ang isang kilay. "May twenty minutes pa naman, Lae. Mamaya na!"

"Ayos lang 'yan, tara na!"

Kinurot niya 'ko ng slight. "Bakit bigla ka 'atang nagmamadaling umalis, huh? Iniiwasan mo? Bakit? 'Di ka naman inaano, ah?" Malisyosang pang iintriga niya ulit.

Duh. Ba't naman ako iiwas? Ayaw ko lang makita pagmumukha niya, tapos!

"Kung ayaw mong sumama, bahala ka," sabi ko saka tumayo dala ang gamit at iniwan siya roon.

At hindi man lang ako hinabol at pinigilan! Walang'ya!

'Di na 'ko lumingon pa. Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad paakyat sa floor ng room namin.

Run AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon