CHAPTER 16
"Girl, 'wag mo sabihing susundin mo 'yung sinabi noong malanding babae na 'yon?" Mataray na sabi ni Rozelle habang nakahiga siya sa kama ko, habang ako ay nakaupo.
Gabi na at tapos na rin kaming magdinner. Si Euan ulit ang naghugas ng mga pinggan at pagkatapos ay umuwi na.
Namiss niya raw ako, kaya naisipang mag sleep over. Gawain na namin ito dati, may damit na nga siya rito sa bahay kaya wala siyang dalang damit ngayon. Sabay na rin daw kaming papasok bukas at uuwi na rin siya sa kanila pagkahapon.
Siya lagi ang dumadayo rito para sa sleep over dahil hindi ako pinapayagan nila Mama, kaya siya na ang nag-adjust para sa'kin. Ganoon niya 'ko kamahal.
Nakwento ko na rin kay Rozelle ang buong nangyari sa'ming dalawa nung unggoy na 'yon pati na rin ang pagpunta ko bukas sa kanila. Hindi ko naman malaman kung anong reaksyon niya roon sa kinwento ko, kung natutuwa ba siya o naiinis. Kinwento ko rin sa kanya 'yung sinabi sa'kin ni Frances noong nakaraan.
"Pwede rin naman, wala namang masama-"
"'Wag mo ngang sundin ang isang 'yon! Ibubugaw mo pa si Ezra sa kay Frances! Baka hindi pa 'yon magustuhan ni Ezra," putol niya sa akin.
"Nakakahiya naman kasing tumanggi."
Umirap siya at medyo bumangon pa sa pagkakahiga para batukan ako. "Bakit ka naman mahihiya? Siya nga inutusan ka at nanghingi pa ng pabor, nahiya ba siya? 'Wag kang mahiya, siya ang may kailangan sa'yo, hindi ikaw." Pagsusuplada niya.
"Oo na!"
Ewan ko kung bakit parang nakahinga ako ng maluwag pagkatapos niya akong sermonan.
Nagkwento rin siya tungkol sa kanilang dalawa ni Jerome. Okay naman daw, kaso baka iwan pa raw siya kaya hindi niya raw muna sasagutin. Natakot ang gaga.
"Parang dati lang third wheel pa kita kapag Valentine's, tapos ngayon may date ka na!" Rozelle giggled.
Date? Petsa 'yun, 'di ba. Char.
Umismid ako. "Date ka riyan! Wala, ah!"
"Pustahan, aayain ka ni Ezra kumain sa labas o pumuntang mall sa 14!" Hamon niya sa'kin.
"Ahuh. Bakit, papayag ba 'ko?" Ngumisi ako sa kanya.
"May sinabi ba 'kong papayag ka?" She fired back.
Kaibigan ko nga talaga siya.
"Punta tayong art exhibit sa foundation day, ha," paalala niya sa'kin.
Ngayong darating na linggo ang foundation ng school namin, tatlong araw 'yon hanggang friday. February 12, 13 at 14. Magkakaroon ng mga stalls, program, contests, fun run at kung ano ano pa.
Monday came, panay ang quizzes dahil sa nalalapit na foundation. Noong mag lunch time ay sa corridor ulit kami kumain at nag-aral doon ng magkakasama. Kinahapunan ay sabay sabay ulit kaming lumabas. Sinundo ni Jerome si Rozelle sa school, mukhang may date. Ako naman ay sumakay na sa sasakyan ni Euan.
Malisyoso at nakangisi sina Kevin at Matt, si Dani naman ay ngumiti lang noong iniwan namin. Nakita ko pa ang mga tingin sa'kin ng ibang studyante nang makita akong pumasok sa pinakamamahal nilang si Ezra Nofuente. Tss.
"Pupunta kang foundation?" Tanong ko habang busy si Euan sa pagda-drive.
Pwede naman kasing hindi na um-attend ng foundation. Kaya 'yung iba hindi na-attend at pupunta na lang sa kung saan.
Tumango siya. "Of course. You?"
"Syempre! Pero hindi ako sasali sa fun run," humalakhak ako.
Natahimik ako nang pumasok na ang sasakyan niya sa exclusive village rito sa San Pedro, Las Villas. Namangha ako sa mga malalaking bahay na nadadaanan ng sasakyan.

BINABASA MO ANG
Run After
JugendliteraturLaena, a HUMSS student who's just so certain with her life not until Ezra, a STEM student, starts to meddle with her life and make it chaotic once again. Can she keep her certainty and feet on ground when he's around, running after her?