CHAPTER 22
"Whoo! Survived! Here I come UST!" Tinaas pa ni Matt ang kanang kamay habang naglalakad kami ng sabay-sabay palabas.
Sa wakas ay tapos na ang finals. Siguradong sigurado ako sa mga sagot ko kaya hindi ako nangamba. Ang sarap sa pakiramdam kapag iniisip na tapos na ang mahabang taon sa high school, college na kami!
Kumain kami sa Gilligan's sa RGS bilang celebration dahil tapos na ang kalbaryo, syempre kasama namin si Jerome. Nilibre pa kaming mga babae ng apat na unggoy, pagkatapos kumain ay nag-ikot ikot kami sa loob ng mall. Pumunta pa kaming Tom's World at naglaro roon na parang bata.
Umalis na kami roon sa RGS at lumipat sa coffee shop na pinagkainan namin ni Euan noong nakaraang sabado. Ako ang nagyaya roon dahil nasarapan ako sa kape nila.
Kami lang 'ata ang maingay sa loob ng coffee shop at wala silang pakialam doon.
Nagyaya pa ng basketball si Jerome, pero wala naman siyang makakalaro dahil ayaw ni Kevin at badminton ang nilalaro ni Euan. Alangan naman kaming mga babae ang kalaro niya?
Nagyaya pa sila ng jogging doon sa Rosario, um-oo naman ako at nagkaplanong dadalhin sila sa bundok na inakyat namin ni Kuya at Arman noon.
Gusto pa nilang magswimming sa hapon pagkatapos ng jogging pero humindi ako dahil baka maubos na ang ipon ko, 'no! Pinilit nila 'ko pero ayoko talaga, bahala sila riyan. Tsaka baka hindi rin ako payagan ni Mama, agad agad kasi!
Kaya nang umuwi kami ay nagpaalam kaagad ako kay Mama noong tungkol sa jogging namin bukas noong mga unggoy, pumayag ulit siya.
Nag-usap pa kami sa group chat at sinabi ko sa kanilang dadalhin ko sila roon sa bundok, excited naman ang mga unggoy. Maaga akong natulog at nag-alarm para maligo at magbihis. Nang matapos sa pag-aayos ay nilakad ko na ang papuntang Lechong Manok, kung saan kami magkikita.
Ala singko at kalahati ng umaga na kami nagjog papuntang Rosario. Jog lang talaga kahit medyo malayo! Nakasuot lang ako ng gray na jagger at white na hoodie paired with air max rubber shoes, aksidente pang nagkapares kami ni Euan, hindi naman 'yon pinag-usapan!
Ngumunguya kami ng tinapay habang maingay naglalakad na lang, nagkukwentuhan at tawanan. Dinala ko sila sa bundok na medyo kailangan pang akyatin, hindi naman kasi 'yon gaanong kataas pero maganda roon sa taas, kita ang bahayan!
Tulong tulong kaming umakyat doon at tuwang tuwa sila nang makarating kami. Mahangin at hindi pa masyadong mainit kaya maganda pang tumambay, nagpicture taking pa kami. Nagpatugtog pa si Rozelle ng 'Time of my Life' at sumayaw. Nagzumba pa sila roon, tinuturan sila ni Euan ng steps mula sa pinanood sa YouTube, tinatawanan ko lang sila at hindi nakisali.
Nang makauwi ay magtatanghali na. Si Mama naman ay naabutan kong naglalaba kaya tinulungan ko, maaga rin kaming natapos. Nang mag ala una ng hapon ay nagulat ako nang magsidatingan 'yung mga unggoy!
Ang ingay agad nila nang makapasok sa sala. "Ayaw mong magswimming, huh! Ang swimming pool ang dinala namin! We find ways!" Humalakhak na parang demonyo si Matt.
Ipinakita nila ang hindi pa nahahanginang pool at ang pambomba! May dala rin silang mga hotdog, fries, kikiam, fishball, squidball na hindi pa luto! Bawat isa sa kanila ay may dalang bag pack.
Punyemas!?
"Hoy! Trespassing, bawal kayo rito!" Taboy ko sa kanila.
Tumawa si Rozelle. "Sorry ka, pinayagan kami ni Tita! 'Di ba, Tita Helena?" Lumingon pa si Rozelle sa likod ko sa kababa lang na si Mama galing second floor.
Binati naman kaagad si Mama noong mga unggoy.
So, hindi sila sa'kin nagsabi? Pagagalitan ko nga 'to mamaya si Mama! Tss.
BINABASA MO ANG
Run After
Teen FictionLaena, a HUMSS student who's just so certain with her life not until Ezra, a STEM student, starts to meddle with her life and make it chaotic once again. Can she keep her certainty and feet on ground when he's around, running after her?