XX

510 44 2
                                    

CHAPTER 20

Ezra Nofuente: Wru? Wyd? Are you free?

Helaena Alejo: who's free? sorry, wrong no. ka. helaena pangalan ko XD

Ezra Nofuente: Funny mo naman, sis.

Helaena Alejo: charot. sa bahay lang, tapos na maglaba hahahaha xD

Helaena Alejo: bakit?

Ezra Nofuente: I'll pick you up. Kain tayo sa labas.

Helaena Alejo: ha?

Ezra Nofuente: HAndito na ko sa labas niyo.

Ezra Nofuente: You owe me lunch, remember?

Kathryn Bernardo ka, girl?

Helaena Alejo: wala akong pera!

Ezra Nofuente: I'll pay. Just eat with me. ;)

Helaena Alejo: ok, papaalam lang ako

Helaena Alejo: joke antayin mo ko sa labas, bibihis lang ako

Ezra Nofuente: Okay.

Nang makita ang reply ni Euan ay mabilis akong bumangon sa pagkakahiga at naghanap ng mabibihis habang sumisigaw.

"Ma!" Tawag ko kay Mama sa kabilang kwarto.

"Oh? Bakit, 'nak?"

"Lalabas lang po kami ni Rozelle, saglit lang naman po," pagsisinungaling ko. Baka hindi ako payagan kapag sinabi kong si Euan ang kasama ko.

"Ngayon na?"

"Opo!"

"Sige sige, umuwi rin kaagad," bilin niya.

Hindi pa nga nakakaalis, uwi na kaagad? Chos.

Mabuti na lang at wala ulit choir kaya nang matapos ang paglalaba kanina ay nakapagpahinga ako ng kaunti.

Sakto namang katatapos ko lang maligo nang nag message si Euan kaya nagpalit na lang ako ng damit. 'Yung sweatshirt niya ang sinuot ko, hindi ko na kasi 'yon nabalik at hindi naman na niya hinanap, pinaresan ko 'yon ng pantalon at tinali ko pa ang buhok ko sa high ponytail. Kumuha ako sa ipon ko ng pera kahit sinabi naman na niyang siya ang magbabayad, in case of emergency.

Isinilid ko ang wallet at cellphone sa bulsa ng pantalon at iniwan ang panyo sa kamay ko bago lumabas ng kwarto at dumaan pa sa kwarto ni Mama bago bumaba.

"Ma, alis na po ako," paalam ko nang bahagya kong binuksan ang pinto ng kwarto nila ni Papa.

Gumagawa siya ng lesson plan doon. Tumango siya at nilingon ako para bilinang mag-ingat.

Bumaba na ako at dumiretso palabas. Nang buksan ko ang gate ay nasa harap na nga ng bahay ang kotse ni Euan. Ang bilis naman ng isang 'to, bakit sabi nila babagal bagal? Asan ang bagal dito, char.

Hindi na siya naghintay pa sa labas ng sasakyan dahil mainit, alos dos pa lang ng hapon tapos 'di ko pa siya pinalabas ng bahay.

Umikot ako sa shotgun seat at agad naman 'yong bumukas, binuksan ni Euan na nasa loob.

He smiled at me, I smiled back as I stepped inside his car.

"Bawal daw ako sa malayo sabi ni Mama," sabi ko kahit hindi naman sinabi talaga ni Mama. Baka kung saang kainan pa 'ko dalhin nito, e.

Run AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon