XVIII

453 43 6
                                    

CHAPTER 18

Kinuyog ng mga unggoy ang bahay nang magsabado. Walang pasabing dinala ni Rozelle at Dani sila Jerome, Matt at Kevin sa bahay. Wala si Euan.

Speaking of, hindi ko pa siya nakakausap tungkol doon sa letseng art exhibit na 'yon. Ayaw ko naman siyang kausapin through phone, gusto ko sa personal.

Nasa sala kaming lahat, nakaupo kaming mga babae sa sofa habang ang tatlong lalaki ay nakaupo sa sahig. Kumakain kami ng dinala nilang meryenda.

Mabuti na lang at tapos na akong maglaba noong dumating sila, sakto pa ang timing nila dahil wala kaming choir ngayong weekend na 'to kaya rito lang ako sa bahay ngayong hapon hanggang gabi. Wala rin si Mama rito sa bahay dahil nasa meeting kasama ang co-teacher niya, kaya tinext ko na lang siya tungkol sa pagpunta nila Rozelle rito sa bahay.

"What the fuck, bro. Wala kaming kaalam alam doon sa picture mo sa art exhibit!" Parang gulat pa rin si Matt.

"Ezra didn't tell us about that," Kevin added.

"Malamang! Hindi naman bakla si Ezra, tulad n'yo, 'no!" Pang-aasar ni Dani habang kumakain ng pizza.

Si Jerome at Rozelle naman ay may sarili ng mundo.

"Lul!"

"But, seriously, your picture got the most attention," Kevin nodded at me.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa ginawa ni Euan o ano. At bakit hindi nga pala nila kasama ang isang 'yon?

"Bakit hindi n'yo kasama si Euan?" Tanong ko.

"Euan, huh," Kevin grinned. "What's the score between you two, Laena?"

"Nasa Manila siya, may family gathering 'ata," sagot sa'kin ni Dani sa tanong ko.

Tumango ako kay Dani. "Wala. Friends lang kami," kunot noong sabi ko. Naguluhan sa sinabi ni Kevin.

"Pre, what will you expect!? Lolo ngang talaga, babagal bagal!" Tumawa si Matt.

Back stabber din pala ang isang 'to, 'no. Char. They're all good.

"Ulol! Ikaw nga nireject kaagad ni Micka!" Bawi ni Dani para kay Euan.

"Life guard ka ba, ha?!" Binato siya ni Matt ng fries.

"Bakit?" Ngumisi si Dani. "Ay, akala ko pick-up line," humalakhak pa ang pinsan ko.

Umiling-iling si Kevin sa dalawang nag-aasaran. "Friends? Friends with benefits?"

Punyeta 'to.

"Hala, hindi! Friends lang talaga kami ni Euan," umiling kaagad ako.

Rozelle suddenly turned her gaze to me and grinned. "Friends ba 'yon, nahiga sa hita? Friends? Lolo mo, Helaena Raquel!" Panglalaglag ng kaibigan ko.

Naghiyawan at kinantyawan ako nila.

"Tang ina ni Ezra, hindi nagsasabi!" Si Jerome naman.

"Oo! Bakit bawal bang humiga sa hita nang walang malisya?" I said to save a face.

Kinabukasan nang hapon, nang matapos ako sa pagtitiklop ng damit ay nagbasa ako ng wattpad sa cellphone ko. Ganoon ang ginagawa ko, nagbabasa sa wattpad kapag bored pero hindi ako addict katulad ng iba.

Si Mama ay nasa lungga niya nang may bumusinang pamilyar na kotse sa tapat ng bahay.

Agad akong tumayo at pinagbuksan ng gate si Euan. Nagulat ako nang dala niya si Kian, 'yung golden retriever!

"Oh my gosh! Baby!" I giggled out of excitement. Agad kong binuhat mula sa pagkakakarga ni Euan si Kian at dinala sa bahay. Hindi ko na napagtuonan ng pansin ang amo niya.

Run AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon