XXX

945 34 35
                                    

CHAPTER 30

"Pack your clothes, Lae." Arman commanded.

Bakit? Itatanan niya 'ko? Chos.

I looked at him with confusion in my eyes. "Huh?"

Bumisita siya sa bahay ngayon, sa Laguna. Si Mama at Papa naman ay nakikinig lang sa amin. Alam na nilang kaming dalawa na ni Arman, binasbasan pa nga kami ni Papa.

"We're going to the happiest place on the Earth," he winked at me.

My eyes widened and tears formed in my eyes out of excitement and happiness. "Oh my God! Thank you!" Tuwang tuwa sabi ko na parang bata at dali daling umakyat papuntang kwarto para mag-ayos na ng gamit.

Ilang buwan na rin simula noong official na maging kami ni Arman. Akalain mo 'yon, December na naman. Ako naman ay hindi pa nagtatrabaho dahil in-enjoy ko pa ang sarili dahil kapag pumasok na ako sa larangan ng pagtuturo, baka hindi na ako makapagliwaliw pa.

Ang bilis talagang lumipas ang mga araw. Kailangan mo lang i-enjoy bawat segundo ng oras dahil na 'yon babalik pa sa dati, hanggang ala-ala na lang.

"Don't be scared, I'm here." Arman whispered gently and kissed my forehead before he intertwined our hands, ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko dahil sa init ng kamay niya.

Pikit na pikit ako nang umandar ang eroplanong sinasakyan namin at lumipad sa himpapawid. First time ko 'tong makasakay sa eroplano at pupuntang ibang bansa! At kasama ko siya! Ang saya!

Hindi nagtagal ay unti-unti ring nawala ang takot ko at nagrelax, in-enjoy ang sarili sa tanawin sa ibaba.

"Thank you." I smiled and kissed Arman beside me.

"I love you, too."

We arrived in Hong Kong, we booked on a hotel. This time tabi na kaming natulog sa malambot at komportableng kama. Pwede na kaming magtabi, boyfriend ko naman na siya.

We'll stay here in hongkong for 3 days. Bukas ang punta naming Disneyland at sa susunod na araw ay hindi niya sinasabi sa'kin ang plano niya. Siya naman ang nagset nito, pera niya. Hindi niya 'ko hinahayaang gumastos.

We cuddled all night until we fell asleep. Nang mag-umaga ay lumarga na kami sa Disneyland, ito 'yung isa sa pinangako sa akin ni Kuya na pupuntahan namin pero si Arman ang tumupad. I love you, Kuya. I miss you. I am with the right man you wished me to be with.

Ang saya dahil nagkaroon ako ng pagkakataong makaapak sa Disneyland at mas lalong masaya dahil si Arman ang kasama ko. Gabi na kami nang makauwi. We cuddled again and he did not tell where we would go tomorrow, surprise raw.

Pinagbihis niya ako ng regalo niyang dress. Kulay red iyon at knee length. Gabi na nang umalis kami at wala talaga akong kaalam alam kung saan kami pupunta.

I just found us eating on a very elegant and expensive restaurant. Nasa tuktok 'yon ng isang mataas na building. Kitang kita ko ang city lights sa ibaba.

Nagulat ako nang lumuhod sa harapan ko si Arman, nilahad sa harap ko ang isang pula at maliit na box.

Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga tao nang makita ang nangyayari sa amin dito. Nangilid ang luha ko sa saya. Wala na akong mahihiling pa.

"I love you," tumulo ang mga luha sa mata ko habang tumatango tango.

Naghiyawan naman ang mga foreigner nang isinuot pa unti-unti ni Arman ang singsing sa kamay ko, nanginginig ang kamay niya. Tinayo ko siya at hinalikan.

Run AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon