CHAPTER 23
"Congratulations, anak. Promise, babawi si Papa pagkauwi ko." Papa smiled at me through the screen of my phone.
I smiled back and nodded. "Thank you po."
"Pasensya na at hindi ako naka-attend ng moving up mo, ha. I miss you, 'nak."
Ngumiti lang ako at tumango.
Natapos ang moving up kanina. Nasa sementeryo na kami ngayon ni Mama at dinalaw ulit si Kuya para ipaalam na college na ako. Kumain lang kami ni Mama sa labas at dumiretso na rito, meron pa ngang regalo sa'ki si Mama.
Nang matapos ang video call ni Papa ay si Arman naman ang tumawag.
Hinarap ko ulit ang cellphone sa mukha ko nang sinagot ko ang tawag niya. Agad ko namang nakita sa screen ang pogi kong asawa, char.
"Congratulations, Helaena! I love you! Sorry, I couldn't come. Babawi ako, malapit na!" He smiled at me like he's so proud of me.
I blushed when he said the three words. Hindi direct at vocal si Arman, pero ipararamdam niya sa'yo ang alaga at pagmamahal. I miss him!
Nagkwentuhan pa kami at kalaunan ay pinatay na rin ang tawag at umuwi na kami ni Mama.
Bukas, pupunta kaming Pansol, dito lang din sa Laguna pero sa Calamba. Maraming hot springs at resort doon. Magsswimming kami noong mga unggoy.
Hindi kami magkakasama noong matapos ang graduation dahil syempre, sa pamilya namin muna kami! Dumating nga rin 'yung mga magulang ni Euan pero mabilis din silang umalis pagkatapos ng graduation dahil pinagkakaguluhan, akala mo artista hindi naman. Hindi tuloy ako napakilala, chos.
Kinabukasan, naghanda na ako ng isang bag pack para sa over night swimming, mabuti nga't pinayagan ulit ako ni Mama. Isang sasakyan lang ang ginamit namin para hindi hassle, 'yung sasakyan ulit ni Euan. Kawawang boy tinapay.
Sinundo nila ako noong hapon at nagpaalam pa kay Mama bago tuluyan umalis.
Nang makarating kami sa Villa Tagumpay, hindi 'yon private dahil hindi naman masaya kung aakupa kami ng isang resort tapos pito lang kami. Nagrent kami roon ng isang kwarto para sa'min, nagluto pa kami ng inihaw bago nagswimming noong gabi.
Gusto nga nila sa beach kaso masyado pa kaming bata para lumayo ng kami kami lang kaya swimming pool lang muna.
Sobrang ingay namin, nabubulabog na namin 'yung ibang naliligo. May slide kasi roon kaya roon kami nagkatuwaan, hinatak pa namin si Matt na magslide dahil natatakot siya kaya sa huli tinulak namin siya. Tawa kami ng tawa.
Si Rozelle naman ay nirampa ang two piece! Okay lang dahil maganda naman talaga ang katawan niya, full package! Swerte ni Jerome kaso hindi pa rin siya sinasagot.
Naka two piece na rin kami ni Dani dahil atribida si Rozelle at pinilit kami. Nakakahiya pa dahil wala namang araw at swimming pool 'to, hindi naman 'to beach!
Nagchicken fight pa kami, this time kasali na si Dani kaya mas masaya. Si Kevin ay buhat si Dani, si Jerome ay buhat si Rozelle at ako ay buhat ni Euan, si Matt paepal lang dahil wala naman siyang jowa.
Marami pa kami nilaro sa pool, nagpabilisan pa ang mga lalaki sa paglangoy. Nang manawa ay bumalik kami sa kwarto namin at kumain ng inihaw, 'yung apat na lalaki ay nainom ng beer kami naman ay chuckee lang.
"Congratulations to us! I love you, guys!" Tinaas pa ni Dani ang baso laman ang chuckee na may cube ice, ginaya namin 'yon at nagcheers.
We took so many pictures. Naglaro pa kami ng Uno cards sa kwarto at ang matalo ay consequence, truth or dare!
BINABASA MO ANG
Run After
Teen FictionLaena, a HUMSS student who's just so certain with her life not until Ezra, a STEM student, starts to meddle with her life and make it chaotic once again. Can she keep her certainty and feet on ground when he's around, running after her?