XXIX

579 28 2
                                    

CHAPTER 29

Days has passed like a whirling wind. Seconds, minutes, hours, days, weeks, months and years has been passed and I kept on track but Nofuente didn't stop meddling.

Sa nakalipas na araw, buwan at taon ay panay ang pang-aabala at pangbibwisit ang ginagawa niya sa akin.

Nasabi ko na rin kay Arman ang nangyayari sa pagitan namin ni Nofuente, kinwento ko sa kanya simula sa simula. Kay Mama rin ay nakwento ko na. Akala ko pa nga ay magagalit si Arman sa akin sa mga inamin at kinwento ko pero nginitian niya lang ako at tumango.

May isang araw pa ngang sabi ni Nofuente na gusto niya akong makausap pero si Arman ang sumagot sa message niyang 'yon. Hindi ko alam kung anong gusto niyang pag-usapan namin.

Pagkatapos noong si Arman ang sumagot sa message niya ay tumigil na siya sa pagchachat pero minsan naman ay nag-aantay siya sa labas ng dorm pero hindi ko siya binibigyan ng pagkakataong magkausap kami.

Sa mga nakalipas na taon ay hindi naman nagkaharap sa iisang sitwasyon si Arman at Nofuente nang kasama ako dahil kapag nangyari 'yon ay hindi ko na alam ang gagawin ko.

Sa mga nagdaang taon, hindi siya napagod at tumigil. Hindi ba siya napapagod sa kakataboy sa kanya?

Lumipas ang taon, up and down. Ganoon naman talaga ang buhay. Mahirap ang college pero kaya! Mabuti na lang at nariyan ang mga kaibigan at si Arman kapag sobrang na-s-stress ako sa school.

Second year college noong may isang linggo pa kasama ko sila Kevin, Matt, Dani at Rozelle sa isang kainan, wala si Nofuente. Sobrang stressed ko noong araw na 'yon kaya kahit habang nakain ay tutok ako sa ginagawa ko.

"Laena, mamaya na 'yan! Kumain ka muna!" Saway sa'kin ni Matt.

"Natutulog ka pa ba, Laena?" Parang galit na sabi ni Kevin.

Mabilis naman akong nilaglag ng magaling kong pinsan na umiiling iling. "Si Helaean? Natutulog? Hah!" Sarkastikong sabi ni Dani.

Halos sabunutan ko siya at hinampas. Sinamaan naman ako ng tingin ni Rozelle at nakiusyo na sa ginagawa ko. Sa huli, tinulungan na nila 'ko sa ginagawa ko.

Napag-usapan kasi naming magkita noong linggong 'yon dahil matagal na kaming hindi nakakapagkita. Nakakapagtaka ngang wala si Nofuente. Akala ko ba gusto niya 'kong makausap?

Oo, mahirap ang college. Kailangan mo talagang magsunog ng kilay. Pero kagaya ngayon, kapag iisipin mong aakyat ka na sa stage at graduate na ang sarap sa pakiramdam. Parang 'yong mga pagod, hirap at breakdowns ay napaka-worth it. Ga-graduate na 'ko!

Ilang minuto na lang tutungtong na 'ko sa stage, tapos na ako sa college! Parang kailan lang ay high school pa lang ako pero heto ako ngayon, handa na sa panibagong pahina at pagsubok ng buhay. Salamat, Lord!

"Congratulations, anak! Graduated ka na! Proud na proud kami sa'yo!" Naluluhang sabay na bati ng mga magulang ko at hinalikan at niyakap ako.

Pumikit ako habang dinadama ang pagkakataon habang nasa bisig ng mga magulang ko at nagdasal at maliit na ngumiti.

Thank you, Lord. Kasi hindi Mo po ako pinabayaan. Kuya, teacher na ako. Graduated na ang kapatid mo. Miss na kita, sana nandito ka para batiin ako.

"Congrats, Ma'am Alejo," I congratulated my cousin and hugged her tight.

She chuckled. "Congratulations din."

Run AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon