CHAPTER 21
"Lae, sorry. Hindi ako makakauwi, ibati mo na lang ako kay Kuya," ani Arman.
I smiled sadly while looking at my brother's tomb. Birthday na ni Kuya ngayon, 26 na siya. Friday ngayon pero hindi kami pumasok ni Mama sa school para dumalaw kay Kuya rito. Magluluto kami ng mga favorite niyang pagkain mamaya, inimbita ko 'yung mga unggoy.
Katabi ko si Mama na nakatingin lang din sa lapida na Kuya habang nakaupo kami sa damuhan. Nagsindi kami ng kandila at nagdala ng bulaklak.
Happy birthday, Kuya. I miss you.
"Okay lang, ano ka ba," sagot ko. "Wala ka bang klase? Baka naaabala kita, ha," nag-aalalang sabi ko.
"No, it's not. I'm on my way to the next class." Narinig ko pa sa background ang ingay ng school.
Tumango ako kahit hindi niya 'yon nakikita. "Sige... Ibaba mo na, mamaya na lang tayo mag-usap kapag tapos na ang klase mo."
"Alright. Mag-iingat kayo ni Tita."
Pinutol na rin niya ang tawag kaya pareho na kaming tahimik ni Mama habang nag-iisip. Malapit na mag tanghali, kaya mamaya maya ay uuwi na kami.
"Anong sabi ni Papa, Ma?" I asked without looking at her.
"Tumawag nga pala ang Papa mo kagabi kaso tulog ka na kaya hindi na kita ginising. Pansensya na raw at hindi siya makakauwi, dadalaw na lang daw siya dito kapag nakauwi na," sagot ni Mama.
Tumango ako.
Nang uminit na ay umuwi na kami ni Mama at naghanda ng mga favorite ni Kuya. Caldereta, dinuguan, carbonara, pancit palabok at bumili pa kami ng cake.
Nang matapos magluto ay namigay pa kami ng pagkain sa mga tsismosang kapitbahay namin. Sila Dani at 'yung mga unggoy naman ay pupunta rito pagkauwi mamaya.
Naligo na ako habang in-entairtain ni Mama ang panauhin niya. Nang matapos magbihis ay bumaba na ako para mag-asikaso.
Ala singko na noong dumating ang mga unggoy. May sarili pang kotseng dala si Euan, Matt at Jerome na umagaw ng pansin doon sa tsismosa sa labas.
Pinakilala ko sila kay Mama dahil kahit noong unang beses nilang pumunta dito ay wala si Mama. Tuwang tuwa naman si Mama nang makilala ang mga kaibigan ko.
"Nasaan ang may birthday?" Maingay na tanong ni Jerome nang makarating sa kusina.
I smiled at him. "Patay na. Gusto mo isunod kita?" I joked and they buy it.
Nakakuha na ng pagkain ang mga unggoy maliban dito kay Euan na hanggang ngayon ay nagtitingin tingin ng pagkain, pinagmamasdan ko lang siya.
'Wag niya sabihin hindi pa siya nakakatikim ni isa sa niloto namin?
Inagaw ko sa kanya ang platong hawak niya para ako na ang kumuha ng pagkain niya.
Sumandok ako ng kanin at ulam, pero syempre hindi 'yung dinuguan, bawal siya roon.
"Hey. Are you okay?" Tumabi siya sa'kin.
Tumango ako at nginitian siya. "Oo naman."
He looked worried so I smiled wider. Tumango siya at nilingon ang mga putahe, nagulat ako nang tinuro niya 'yong dinuguan.
"What is this, mud?" Inosenteng tanong niya habang nakaturo sa dinuguan.
Natawa ako kaya kumunot ang noo niya. Inabot ko ang plato niya sa kanya at binatukan siya.

BINABASA MO ANG
Run After
Fiksi RemajaLaena, a HUMSS student who's just so certain with her life not until Ezra, a STEM student, starts to meddle with her life and make it chaotic once again. Can she keep her certainty and feet on ground when he's around, running after her?