CHAPTER 6
Helaena Alejo: wru? bat di ka pumasok? lonely tuloy ako dito :(
I sent the message to Rozelle via messenger. Pangatlong subject na kasi namin at wala pa rin siya, akala ko kanina ay late lang pero malapit nang maglunch wala pa rin ang gaga.
Hindi rin siya online at wala siyang message kung bakit siya absent o kahit ano. Hindi tuloy ako mapakali dito. Hindi namam kasi na-absent 'yun kapag walang sapat na dahilan, hindi naman kasi absinera 'yun.
Malas pa at ngayon pa talaga siya um-absent kung kailan hindi ako nagbaon dahil late na akong nagising kaya hindi nakapagluto. Kung hindi pa nga ako ginising ni mama hindi pa ako magigising!
Nang maglunch time ay wala akong ibang choice kung hindi ang bumaba sa canteen para bumili ng pagkain, gutom na rin kasi ako dahil dalawang tinapay lang ang nakain ko kaninang umaga.
Para akong bumalik sa pagiging junior high nang makapasok at makapila para um-order ng pagkain sa canteen na maraming studyante. Ganito 'yung feeling na nararamdaman ko dati noong wala pa akong kaibigan. Naalala ko pa kung paano ako laging kinakabahan na pumunta sa canteen o sa C.R nang ako lang mag-isa noon.
Ganoon pa rin hanggang ngayon, kinakabahan pa rin ako at nahihiya. Parang hindi 'ata ako makakasurvive ng isang araw kapag wala si Rozelle! Ano ba 'yan, Helaena! College ka na next school year!
Abala ako sa pagpisil ng mga daliri habang nakapila pa rin at hindi natingin sa paligid nang marinig ko ang boses ni Dani.
"Oh. Laena!" Tawag ng pinsan ko.
Para akong nakahinga ng maluwag ng makita ang pinsan sa bandang gilid ng harapan ko at parang agad ding bumalik ang pagkakasuffocate nang maiisip na kasama niya rito sila Nofuente.
May hawak siyang isang tray na may dalawang platong naka patong, siguro para sa kanya at kay Nofuente.
"Hi," 'yon na lang ang nasabi ko.
Nilingon niya ang likod para siguro tingnan kung sino ang kasama ko pero nanliit ang mata niya nang makitang wala si Rozelle.
"Wala kang kasama? Nasa'n si Rozelle?" Tanong niya.
"Uy, hello!" Masayang bati ni Sarmaez na sumulpot sa gilid ni Dani na may dala ring tray.
Tinanguan ko lang siya bago sinagot ang pinsan. "Absent, e," I shrugged.
"Wala kang baon?" Sinulyapan naman ni Dani ang pila bago binalik ang tingin sa'kin.
"Oo," sagot ko.
"Gusto mo sa'yo na lang 'to?" Sumabat si Sarmaez at tinuro ang isa sa dalawang plato doon sa dala niya. "Bibili na lang ulit ako ng para sa'kin."
Umiling agad ako. "'Wag na."
Baka magkautang na loob pa ako. Tss.
"Doon ka na sa table namin kumain, sasamahan na kita rito," ani Dani dahil alam niyang hindi ako papayag sa offer ni Sarmaez. Alam niyang kapag ayaw ko ayaw ko talaga, she knows me well.
Aapila pa sana si Sarmaez pero inabot na sa kanya ni Dani 'yong hawak niyang tray. Ipinagbalanse pa niya sa bawak kamay ang tray bago dahang dahang umalis papunta sa table nila hindi kalayuan. Nakita ko roon si Cordero at Nofuente.
Ni hindi ko nga napansing nandito pala sila dahil hindi naman tumingin sa paligid kanina. Si Cordero ay abala sa cellphone habang si Nofuente naman ay abala sa pagbabasa ng libro nag angat lang siya ng tingin sa akin nang dumating si Sarmaez sa table at may sinabi.

BINABASA MO ANG
Run After
Novela JuvenilLaena, a HUMSS student who's just so certain with her life not until Ezra, a STEM student, starts to meddle with her life and make it chaotic once again. Can she keep her certainty and feet on ground when he's around, running after her?