XXVI

517 47 8
                                    

CHAPTER 26

Mabilis na lumipas ang mga araw.

Nag-enroll kami ni Arman ng sabay sa UP, kasama si Daniela. 'Yung mga unggoy din ay nag-enroll na sa kani-kanilang University na papasukan.

Ang sarap sa pakiramdam kapag iniisip mong college ka na. Kaunti na lang, maabot mo na ang pangarap mo. Kaunting pagsusunog ng kilay, kaunting sipag, kaunting tiis, mararating mo na ang tuktok. Ang sarap sa pakiramdam.

Buong bakasyon kong kasama si Arman, ganoon naman kami simula noong tumuntong siya sa college, ngayon kasama niya na 'ko. Pumunta kaming Manila nang kaming dalawa lang. Pumunta rin kaming Pagsanjan Falls at Kamay ni Hesus kasama si Mama.

Masaya ang summer ko pero mas lalong sumasaya kapag nariyan siya.

Nakwento ko na rin kay Arman ang pakikipag ayos nina Matt, Kevin at Euan pero hindi ko na ikinwento pa ang mga hang-outs at kulitan namin. Hindi ko na rin sila pinapunta sa bahay dahil halos araw-araw 'ata ay nasa bahay rin si Arman, masyado akong namiss, chos.

Nakakainggit nga kapag nakikita ko ang post nila na kumakain sa labas ng magkakasama, ako lang wala dahil ayaw ko rin.

Si Euan? Close pa rin naman kami ni Euan. Pero hindi na siya umulit pang pumunta sa bahay gaya ng nakagawian niya dahil pinipigilan ko siya, hindi ko sinasabi sa kanyang dumating na si Arman, basta ayaw ko lang sabihin. Nag-aaya pa siyang kumain kami sa labas kahit saglit, papayag ako, pero ang ending lagi siyang naiiwan siya roong mag-isa dahil hindi ako nakakasipot dahil kay Arman.

Sa chat lang kami nag-uusap, minsan sa text o tawag pero madalas lang 'yon dahil kasama ko si Arman buong summer. Ganoon lagi ang scenario namin ni Euan noong summer, aayain niya akong lumabas pero sa huli hindi ko siya nasisipot.

Pumasok ang pasukan, pumasok ako sa isang girl's dormitory malapit sa UP. Si Arman naman ay doon sa dati niyang boarding house. Gaya ng ginagawa ni Arman, uuwi lang kami kapag holidays at bakasyon.

Noong first day ay sabay kami ni Arman na pumuntang school pati ang pag-uwi. Nakakapanibago nga dahil mas nakakapagod nga talaga ang college kaysa junior at senior high. I got new friends, my dormmates na sa UP din nag-aaral. Si Dani rin ay kasama ko sa Dorm pero hindi kami block mates.

Aaminin ko nahirapan akong mag-adjust sa new environment. Ganoon naman lagi kapag fresh man, 'di ba? Mahirap pero kaya! Kaya para sa pangarap!

Kahit nasa iisang school lang kami ni Arman, minsan lang kami magpangita sa isang araw o linggo. Busy siya dahil third year college na, busy din naman ako.

'Yung mga unggoy naman ay hindi ko pa nakikita ulit simula noong bago ang pasukan, busy rin ang mga 'yon. Pero hindi nawawala ang closeness, kapag may freetime kami ay nagcha-chat kami sa group chat namin.

Si Rozelle at Jerome ay wala pa ring label kahit nasa ibang bansa na si Jerome, hindi tinalian ng gaga! Faithful ka, girl? Ewan ko rin ba riyan sa kaibigan ko, dati ay habol ng habol sa mga basketball players tapos ngayong nakahain na sa harap niya hindi niya naman sinasagot, gumagaya pa sa'kin, char.

Si Kevin naman ay tutok lang sa pag-aaral at walang girlfriend.

Si Matt ay complicated daw ang status sa crush niya. Ewan ko roon, good luck sa kanya.

Si Jerome ay english spokening dollars na talaga, sa Atlanta ba naman nag-aaral, e. Chos.

Si Dani naman ay good girl katulad ko, char. Walang boyfriend panay lang ang fan girling, k-dramas at k-pop.

Kami naman ni Euan ay madalas na nagkikita at nag-uusap. Kahit galing siyang school o flying school pupuntahan niya pa rin ako, minsan nga'y nag-away na kami tungkol doon pero dahil matigas ang ulo niya pinagpatuloy niya pa rin ang pagpunta sa'kin. Bahala siya.

Run AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon