CHAPTER 19
Days passed by. February 28 na kaagad, noong mga nakaraang araw ay hectic dahil 4th quarter exam, sama sama pa nga kaming nagreview ng mga unggoy. Mabuti na lang at maganda at satisfied naman ako sa mga naisagot ko. Samahan mo pa nang pagsusukat ng damit sa'min para sa kasal ng ate ni Matt kaya lalong naging busy.
Friday na ngayon at mamayang gabi ang alis namin papuntang Quezon Province, beach wedding kasi ang kasal noong ate ni Matt. Ang galing nga dahil leap year ang araw ng kasal tsaka roon daw nagkakilala kaya roon din ang kasal, ang cheesy. Chos.
Mabuti na nga lang ay pumayag si Mama, siya na raw ang bahalang magsabi kay Papa, hindi ko naman kasi 'yon nakakausap. Himala nga dahil hindi ako pinapayagan ni Mama sa malalayo pero pinayagan niya ako ngayon. Siguro dahil kasama ko naman si Dani at Rozelle.
Nakina Rozelle na kaming lima: Ako, Dani, Jerome, Kevin at Euan. Dito kami magpapalipas ng oras bago bumyahe papuntang Quezon gamit ang sasakyan ni Euan, nandito rin kami para bisitahin si Rich, 'yung cute na kapatid ni Rozelle.
Kahit na gigil na gigil na sila kay Rich na hawak ko ay hindi nila mabuhat dahil hindi sila marunong. Baka kung ano pang mangyari kay baby kapag kinarga pa nila 'no!
"Magbehave kayo roon at mag-iingat, ha," bilin sa'min ni Tita Daine. Nakaupo kami sa couch nila, mamaya maya ay aalis na. "And of course, mag-enjoy."
"Opo, Tita," sagot ni Jerome.
Hindi namin kasama rito si Matt, syempre roon siya kasama ng pamilya niya! Kasal 'yon ng ate niya, e! Doon na lang daw kami magkikita kita sa beach, may roon na kaming kwarto roon. Sa linggo ng umaga ang uwi namin kaya makakapag swimming pa kami pagkatapos ng kasal, nagdala rin ako ng rash guard, pang swimming.
"Can I?" Tumabi sa'kin si Euan habang ang mata ay nakay Rich na mahimbing na natutulog sa bisig ko.
"Hindi pwede! Hindi ka marunong kumarga!"
Ngumuso siya at pinaglaruan na lang ang maliit na mga daliri ng kapatid ni Rozelle.
"Ikaw na lang kargahin ko, what do you think?" Nag-angat siya ng tingin sa'kin, seryoso pa ang mukha.
My brows furrowed. Huh?
"Bakit ako?"
"Baby naman kita," he grinned.
Kung hindi ko lang karga itong bata kanina ko pa siya kinutusan! Napakalandi niya talaga!
"Tita Daine, gusto raw po ni Euan karagahin si Rich, pwede po ba?" Inirapan ko pa si Euan bago hinarap si Tita.
Tumango naman si Tita kaya tinuruan ko kung paano ang porma ng bisig niya para maayos na makarga ang baby. Mabilis din naman siyang natuto.
Tuwang tuwa siya at mukhang mangha habang karga si Rich. Nilingon ko lang ang kasama namin sa living room nang tumahimik sila. Nag-iwas ako ng tingin nang makitang nanonood sila sa'min ni Euan, kinuhanan pa kami ng picture ni Jerome ang polaroid ni Rozelle at mabilis na tinago ang picture!
Ilang minuto lang din ay umalis na kami. Si Euan ang nagbuhat ng dala kong bag pack. Nag unahan naman ang mga unggoy sa back seat ng SUV ni Euan para ako ang makaupo sa shotgun seat. Tss.
'Yon din naman ang nangyari. Maingay kami sa loob ng sasakyan habang tumutugtog ang stereo ng sasakyan.
"Hoy, walang uutot, ah!" Sigaw ni Rozelle at tumawa. Lumingon ako sa likod at nakitang magkahiwalay ang dalawa, si Rozelle at Jerome. Hindi naman sila laging gano'n, lagi 'yan silang naglalampungan kahit nasa harap namin. Napaka PDA ng dalawang 'yan, siguro LQ ngayon. Mamaya ko na lang chichikahin tungkol doon si Rozelle.

BINABASA MO ANG
Run After
JugendliteraturLaena, a HUMSS student who's just so certain with her life not until Ezra, a STEM student, starts to meddle with her life and make it chaotic once again. Can she keep her certainty and feet on ground when he's around, running after her?