CHAPTER 27
Nang bumalik kami sa living room ay wala na ang mga kapatid ni Euan doon kaya sinundan ko si Tita Elizabeth papuntang garden, nasa likod lang niya ako. Tahimik na nag-iisip, tahimik lang din naman si Tita.
Nang makarating sa glass sliding door papuntang garden at swimming pool, doon ko nakita si Euan at ang mga kapatid niya na nagkukulitan habang nakaupo sa bermuda grass, nagtatawanan pa sila.
Naalala ko bigla si Kuya. Internally, I smiled sadly.
Si Tito Cedric naman ay nakaupo lang sa isang coffee table habang nakangiting nanonood sa mga anak. Lumapit si Tita sa kanya kaya binalingan niya ito at saka inilapat ang tingin sa'kin. He smiled and nodded swiftly at me, kamukhang kamukha niya si Euan.
I smiled back, he gestured to join Euan and his siblings. Tumango ako at naglakad na palapit sa apat. Nag-angat naman ng tingin sa'kin si Euan nang mapansin palapit ako, kandong niya sa hita si Erica, umusog naman si Elisha para mabigyan ako ng espasyo sa tabi ng Kuya niya.
Euan smiled at me happily, I smiled back. Pinanood ko lang silang magkulitang magkakapatid, close na close sila. Ang mataray ngang si Erica ay biglang naging madaldal dahil kausap ang Kuya niya.
I'm glad I had the chance to meet this family, his family.
Nang pumunta ang tatlong babae sa mga magulang nila at naiwan kami ni Euan na nakaupo sa damo ay hinarap niya ako.
"Hey. You okay?"
I nodded. "Oo naman." Ikaw? Ayos ka lang?
"What did my mom said?"
I blinked and shook my head. "Wala, ipinakita niya lang sa'kin ang kwarto mo," sagot ko. "Ang bait nga ng Mama mo, e."
True enough, mabait si Tita at totoong ipinakita niya sa akin kanina ang mga pictures na naroon sa kwarto ni Euan.
Tinitigan niya pa ako bago tumango magsasalita na sana siya nang nauna akong magsalita ulit.
"Hatid mo na 'ko sa dorm."
"I can drive you home," he offered pertaining to our house in Laguna.
"Huwag na, si Dani kasabay ko," umiling ako.
He nodded and stand up. "Let's go?" He offered his hand in front of me but I refused.
Tumayo ako nang mag-isa kaya naiwan sa ere ang kamay niyang handang tumulong sa akin. Kailangan na kitang iwasan, Euan.
Inuwi niya na ako sa dorm sa QC, hapon na kami ng makarating dahil medyo mahaba ang ride. Habang nasa sasakyan kami ay inabala ko ang sarili ko sa pag-t-text kay Arman tungkol sa pag-uwi naming tatlo nila Dani ng Laguna mamaya, hindi na rin siya sumubok pang magsalita nang makitang busy ako.
"Thanks," maikling sabi ko at hindi siya tinapunan ng tinging lumabas sa sasakyan at mabilis na pumasok sa loob.
Pagpatak ng ala sais ay sinundo na kami ni Arman sa dorm para sabay-sabay na magcommute pauwi. Nagkukulitan kami ni Arman sa loob ng bus, si Dani naman ay nasa likod lang na upuan.
Gabi na noong maihatid ako ni Arman sa harap ng bahay, sinalubong naman ako kaagad ni Mama at kinuha ang dala kong gamit.
"See you tomorrow," Arman tenderly kissed my forehead.
I nodded and waved my hand good bye while watching him slowly leaving my sight. Nang tumalikod ako at hinarap ang gate ay naroon na pala si Mama at pinanonood lang ako, malisyosa pa ang tingin at ngiti.

BINABASA MO ANG
Run After
Novela JuvenilLaena, a HUMSS student who's just so certain with her life not until Ezra, a STEM student, starts to meddle with her life and make it chaotic once again. Can she keep her certainty and feet on ground when he's around, running after her?