VII

671 129 2
                                    

CHAPTER 7

Rozelle Ann Herrero: miss mo naman ako kaagad HAHAHA

Rozelle Ann Herrero: nasa westlake medical center ako

Helaena Alejo: ANONG NANGYARI SAYO? MAGKASAMA LANG TAYO KAHAPON NASA HOSPITAL KA NA NGAYON. PAPUNTA NA AKO

Rozelle Ann Herrero: chill, babe

Rozelle Ann typing...

Mabilis kong tinago ang cellphone sa bag pagkabasa kung nasaan siya.

Kabado akong sumakay ng jeep papunta sa hospital kung nasaan siya. Good thing, hindi 'yon kalayuan sa school. Hindi makapakali ang pwet ko sa kakaisip kung anong nangyari kay Rozelle.

Magkasama lang kami kahapon, ah? Ayos pa naman siya at mukhang wala naman siyang sakit!

Hindi ko na rin naisip pa 'yung nangyari kanina sa sobrang aligaga sa kakaisip sa kaibigan.

Nang makarating sa hospital ay agad kong tinakbo ang papasok. Hinayaan naman ako noong guard. Nang makapasok doon ko lang na-realize na hindi ko nga pala gusto ang amoy ng ospital.

Hindi pa nakakalayo sa entrance ay may humila ng braso ko at niyakap ako. Si Rozelle!

"Roz?" Tanong ko at sinubukan pang tignan ang mukha niya pero nakatago 'yun sa leeg ko.

Nakayuko pa siya ng kaunti habang nakayakap sa'kin. Ikaw na matangkad!

Humikbi siya, naramdaman ko na rin ang unti-unting pagkabasa ng uniform ko.

"Bakit ka umiiyak? Sinong namatay? Condolence, Rozelle-" Nagpapanic na sabi ko pero pinutol niya ako.

Hinampas niya ang braso ko at kumalas sa yakap. "Gaga ka talaga! Anong namatay?! Wala!" Para siyang bobong nag-iiyak-tawa sa harapan ko.

Hindi ko alam kung gagaan ba ang pakiradam ko sa iyak-tawa niya o ano.

"Bakit ka umiiyak?" Hinagod ko siya ng tingin at nakitang wala siyang sugat o ano naman. Nakapang-bahay lang siya. "Hindi ka pa nagrereply sa chat ko kanina!"

"Ate na ako, girl!" She giggled while crying.

It took me a few minutes to understand. Agad akong napatakip sa bibig ko. "Nanganak na si Tita!?"

Tumango siya. Ngayon ko lang din naaalala na buntis nga pala si Tita! Bata pa kaya nakapagbuntis pa.

"Kahapon nanganak si Tita? Nasaan na si baby? Anong pangalan? Pwede kong makita?" Sunod na sunod na tanong ko.

Na-e-excite tuloy ako! Magiging ninang na ako!

"Nasa WBN pa. Ugh, my sister's so beautiful, kamukha ko!" Naiiyak na sabi niya.

Dinala niya ako sa hospital room ng mommy niya. Nandoon ang daddy, lola at iilang kamag-anak ni Rozelle.

Sa tagal na naming magkaibigan ni Rozelle, kilala ko na ang mommy at daddy niya pati na rin ang lola at ibang kamag-anak niya. Some of them has an attitude, syempre hindi naman 'yon maiiwasan but most of them were nice and approachable.

Unica hija at nag-iisang anak ng mag-asawang abogado si Rozelle kaya ganoon na lang sabik na magkaroon ng kapatid. Kaya sobra na lang ang pagiging emosyonal noong pumunta kami sa well-baby nursery at nakita mula sa labas ang kapatid niyang sobrang puti, dinaig niya pa nga ang daddy niya sa pag-iyak.

Rozelle treated and loved me not just her best friend but also like her sister, ganoon din ako sa kanya.

Nang makabalik sa hospital room ni Tita Daine, mommy ni Rozelle, ay doon lang kami nakapag-usap at nakapagkwentuhan dahil umuwi na ang iba niyang Tita at Tito. Sa couch kami nakaupong dalawa habang kausap naman ni Tito si Tita doon sa hospital bed.

Run AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon