CHAPTER 4
The usual week pass by. Discussions, quizzes, recitations, visuals, essays, groupworks, debate, role plays, repeat.
Si Rozelle at si Jerome na ka-M.U niya ay mukhang nagkakamabutihan na talaga dahil pinaplano na nilang magkita.
Last friday, kasabay kong umuwi sa'min si Dani dahil may pinasasabi raw si Tita Hanna kay mama. Kwentuhan lang din ang ginawa namin habang nasa bahay siya, hindi rin naman pumapasok sa usapan ang kung ano mang tungkol kay Nofuente.
Hindi na rin kami ulit nagkausap pagkatapos noong pambibwisit niya sa'kin doon sa canteen. Kung magkakasalubong naman kami ay agad akong umiiwas minsan panira lang si Rozelle dahil nagiging close na rin sila nung mga kaibigan ni Dani at Nofuente.
Ngayong friday na ulit, gagawin akong third wheel ni Rozelle dahil magkikita sila noong kaharutan niya sa Robinson Galleria. Pumayag ako dahil maaga naman ang dismissal tuwing friday at wala naman akong gagawin sa bahay dahil minsan gabi na umuuwi si mama at papa.
Nilakad namin ang papuntang mall, malapit lang naman kasi 'yon sa school, walking distance lang. Si Rozelle naman ay todo hampas sa'kin habang tumitili sa kilig.
"Ugh! Ayos lang ba itsura ko?" Pang ilang tanong niya na sa'kin 'yan habang naglalakad kami.
"Oo nga, kulit naman nito," sagot ko habang ang tingin ay nasa papel kong mababa ang score sa correlation and regression analyses. Lecheng 'yan, ba't pa kasi kailangan mag math hindi naman 'yun kailangan sa teacher tapos major in english, 'di ba? Add, subtract, multiplication, divide, ayos na! Tss.
"Mamaya na 'yan! Suportahan mo muna ako sa kalandian ko, please?" Humalakhak ako pero hindi matanggal ang tingin sa papel ko. "By the way, may isasama raw si Jerome para hindi ka naman daw third wheel," aniya na nagpaangat ng tingin ko. Nakatutuktok na siya sa phone niya ngayon at mukhang kausap na si Jerome.
Kumunot ang noo ko. Ano 'to, double date? No, thanks.
"Huh? Sabihin mo 'wag na! Ayos lang ako!" Sabi ko.
"Tinanong ko kung sino," dagdag niya at binaliwala ang sinabi ko.
Umismid ako. "Ang usapan sasamahan ko lang kayo, bakit ganyan?" Inis na reklamo ko.
"Surprise lang daw kung sino. Nasa RGS na raw siya, sa Gilligan's," basa niya roon sa cellphone niya. "Tara, bilisan na natin. Naghihintay na bebe ko!" Tinago niya ang phone sa bulsa ng skirt saka ako hinila para mas mabilis kaming makarating.
Simangot na ako nang makapasok sa mall. Maraming tao dahil friday, usually mga studyante rin na mukhang galing din sa school. Suot pa rin namin ni Rozelle ang uniform dahil kagagaling lang din namin sa school at dumiretso lang dito. Gusto pa nga siyang sunduin noong Jerome sa school kaso tinanggihan niya kasi baka raw may umagaw.
Nang makarating sa second floor nilakad ulit namin kung saan 'yung restaurant kung saan daw kami kakain. Excited, kinikilig at kinakabahan ng very slight si Rozelle habang ako ay gusto na lang umuwi. I don't want to interact with any other boys except Arman. Masyado akong loyal, char.
Nang makapasok ay kumaway sa'min 'yung si Jerome, mag isang nakaupo sa pang apatang lamesa. Alam ko na ang itsura niya dahil ipinakita na sa akin ni Rozelle sa picture noong nakaraan.
Humigpit ang hawak sa'kin ni Rozelle at patago pa akong kinurot sa likod dahil sa kilig. "Gwapo, shit," bulong niya sa'kin bago lumapit.
"Hi!" Bati ni Jerome at tumayo sa kinauupuan para salubungin si Rozelle na namumula na sa kilig. Nakasuot pa rin siya ng uniform at mukhang kagagaling lang din ng school. "You look so pretty," bulong niya pero narinig ko naman. Mukha lang talaga akong third wheel dito na nakatayo sa likod nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/222045153-288-k424053.jpg)
BINABASA MO ANG
Run After
Teen FictionLaena, a HUMSS student who's just so certain with her life not until Ezra, a STEM student, starts to meddle with her life and make it chaotic once again. Can she keep her certainty and feet on ground when he's around, running after her?