CHAPTER 13
"Good morning, Ma!" Bati ko kay Mama nang makitang umupo siya sa hapag at inaantay akong matapos magluto ng almusal namin.
"Helaena, huwag kang masyadong maingay. Baka magising ang mga kapitbahay," saway sa'kin ni Mama.
Ngumuso ako at nilagay na sa plato ang nilutong hotdog. Nagsimula na kaming mag almusal ni Mama ng niluto kong sinangag, hotdog, corned beef at itlog with matching kape! Sarap!
"Anong oras umuwi ang bisita mo kagabi?" Naunahan ako ni Mama sa pagtatanong.
Pinang singkitan ko siya ng mata. "10 na umuwi 'yon, Ma! Sa susunod 'wag niyo na papasukin 'yon dito."
Mama's brow shot up. "Bakit naman? Mukhang mabait naman ang batang 'yon," she nodded.
"Ma, looks can be deceiving. Duh!" Padabog kong sumubo ng pagkain.
Humalakhak siya. "Tinulungan ka pa nga yata sa ginagawa mo," pang aasar niya pa.
Umismid ako. "Ma!" Tawag ko nang may maalala.
Hinampas niya ako. "Huwag ka sabing maingay dahil tulog pa ang mga tao!"
Tumango ako at sumimsim muna sa kape bago nagtanong. "Close ba kayo nun, Ma? Pa'no kayo nagkakilala nung isang 'yon? Nagtatawanan pa kayo kahapon!"
Uminom din siya sa kape niya bago ako sinagot. "Syempre nagpakilala noong dumating! Masama bang makipagtawanan, Helaena Raquel?" Balik niya sa akin ng tanong.
"Hindi.. naman.."
Siya naman ang naningkit ang mata ngayon. "Manliligaw mo ba ang isang 'yon?"
Nagulat ako sa tanong ni Mama. Umismid ako at sarkastikong tumawa. "Syempre, hindi po!" Sagot ko.
"Nagdala pa ng pagkain, huh. How thoughtful.. I like him," tumango tango pa si Mama.
Namilog ang mata ko. "Mama, pa'no si Papa?!"
Binatukan niya 'ko. "Siraulo kang bata ka! Wala naman akong sinabing ipagpapalit ko ang Papa mo!"
Huh?
Sumubo siya sa pagkain niya habang ako ay taka siyang pinanonood. "Ma, I already have Arman! Paano 'yon? Tsaka hindi ko siya gusto! Akala ko ba si Arman ang gusto n'yo para sa'kin?" Sunod sunod na sabi ko nang may matanto sa sinabi niya.
Parang noong nakaraang araw lang inaasar niya pa ako kung bakit hindi ko pa sinasagot si Arman! Anong nangyari ngayon? Anong pinainom ng lalaking 'yon kay Mama?!
She arched her brow. "Wala naman akong sinasabi," she shrugged.
Oh my gosh! Nanay ko nga talaga siya, walang duda!
Pagkatapos makipag-usap kay Mama ay naligo na ako at pumasok sa school. Friday kaya panay quizzes lang at maayos naman ang presentation ko ng power point ko, napuri pa ako ni Ma'am Menopaused dahil doon.
Maaga ang dismissal at hindi ko rin nakita sila Dani at yung tatlo buong maghapon. Payapa akong umuwi sa bahay at natulog pagkatapos kumain ng hapunan.
Weekend, usual. Saturday, labada day. Sunday, family day, ibig sabihin ay serve sa simbahan kasama si Mama.
Travis Valeda: Good morning. 'Wag magpapalipas ng gutom.
Helaena Alejo: good morning. ikaw din :))
Kagiging ko lang at tinatamad pa akong bumangon kaya kinalikot ko muna ang cellphone ko at chat ni Arman ang bumungad sa'kin.
![](https://img.wattpad.com/cover/222045153-288-k424053.jpg)
BINABASA MO ANG
Run After
Teen FictionLaena, a HUMSS student who's just so certain with her life not until Ezra, a STEM student, starts to meddle with her life and make it chaotic once again. Can she keep her certainty and feet on ground when he's around, running after her?