IX

584 112 0
                                    

CHAPTER 9

"Isang oras pa vacant natin, labas tayo?" Tanong sa akin ni Rozelle nang matapos ang practice namin para sa isang role play.

Absent ang teacher namin sa isang sub kaya isang oras din ang vacant namin ngayong araw. Hindi naman hectic ngayong araw kaya pwedeng magchill, kaya sige.

Tumango ako at tumayo. "Tara, library."

She groaned. "Girl, kahapon pa tayo sa library! Hindi ka ba nasasawa sa libro?!" Angal niya.

"Hindi naman sila ikaw para pagsawaan, charot! Love you, mahal kita," sabi ko at tumawa.

Rozelle glared at me. "Ouch! Foul 'yun, ah!"

"Joke lang! Mahal ka naman ni Jerome kaya 'wag ka na po magalit," bawi ko.

"I love you, too," nakangusong sabi niya at tumayo na rin. I laughed and poked her waist.

Ganoon nga ang ginawa namin pero nagpunta muna kaming canteen para bumili ng makakain habang nasa library kahit bawal.

Ika nga ni Rozelle. "Break the rules and have fun." Life tip 101 daw niya 'yon. Tss.

Nang palabas na kami ng canteen ay nakasalubong pa naming dalawa sina Sarmaez, Cordero at Dani. Wala ulit si Nofuente. Nasa library na naman siya?

Binati nila kaming tatlo bago pumasok sa canteen at bumili.

Habang naglalakad kami ni Rozelle papuntang library dala ang bag kahit hindi pa uwian para lang maitago ang pagkain na dala ay nagkukwento siya tungkol kay Rich, 'yung baby na kapatid niya.

Doon ko rin naalala 'yung nangyari noong monday. Pagkaalis namin sa fast food chain ay bumalik pa ulit kami ni Nofuente sa hospital. Hindi na rin kami nagtagal dahil kailangan ko nang umuwi. Nagtalo pa kami ni Nofuente dahil ayaw niyang tanggapin ang bayad ko doon sa dinner at nagpupumilit pa siyang ihahatid na ako kahit ayaw ko. Kaya sa huli hinatid niya ako sa bahay gamit ang kotse niya nang hindi tinatanggap ang pera ko, hindi papatalo 'yun, e. Hindi ko na rin siya ininvite na pumasok dahil hindi naman kami close, duh. Buti na lang din at hindi siya nakita ni mama kaya hindi pa nausisa pa.

Akala niya nakalimutan ko na 'yung mga ginawa niya sa'kin?

Sumagi rin sa utak ko ang nangyari kahapon. Tuesday morning when I told Rozelle what happened to me when she's not around that monday. She got really irritated at me and to that two girls, she even did hit on them but I calmed her ass down. Lucky those two, Rozelle loves me.

Yesterday afternon Santos, Miranda and I went to Ma'am Rodeo and Ma'am Menopaused to tell them that we're sorry. Ma'am Rodeo said sorry to us too and hugged us, she said that she's sorry for her out burst, she told us that she was just too tired so she's overwhelmed by her feelings. Mean while Ma'am Menopaused just gave us a worksheet for punishment pero madali ko lang 'yon nasagutan. Ewan ko kung tinanggap niya ba ang sorry namin, hindi ko alam, but at least she's more calmed than that monday afternoon. Hay.

I shrugged the thoughts off.

I just focused myself at my best friend talking beside me. Rozelle was giggling while she's telling me about her little sister. And I'm amazed, really. Come to think of it, 'yung ibang nag-iisang anak mas gugustuhin na hindi na magkaroon pa ng kapatid para walang kaagaw sa atensyon at sa lahat, and others would hate their sibling for that. But Rozelle was different. She's so happy and grateful when Rich came, she's not mad or anything.

Naputol ang pagkukwento at iniisip ko nang maagaw ng atensyon naming dalawa ang nadaanang maingay na indoor court. Kahit sarado 'yon ay rinig sa labas ang ingay.

Run AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon