XXV

495 42 2
                                    

CHAPTER 25

"Ma, kakain lang po kami sa labas mamaya ni Euan, pwede po ba?" Paalam ko may Mama habang kumakain kami ng umagahan.

Hindi ko sinabing ipakikilala na ako ni Euan sa pamilya niya dahil hindi ko alam kung paano ko sisimulang sabihin 'yon sa kanya.

Tumititig pa si Mama sa'kin bago tumango. "Anong oras ba 'yan?"

"Mamayang 6 po."

Tumango ulit si Mama kaya nakahinga ako ng maluwag kaya sumubo na lang ulit ako ng pagkain.

"Napapadalas ang paglabas niyo ni Euan, anak. Ano na ba kayo?" She suddenly asked out of nowhere, I almost chocked!

Pinanonood lang ako ni Mama na natigilan sa tanong niya. Sumimsim ako sa tubig ko.

Ano nga ba kami? Friends lang kami.

"Magkaibigan lang po kami, Ma," sagot ko.

Tumango si Mama at bumuntong hininga. "E, kayo ni Arman?"

My brows furrowed because of her questions. "Nanliligaw pa rin po."

"Tuloy ba ang pagsagot mo sa kanya pagkagraduate mo?"

Alam ni Mama ang mga plano ko dahil nanghihingi ako sa kanya ng gabay, syempre. Bata pa 'ko, kailangan ko ng gabay sa mga desisyon ko.

Tumango ako, "Opo."

"Mahal mo ba si Arman, anak?"

My cheeks probably flushed red because of her direct questions!

"Opo," walang pag-aalinlangan kong sagot.

She nodded and sipped on her coffee. I exhaled.

Dahil wala namang ginagawa sa bahay, buong araw na lang akong naghalungkat ng pormal na dress dahil nakakahiya namang humarap sa mga magulang niya na mukha akong gusgusin, 'no!

And I feel excited and nervous at the same time. I don't know.

Tama ba 'to?

Sumalampak ako sa kama ko nang matapos makapili ng masosoot mamaya. Simpleng knee length black dress 'yon at paparesan ko na lang ng pumps.

4:35 PM pa lang kaya mamaya na ako maliligo. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at tinignan kung may message ba roon si Arman pero wala. Ilang araw na ba siyang hindi nag-t-text? Dalawa o tatlo? Nag-aalala na tuloy ako.

Nagmessage ako kay Arman bago binuksan ang group chat namin. Ang iingay ng mga unggoy kahit sa chat, naririnig ko na nga mga boses nila habang nagbabasa ako! Tss.

Nang pumatak ang ala singko ay naligo na ako para makapag-ayos na. Aantayin daw ako ni Euan sa ministop gaya ng sabi ko kahapon sa kanya, nakakahiya naman kasing lagi na lang akong paimportante. Laging pasundo sa bahay, kaya ngayon slight na lang, char.

Sa banyo sa second floor ako naligo kaya nagtakip lang ako ng tuwalya dahil malapit lang naman 'yon sa kwarto ko. Halos mabuwal ako sa kinatatayuan at lumundag ang puso nang makita kung sino ang nasa loob ng kwarto, nakaupo sa kama at may dalang kape.

Si Arman!

Agad siyang tumayo nang makita akong binuksan ang pinto ng kwarto, ngumiti siya bago ako yumuko para mahalikan ako sa noo. Parang bobo naman akong gulat lang na nakatayo sa pintuan, hindi makapaniwalang nandito siya!

Hindi naman kasi siya nagsabi na uuwi na pala siya.

"I missed you, Lae," he said with a smile, lalong sumingkit ang mata niya.

Run AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon