CHAPTER 5
"Ma, pinakukumusta po kayo sa'kin ni Arman," sabi ko at sumubo ulit ng pagkain para sa almusal.
Tumango si mama bago sumimsim sa kape niya. "Naku, 'yang batang 'yan talaga napaka maaalahanin!" Mama giggled.
"Ipinakukumusta rin po niya si papa," dagdag ko pa.
Tumango siya. "Sabihin mo ayos lang naman kami ng papa mo. Kailan daw ang uwi niya? Kailan nga pala tumawag sa'yo?" Tuloy tuloy na usisa ni mama.
Bigla ko tuloy naisip 'yung kahapon. I shrugged the thoughts off and sipped on my milo.
"Kagabi lang po. Tsaka ka ma, alam naman po nating sa bakasyon na ulit ang uwi nun," sagot ko.
Arman is studying at UP Diliman, BSED-ENG. Second year college na siya, sophomore. Dati noong freshman pa lang siya sinusubukan niyang umuwi kapag weekends galing Quezon City papuntang Laguna pero ako ang nahihirapan sa kanya lalo na nang mas naging busy siya sa school kaya pinilit ko siyang 'wag nang umuwi kapag hindi naman importante at kailangan, nagboboard naman siya roon.
Balak ko ring sumunod sa kanya roon at doon mag-aral sa UP for college pagka-graduate ng grade 12.
"Miss ka na noon," pang aasar sa'kin ni mama habang malisyosa akong tinignan.
"I know right," I flipped my hair for effect.
Tinawanan ako ni mama. "Bakit hindi mo pa kasi sagutin?"
"Ma.." Ngumuso ako at sumubo na lang ulit.
"Biro lang, ito naman," umirap siya. "Magchochoir ka ba? May practice ang youth choir mamayang hapon, kakanta kayo bukas para sa pang umagang misa lang."
Tumango ako at nilunok muna ang kinain bago sumagot. "Opo. Mamayang hapon pa naman po, 'di ba?"
Tumango siya.
"Maglalaba po muna ako bago pumuntang practice," anunsyo ko, sumang-ayon naman si mama.
Grade school pa lang ako kinalakhan ko nang nagseserve si mama tuwing linggo sa simbahan pati rin si kuya ay sakristan. Kaya ako naman ay pumasok na rin ako sa choir. Simula noon hanggang ngayon ay nagchochoir ako pero ngayon minsan na lang dahil madalas kahit kapag weekend may ginagawang group projects o group works para sa school.
Wala pa namang mga group works o kahit ano kaya libre ako ngayong sabado at linggo.
I smiled sadly when I suddenly think about kuya. I shrugged the thoughts off and cheered myself up.
Saturday is labada day!
Gaya nang sinabi ko, naglaba ako ng mga damit namin ni mama tumigil lang noong tanghali para kumain saglit at bumalik ulit sa paglalaba. Hapon na nang matapos ako at saktong practice na ng choir.
Inabot pa kami ng gabi bago makauwi. Kinabukasan ay gumising kami ni mama ng maaga dahil magseserve siya at ako naman ay magchochoir para sa pang umagang misa.
Our performance went smooth. Nang tapos na ang misa at pagkatapos makipagkwentuhan saglit ay umuwi na rin kami ni mama. Malapit lang ang simbahan sa bahay kaya nilalakad lang namin.
Nang maghapon ay nagplantsa na ako ng uniform namin ni mama. Habang nagpaplantsa ay tumunog ang cellphone ko dahil sa chat. Nilapag ko ang plantsa sa stainless na patungan ng kabayo saka kinuha at tinignan kung sino 'yon. Si Rozelle.
Rozelle Ann Herrero: girl, may ginagawa ka ba?
Rozelle Ann Herrero: otw to ur house i bought pizza for tita & us AHEHEHE

BINABASA MO ANG
Run After
Teen FictionLaena, a HUMSS student who's just so certain with her life not until Ezra, a STEM student, starts to meddle with her life and make it chaotic once again. Can she keep her certainty and feet on ground when he's around, running after her?