XIV

542 101 2
                                    

CHAPTER 14

"Helaena, kanino 'yung magandang sasakyan sa harap ng bahay niyo? Sa bisita niyo?" Bungad sa akin ni Valerie, kaibigan ko na choir din. Kakarating ko lang sa second floor ng simbahan kung saan nakanta ang mga choir ay 'yun na ang binungad niya sa'kin.

Kaagaw agaw pansin naman kasi talaga 'yung kotse noong unggoy na 'yun. Tss.

Tumango ako. "Oo," sagot ko.

Hindi na rin kami nagkapag-usap pa dahil nagsimula na ang practice.

Iniwan ko si Euan sa bahay. Nang matapos kami sa paglalaba ay mabilis na akong naligo para makapunta na rito sa simbahan. Sinabihan ko rin siya na umuwi na dahil matatagalan ako. Hindi ko alam kung susundin niya ba. Tss. And the foreign feeling I felt when we were dancing, it feels surreal. I felt at peace at the same time, my mind got chaotic. I don't know. I felt guilty too. So much feelings at one certain time, Halaena.

"'Di ka pa umuwi," I stated the obvious. Pagkapasok ko ng bahay ay siya agad ang bungad sa'kin, nakaupo sa sofa ng sala at nanonood ng kung ano sa T.V, 'yung suot niya ay 'yung damit ni Kuya na pinahiram ni Mama dahil nabasa ang damit niya kanina sa paglalaba namin.

Tumayo siya nang dumating ako at agad na lumapit para kunin ang dala kong folder laman ang lyrics at schedules sa simbahan.

"Nagdinner na kayo? 8 o'clock na, ah. Si Mama?" Sunod sunod na sabi ko at naupo sa sofa para tanggalin ang sapatos.

Hindi siya sumagot at sumunod lang sa'kin pero huminto rin sa harap ko at lumuhod, ipinatong ang folder sa center table at maingat na hinawi ang kamay ko para siya ang magtanggal ng sapatos ko.

"Ako na," sinubukan ko pang tulungan siya sa pagtanggal pero inalis niya ang kamay ko.

"Ako na."

Hinayaan ko na lang siya roon at binalingan na lang ang T.V. Bigla akong na-excite nang makitang pelikula 'yon ni Daniel at Kathryn! Favorite ko! Pinanonood din kanina ni Euan.

"Ang ganda nito!" I said pertaining to the movie.

"Yeah," he gently answered.

Narinig ko ang pagtunog ng mga gamit sa kusina. Siguro nagluluto pa si Mama. Nang matapos siya sa pagtanggal ay umupo siya sa tabi ko. Kita ko pa sa gilid ng mata ko ang pagtitig niya sa akin.

"How's your practice?" Tanong niya.

"Okay naman."

I giggled when I see that the movie is at it's climax. Matagal ko na 'yong napanood pero ang sarap pa rin paulit ulitin. Ang gwapo ni DJ, ang ganda ni Kath!

Kinuha ko pa ang throw pillow at niyakap 'yon habang tutok na tutok sa panonood, ako naman ang pinanonood ni Euan.

"You like Daniel Padilla and Kathryn Bernardo don't you, misis ko?" He said after a long silence between us.

Namula ang pisngi ko at gulat na lumingon sa kanya. He lips rose to form an amused smile at my reaction.

He just called me the way DJ called Kath in the movie! Dos' endearment to Gab! Hindi ko alam kung kikiligin at matutuwa ba ako o mandidiri dahil parang hindi bagay itawag sa akin.

"You're blushing, misis ko," he teased.

Hinampas ko siya at tumayo na para tulungan si Mama sa kusina. Kumain lang kami ng dinner at umuwi na rin si Euan pagkatapos niyang maghugas.

Kinabukasan, hindi ko alam kung bakit umaasa akong pupunta ulit 'yung unggoy na 'yon sa bahay. Bagsak ang balikat ko nang umuwi kami ni Mama galing simbahan at kumain ng tanghalin at walang Euan na dumating.

Run AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon