III

1K 176 5
                                    

CHAPTER 3

The normal day went on. Kapag naman discussion ay sobrang bagal ng oras para kay Rozelle at panay ang reklamo pero nakikinig pa rin naman samantalang ako ay enjoy na enjoy sa pakikinig at pagsusulat.

Nang mag ring ang bell hudyat na lunch na ay sa room lang kami kumain habang nagkukwentuhan, usual.

"Wala nga lang 'yung kanina. Coincident lang na nagkasabay kaming pumunta rito," pagpapaliwanag ko kay Rozelle sabay kuha ng chips na dala niya. Tapos na kaming kumain ng lunch kaya 'yung dalang niyang snacks na lang ang nilantakan namin.

Naningkit ang mata niya habang ngumunguya. "Sus. E ba't may paggulo ng buhok, ha? Sabihin mo, ayos na ba talaga kayo?" Pang iintriga niya.

"Hindi nga kasi hindi 'yon uso sa kanya! Ewan ko rin, feeling close lang 'yun," umirap ako. Pero mukhang hindi siya convinced kaya iniba ko na lang ang topic. "Kumusta na kayo nung ka-M.U mo?"

Alam niyang iniiwasan ko ang topic na 'yon pero hinayaan niya na lang. Umirap siya at hinampas pa ang balikat ko. "Shit! Gusto niya raw akong makita! Ganda ko, my gosh!" Kinikilig na sabi niya.

Madami pa siyang kinwento pero hindi inaasahang naagaw ang atensyon ko doon sa usapan ng grupo ng babae na kaklase rin namin, naglalakad sila papasok sa room.

"Grabe! Ang gwapo ni Ezra, 'no?" Sabi noong isa.

Hindi ko naman sila close kaya ba't ko sila tatawagin sa first-name basis, duh.

"Oo nga! Kanina pa raw 'ata 'yun doon sa may hagdan, e! Mukhang may inaantay."

"Sino naman daw?" Tanong ng isa pang maharot na kaklase ko.

"Aba, ewan!"

"Grabe, nagulat ako nung nagpakita siya bigla kanina. Gwapo, shit. Gusto niya 'ata akong i-surprise," kinikilig na sabi nung isa pang maharot.

"Pogi! Ganda ng lahi! Gusto kong magpalahi, ugh! Lahian mo 'ko, please," malanding sinabi ng isa at tumirik pa ang mata.

Umikot ang mata ko. Aso ka, girl?

Kinurot ni Rozelle ang braso ko nang mapansing 'di na ako nakikinig sa kanya. "Hoy, nakikinig ka ba, ha?"

Kinabukasan naging mabilis lang din ang oras. Naging aligaga ako nang mag lunch dahil hindi ko pa pala nagagawa 'yung assignment sa Philippine Political and Governance, nakalimutan ko kagabi!

Inaya pa ako ni Rozelle na sa canteen ulit mag lunch dahil nalate raw siya kaya nakalimutan niya 'yung baon niya. "Tara! Sa canteen mo na gawin 'yan! Sabi ko naman kasi sa'yo kumopya ka na lang sa'kin, e!" Pagpupumilit ng kaibigan ko, nakatayo na siya at ready nang bumaba papunta sa canteen hawak niya na rin ang paper bag ko.

"Basta libre mo ako, ha?" Sabi ko at tumayo na habang nasa notes pa rin ang paningin.

"Oo nga!" Hinala na niya ako palabas.

Nang makarating sa canteen ay huminto kami sa gitna dahil naghahanap ang kaibigan ko ng mauupuan. Hindi ako nag abala pang mag angat ng tingin at hinighlight na lang sa utak ko ang nabasa para isagot doon sa assignment.

"Here!" Boses 'yon ng pinsan ko.

Hinila ulit ako ni Rozelle sa kung saan at huminto kami sa tapat ng isang table.

"Paupo kami, ha? Wala na kasing bakanteng lamesa, e." Nahihiyang sinabi ng kaibigan ko.

"Sure, upo na kayo." Pamilyar ang boses sa akin. Kaya bahagya kong tinignan kung nasaan na ba kami at parang gusto kong tumakbo pauwi nang makita kung sino ang nasa harapan namin.

Run AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon