XXVIII

534 26 0
                                    

CHAPTER 28

Days passed by.

Doon ko lang din na-realize na masyado pala kaming sweet ni Euan sa isa't-isa. Alam kong gusto niya 'ko pero hindi ko tinanggap at pinilit ang sariling maniwala na wala lang 'yong sweetness niya sa akin.

Hindi ko rin masabi sabi kay Arman ang mga nangyayari sa pagitan namin ni Euan dahil hindi ko alam kung paano. Pati kay Mama hindi ko masabi. Pakiramdam ko, nagkasala ako.

Kay Dani na lang ako nanghingi ng payo dahil siya naman ang malapit sa'kin, kasama ko lang siya sa iisang kwarto sa dorm. Sa susunod ko na lang sasabihin ang mga 'to kay Rozelle. Alam kong busy rin ang isang 'yon at ayaw kong makaabala pa.

Kinwento ko lahat kay Dani, nakaupo siya sa kama ko. Hating gabi na at tulog na ang ibang dormmate namin.

Simula sa simula kinwento ko sa kanya. Tahimik lang naman siyang nakikinig at mukhang nag-iisip.

"Tama naman 'yong ginawa kong pagtaboy sa kanya, 'di ba?" Sabi ko habang yakap ang unan.

Magkaharap kami sa isa't-isa habang naka-indian seat siya. Inirapan niya ako at inambahan ng batok. "Dapat kasi noong una mo pa ginawa!" Angil niya sa'kin.

"It's better late than never, duh." I rolled my eyes heavenwards.

"I knew this would happen," she exhaled.

My brows furrowed. "Huh?"

"Alam kong si Arman ang mahal mo..." I nodded at what she has said. "Alam mong may gusto si Ezra sa'yo pero dinedeny mo," ulit niya sa mga sinabi ko.

"Hinayaan mo siyang maging sweet sa'yo kasi gusto mo rin," seryosong dagdag ng pinsan ko.

Natigilan ako. Gusto ko rin ba 'yon?

"Pabor ka sa mga ginagawa niya dahil gusto mo rin. Gusto mo siya."

Gusto ko ba siya? Hindi! Nag-enjoy lang akong kasama siya!

Umiling ako. "Hindi! May iba akong gusto, Dani. Mahal ko si Arman, alam mo 'yan."

Tumango siya. "Si Arman ang mahal mo pero si Ezra ang gusto mo. Alam mo kung bakit?"

"Bakit?" Takot at naguguluhang tanong ko.

"Kasi nahanap mo kay Ezra ang hinahanap mo habang wala si Arman."

Lumundag ang puso ko at tumindig ang balahibo ko sa narinig. Siguro, tama siya. Somehow, tama siya.

Pero si Arman ang mahal ko. Kay Arman ko nakita ang hinaharap ko sa buhay na ito, siya kasama ako. Ako at ang pamilyang bubuuin naming dalawa ni Arman.

Everything is settled, planned and certain, Euan came just to make it chaotic. I'll follow plans, and he is not included in it.

Lumipas ang mga araw pero hindi tumigil si Euan sa pangungulit. He would always message and text me. Kaya pinalitan ko na ang cellphone number ko para hindi na ako magambala pa. Minute ko rin siya sa facebook at messenger at sa lahat ng social media account ko.

Minsan naaabutang ko siyang nag-aantay sa'kin sa labas ng dorm pero hindi ko siya pinapansin at hinahayaang si Dani ang kumausap sa kanya.

Ezra Nofuente: Helaena, kain tayo dinner?

Run AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon