VIII

644 128 2
                                    

CHAPTER 8

"Bibilhan ko ng dinner sila Tita," sabi ko nang makapasok sa loob ng fastfood chain ni bubuyog na pula.

Maraming tao sa loob at mahaba ang pila sa counter. Bumuntong hininga ako.

"Huwag na, ako na," sagot naman ni Nofuente sa tabi ko.

"Ako na."

Pumila na ako, siya naman ay sa likod ko.

He sighed. "Ako na nga," pakikipagtalo niya.

Umirap ako at nilibot ang tingin ang lugar. May pamilya, grupo ng mga studyante, magjowa at iba pa. Nakuha ng pansin ko 'yung isang grupo ng babae na mukhang senior high din, nagbubulungan sila at mukhang kinikilig habang nakatingin sa likod ko kaya nilingon ko rin si Nofuente.

Kailangan ko pang tumingala para lang makita ang mukha niya. Nakatingin siya sa harapan at mukhang tinitignan kung anong i-o-order.

Nanliit ang mata ko nang maalala ulit 'yung babaeng kasama niya kanina sa school. Buti pinapasok 'yon ng guard? Sino kaya 'yon? Girlfriend niya ba 'yon? Akala ko ba si Dani ang gusto niya?

Nang mapansin niya ang tingin ko ay tumingin siya pabalik. He stifle a smile, I shifted my gaze and cleared my throat.

Nilingon ko pa ang grupo kanina na ngayon ay wala hiya-hiyang kinukuhanan ng picture si Nofuente. Ngumuso ako at nilingon na lang din ang screen sa harapan at nag-isip kung anong pwedeng i-order.

Monday pa naman kaya buo pa ang allowance ko. Kakasya naman siguro ang pera ko kahit bilhan ko sila Tita ng pagkain, 'di ba?

"What do you want?" He asked.

"Fries, coffee, chicken, burger.." Wala sa sariling sagot ko.

"Coffee? Gabi na, ah?" Doon lang ako natauhan.

Si mama! Baka nag-aalala na 'yun sa'kin! Gabi na, wala pa ako sa bahay! Hindi niya pa alam kung saang ospital ako pumunta!

Agad akong umalis sa pila at pumunta sa likod ni Nofuente para kuhanin sa bag 'yung cellphone ko. Tinulak ko siya sa pwesto ko kanina kaya ngayon ako naman ang nasa likod niya.

"Why?" Nagpapanic niyang tanong nang makita akong nagpapanic din.

Hindi ko siya sinagot at agad na kinuha ang cellphone sa bag.

Nang buhayin ko ang cellphone ko ay nakita ko kaagad ang dalawang missed call doon si mama.

Napasapo ako sa noo ko bago nagtipa ng text.

"What happened? Jesus, you're making me nervous!" Nagpapanic ang boses ni Nofuente at hinarap pa ako.

Hindi ko siya sinagot.

To: Mama

ma, sorry ngayon lang po ako nakapagtext. ayos lang po ako pati si Roz. nanganak po si Tita Daine sa westlake kaninang umaga. uuwi na rin po ako pagkatapos kumain dito, kain na po kayo dyan :*

"Hey. Are you alright?" He asked worriedly.

I nodded. "Hindi ko kasi nasabi kay mama kung nasaan ako, ngayon ko lang naalala kaya tinext ko," pagpapaliwanag ko.

At bakit naman ako nagpaliwanag?!

He nodded and sighed out of relieve. "I thougt.." He sighed again. "What about at the school? Why were you scolded? I saw it.."

Gulat akong nag-angat ng tingin sa kanya at agad ding nahiya. Masyadong exposed 'yung panggagalaiti sa amin ni Ma'am Rodeo, nakakahiya!

He looked worried so I sighed. "'Yung dalawa kong kaklase hiniram phone ko habang naglelecture 'yung masungit na teacher namin, tss, palibhasa menopause na," pangrarant ko. He chuckled. "Tapos nahuli sila, syempre naipit ako, akin 'yung cellphone, e. Tapos kinukuha ni Ma'am 'yung phone ko pero 'di nila binigay, tinuro naman ako nung pabida na 'yun! Sana binigay na lang niya, mamaya ibagsak pa 'ko nun! Siya pa nagsabi na "Hindi 'yan, ako bahala" nye nye, punyeta siya," bash ko kay Miranda.

Run AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon