Chapter 1

824 28 2
                                        

Chapter 1

"Nandyan na si Ms. Aquino!"

Sigaw ng isa kong kaklase dahilan ng pagtahimik at pag-ayos ng buong klase, naghihintay sa pagpasok ni Ms. Aquino.

Nang makapasok na si ma'am, pumunta siya sa harap at tiningnan kami. "Ba't tahimik kayo?" sabay humalukipkip.

Hindi gaanong strikto si Ms. Aquino, minsan mapagbiro at parang tropa kung makisama pero pag oras na ng klase, doon siya seryoso.

Walang sumagot ni isa sa amin.

Bumuntong-hininga siya bago nagsalita. "I'm just here to announce that all of you will be having a practice for your upcoming graduation day. After your lunch, you'll proceed to the gymnasium. And for that, you don't have any classes for the whole day. You can do whatever you want but please behave, okay class?" sabi niya at ngumiti.

Dahil sa sinabi niya naghiyawan ang mga kaklase ko lalong-lalo 'yong mga kaklase naming lalaki.

"Yes! The best talaga si ma'am!" sigaw ng isa kong kaklase na lalaki. Sumunod na nagsalita 'yong tropa niya. Sila 'yong pinakamaingay sa klase namin.

"Walang makakatalo kay ma'am Aquino sa pagiging mabait niya! Hahaha."

"Lodi ma'am!"

"Petmalu!"

"WERPA ma'am! Hahaha!"

At nagtawanan kaming buong klase pati na rin si ma'am.

"Puro talaga kayo kalokohan. 'Di ba dapat mabait na kayo dahil gagraduate na kayo?" sabi ni ma'am habang nakapamaywang.

"Mabait naman kami ma'am eh." Sabi ni Jorge, 'yong minsang nangunguna sa mga kalokohan dito sa classroom.

"Oo, mabait talaga. Nakikita ko talaga 'yon. Tama ba ako, Jorge?" kunwaring seryosong sabi ni ma'am. Napakamot na lang ng ulo si Jorge.

"Si ma'am naman 'di mabiro. Syempre magpapakabait na kami hehe." Natatawa niyang sabi.

Nagtawanan 'yong mga tropa niya.

Grabe, ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang kabilaan ang pagpasa ng mga projects, thesis, defense at mga requirements pero eto kami ngayon, magpapractice na kami para sa nalalapit na graduation namin. Haist. Totoo ngang 'di mo mamamalayan ang paglipas ng araw kapag hindi mo 'to binibilang.

"Ranalyn?" naputol ako sa pag-iisip dahil sa pagtawag sa'kin ni ma'am.

"Po?" tugon ko kay ma'am.

"Tapos mo na ba 'yong speech mo?"

Umiling ako kay ma'am. "Hindi pa po, pero malapit na pong matapos."

Tumango si ma'am bilang sagot.

Ako kasi ang summa cum laude sa batch namin. Nagbunga lahat ng mga pinaghirapan ko sa pag-aaral. Nong una hindi ko aakalain na ako ang magiging summa cum laude dahil ginawa ko lang ang lahat para makapag-aral ng mabuti. Kaya laking pasasalamat ko sa Diyos na hindi niya ako pinabayaan at naabot ko 'to. Kursong Accountancy ang kinuha ko dahil sa kagustuhang maging isang Certified Public Accountant (CPA) pagkagraduate ko. Gusto ko kasing maging katulad ng mama ko dahil isa siyang magaling na CPA, kaya tinutupad ko ang pangarap niya sa'kin na pangarap ko rin.

Nalulungkot lang ako dahil hindi nila ako makikitang grumaduate at maabot ang mga pangarap ko. Wala na akong mga magulang. Maaga silang kinuha ng Diyos sa'kin. Naaksidente sila apat na taon ang nakakalipas. Sobra ang panlulumo ko sa panahong 'yon. Ilang araw kong iniyakan ang pagkamatay nila. Sobra akong nangungulila sa pagmamahal at pag-aaruga nila. Dahil sa isang kislap nawala sila. Parehong nawala ang pinakamahalagang taong nagbigay sa'kin ng buhay at pinakilala sa'kin ang tunay na mundo.

Escape from a Psychopath [ON-HOLD]Where stories live. Discover now