Chapter 28

335 17 4
                                    

Chapter 28

Kanina pa siya naghahanap ng pagkain, gutom na gutom na siya pero hanggang ngayon hindi pa siya nakakahanap.

Hindi sapat yong mga nakain niyang tiring pagkain sa basurahan dahil kapiranggot lamang iyon. Hindi niya inalintana na magkakasakit siya, basta magkalaman lang ang kumakalam niyang sikmura.

Naglalakad siya sa may eskinita nang may mahagilap ang mga mata niya, tirang pagkain na nasa loob ng plastic na parang halos kakatapon lang.

Nagmadali na siyang makapunta roon upang kunin iyon kaso bigla siyang naunahan ng batang lalaki, ang bilis ng kamay nito.

"Hoy!" sigaw niya rito. Napalingon ito sa kanya, dala-dala ang plastic. Marungis ang itsura ng batang lalaki. Mukhang pulubi rin ito kagaya niya.

Bakas sa mukha nito ang pagtataka. "Bakit?" Mahinang takot nito at parang medyo takot.

Nagtaray siya rito. "Akin yang dala-dala mo! Nagugutom na ako!" Sigaw niya rito. Tinignan nito ang dalang plastic.

"May pangalan mo ba nakalagay sa plastic?" Inosenteng tanong nito sa kanya. Umiling siya.

"Wala! Pero ako unang nakakita niyan kaya sa akin yan!" Nakasimangot na aniya rito.

Lumapit ito sa kanya, parang nahihiya. "Kung gusto mo, hati na lang tayo?" Sabi nito at napakamot pa sa batok. "Nagugutom na rin ako eh."

Nakaramdam naman siya ng awa para rito. "Sige na nga, hati na lang tayo." Pagpayag niya.

Nagliwanag ang mukha nito at parang natuwa pa. "Tara! Kainin na natin ito!" Usal nito at umupo na lamang sa lapag.

Sabay nilang pinagsaluhan ang pagkain. Salamat na lamang at nabusog sila pareho dahil medyo maraming pagkain ang nasa loob ng plastic.

"Ano pala ang pangalan mo?" Tanong ng batang lalaki sa kanya.

Nilunok muna niya ang kinakain niya bago sumagot. "Lyn-lyn ang tawag sa akin, ikaw ba?" Balik na tanong niya rito.

"Ako naman si Yon-yon." Sagot naman nito sa kanya.

"Ang cute naman ng pangalan mo. Palaboy ka rin ba gaya ko?"

Tipid na ngumiti ito sa kanya. "Oo eh. Tinapon na lang ako ng mga magulang ko."

Nalungkot naman siya para sa batang lalaki. "Baby ka rin ba nong tinapon ka ng magulang mo?"

Tumango ito sa kanya. "Oo. Ganon ba sayo?"

"Baby rin ako nong tinapon ako ng mga magulang ko eh."

Katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa. Nagpatuloy lang sila sa pagkain hanggang sa parehas nilang naubos iyon.

"Mag isa ka lang bang gumagala rito." Tanong nito sa kanya. Napakagat siya ng labi. "Oo eh." Mahina niyang sambit rito.

Natahimik ang batang lalaki, mukhang may malalim na iniisip. Siya naman ay pinagmamasdan ang mga taong dumadaan sa harapan niya.

"Gusto mo tayo na lang magkasama? Magtulungan tayong makaraos at mabuhay?"

Napaisip siya don sa batang lalaki. Mag isa na lamang siya at walang karamay. Wala rin naman siyang naging kaibigan.

Kaagad naman siyang sumang-ayon. "Sige ba!" Napangiti naman ang batang lalaki dahil don.

"Mabuti naman kung ganon! Ngayon pa lang, maghanap na tayo ng silong!"

Nagising na lamang ako na may kamay na tumatapik sa braso ko. Unti-unti akong napamulat at bumungad sa akin ang puting kisame. Nakita ko si Darryle na nasa gilid ng kama at tinatapik ang braso ko.

Escape from a Psychopath [ON-HOLD]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora