Chapter 21

315 13 0
                                    

Chapter 21

"Yon-yon! Halika na! Samahan mo na kasi ako mangalakal." Inis na turan nong batang babae don sa batang lalaki na nakahiga sa papag.

"Tinatamad pa ako, Lyn-lyn. At saka Sabado ngayon oh! Diba dapat nagpapahinga tayo ngayon?" Nakangusong aniya nong batang lalaki.

Marahas napabuga ng hinga yong batang babae. Mukhang hindi na niya mapipilit itong samahan siya.

"Kung ayaw mong samahan ako, edi wag! Kaya ko namang mangalakal ng mag-isa." Inis na sambit nito at lumayas na habang dala-dala yong sako.

Napilitan namang bumangon yong batang lalaki para sundan ito. Hindi niya kayang tiisin yong batang babae.

Kinuha niya yong sako niya at tumakbo sa tinahak na daan nong batang babae. Alam niyang nagtatampo ito sa kanya.

Buti na lamang at nahabol pa niya ito. Sinabayan niya ito sa paglalakad. Doon pa lang siya napansin nong batang babae.

Tinaasan siya nito ng kilay at nagtaray. "Oh, akala ko ba tinatamad ka ngayon at gusto mong magpahinga?" Sarkastikong tanong nito.

Napakamot sa batok yong batang lalaki. "Alam mo namang hindi kita kayang pabayaan. Hindi rin kita kayang tiisin."

Umiwas ito ng tingin at mabilis na naglakad. Hindi niya alam kung namamalikmata ba siya o ano, pero nakita niyang ngumiti ang batang babae.

"Hey, love. Are you okay?"

Napakurap ako ng mata at napabalik sa wisyo ko. Tinignan ko si Hellion na nagmamaneho sa gilid ko.

"Ha? Ano yon?" tanong ko sa kanya. Saglit siyang sumulyap sakin at ibinalik ang tingin sa daan. Napabasa siya sa labi niya gamit ang kanyang dila.

"I'm asking if you're okay. You've been spacing out a while ago."

Nahalata pala niya ako. Akala ko hindi niya mapapansin yon.

Napabuntong hininga na lamang ako at sinagot siya. "Wala naman, love. Hindi lang naging maganda ang gising ko."

"Hmm. Is that so?" tanong niya na parang hindi kumbinsido sa sagot ko.

"Oo nga." Pamimilit ko sa kanya.

Sa totoo lang, kanina ko pa iniisip kung ano ba yong napanaginipan ko kanina. Halos hindi ko na matandaan at medyo blurry siya sakin. Basta dalawang bata yon. Isang lalaki at isang babae. Hindi ko rin naaninag mga mukha nila sa panaginip ko o sadyang nakalimutan ko lang?

"Okay, love. Just tell me if you have a problem, okay?" Malambing saad nito. Tinanguan ko siya at tumingin na lamang sa daan.

Halos magtatatlong linggo na akong nagtatrabaho sa kumpanya ni Hellion at masasabi kong naging maayos naman ang pamamalagi ko. Minsan mahirap at nakakapagod yong mga pinapagawa, pero kinakaya ko naman. Parte na yon ng trabaho. Hindi dapat ako nagrereklamo.

Nagpapasalamat na lamang ako don sa dalawa kong kaibigan na sina Eli at Khessa dahil lagi nilang pinapaganda yong mood ko araw-araw. Maswerte talaga ako at nakilala ko sila.

"Btw, I'll be having a conference meeting in Singapore by Monday, 3 days from now." Aniya. Napalingon kaagad ako sa kanya.

Aalis siya? Bigla tuloy akong nalungkot dahil don.

Escape from a Psychopath [ON-HOLD]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora