Chapter 6

453 20 1
                                        

Chapter 6

Nakatitig lang ako sa mga mata niyang kulay itim. Para akong nahihipnotismo sa mga mata niya, di maalis sa paningin ko.

Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko, na para bang gusto nang kumawala sa loob.

"Are you fine?" Aniya sa malalim na boses.

Doon na nagising ang diwa ko. Kaagad kong inayos ang sarili ko at sinaway ang sarili.

Nakakahiya, natulala pa ako sa kanya imbes na tulungan siya.

Mabilis ko siyang tinanguan. "O-oo. Ayos lang ako. I-ikaw ba?"

Tanga mo talaga, Rana. Malamang hindi siya ayos.

Napailing ako at napatawa ng mahina. "S-sorry. Uhm, gagamutin ko sugat mo."

Tinitigan niya ako na para bang may nasabi akong di maganda.

Agad kong kinuha yong first aid kit sa loob ng bag ko. Buti na lang lagi ako may dala nito in case of emergency.

"Uhm, wag ka mag-alala, marunong ako maglagay ng paunang lunas para hindi maimpeksyon yong sugat mo. Mukha kasing malalim ang pagkakasaksak." Mahinang sabi ko sa kanya. Medyo naiilang kasi ako sa paraan ng pagkakatitig niya sakin.

Nakita ko siyang napangisi at ikinagulat ko ang sunod niyang ginawa. Bigla niyang hinugot yong kutsilyo at tinapon na lang sa gilid.

Parang wala lang sa kanya at hindi nagpakita ng emosyon na parang nasaktan.

"Ano ginawa mo?!" sigaw ko sa kanya.

Kibit balikat lang ang sinagot niya sakin.

"Go. Treat my wounds." Malamig niya aniya pero may halong lambing.

Nataranta naman ako nang makitang lalong dumami yong dugong lumalabas sa kanya.

"T-tanggalin mo na p-pantalon mo. Dumadami na yong dugo oh!" Nauutal kong sabi sa kanya na ikinangisi niya.

Namula ako nang napagtantong baka may iniisip siyang iba kaya ganyan siya kung makangisi.

Buti na lang wala siyang ibang sinabi at nagtanggal na lang ng pantalon. Mabagal ang pagkakagalaw niya. Umiwas kaagad ako ng tingin at hinanda na lang ang emergency kit.

Lumuhod na ako. Halos manginig ang mga kamay ko habang ginagamot ang hita niya. Eh pano ba naman kasi nakaboxer na lang siya! Kitang-kita ko yong umbok sa bandang gitna ng mga hita niya.

Kasabay non naiilang na rin ako sa paraan ng titig niya sakin. Hindi ko tuloy magawang bilisan ang paggagamot sa kanya.

Ilang minuto ang nakalipas bago ko matapos gamutin ang sugat niya, ganon din niya ako katagal tinitigan. Binendahan ko na ang hita niya.

Tumayo ako mula sa pagkakaluhod. Hindi ko siya tinignan. "Uhm, wag ka masyadong maggalaw para di masyadong bumuka sugat mo." Sabi ko na lang sa kanya.

"Pumunta ka na rin ng hospital para matahi yan, hindi kasi ako marunong magtahi ng sugat." Dagdag ko pa sa mahinang boses.

Hindi pa rin siya nagsasalita kaya mas lalo akong naiilang sa kanya.

"S-salamat pala sa pagtulong mo sakin. Eto lang ang maibibigay kong tulong sayo don sa ginawa mong pagliligtas sakin."

Nagulat na lang ako nang bigla niyang hatakin ang braso ko at nagsimula na kaming maglakad. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

"Bring me to the fucking hospital."

Escape from a Psychopath [ON-HOLD]Where stories live. Discover now