Chapter 4
Isang linggo na lang at malapit na kaming maka-graduate lahat. Nitong nakaraang araw puro pagaasikaso sa mga requirements at graduation practice ang inaatupag naming lahat.
Naglilibot kami ngayon ni Hannah sa campus habang kumakain ng ice cream. Lunch break namin at pamaya-maya ay start na ulit ng practice namin.
"Nakakapagtaka lang, hindi ko nakikita si Matthew sa practice. Napansin mo ba yon?" Tanong ni Hannah. Nagkibit-balikat lang ako sa kanya. Napansin ko nga yon.
"Ewan ko. Wala akong pakialam don."
Hindi ko pa rin makakalimutan yong ginawa niya sakin.
"Usap-usapan nga raw na nawawala daw si Matthew. Sabi nila, huling nakita nila kay Matthew nong sinundan ka niya."
Hindi ko alam pero biglang kinutuban ako sa sinabi niya. Kung yon ang araw na huling nakita nila si Matthew, hindi kaya may nangyaring masama sa kanya?
Naalala ko nong nasa may garden ako, may nakita akong lalaking may hawak ng baril. Hindi kaya siya ang may kagagawan non kung bakit nawawala si Matthew?
Kaagad ako napailing sa naisip ko. Imposibleng mangyari yon. Baka ayaw lang talaga ni Matthew pumasok. Pero hindi ko talaga maiwasang mabahala dahil don.
"Hay nako! Wag na nga natin isipin yon. Punta ka ulit sa bahay ko after ng practice natin. I'll cook your favorite pasta!" Masayang sabi ni Hannah. Kaagad naman akong tumango sa kanya. Hindi ko pwedeng tanggihan to kasi paborito ko yong iluluto niya.
"Isasama mo rin ba si Marcus?" Tanong ko. Kaagad naman siyang umiling at napatawa.
"Of course not! Gusto kasi kitang makabonding hehehe. Alam ko namang naaasiwa ka na samin tuwing naglalambingan kaming dalawa." Napatawa naman ako sa sinabi niya. Hindi naman sa naasiwa ako, medyo ilang lang talaga ako at di sanay.
"Nga pala, nasaan si Marcus? Ba't di mo kasama?" Pansin ko kasi na magmula kaninang umaga, parating nakadikit sakin si Hannah at himalang walang Marcus na umaaligid sa kanya.
"Ohh, he didn't come to school. May pinaasikaso yong parents niya sa business nila." Napatango ako sa sinabi niya. Oo nga pala, may family business sila Marcus.
Inikot namin ni Hannah ang buong campus hanggang sa matapos ang lunch break namin. Papunta na kami ngayon sa gym kung saan doon ginaganap ang practice. Nagkekwentuhan kami ng mga plano namin after graduation.
After niya makagraduate magte-take agad siya ng board exam for CPA (Certified Public Accountant). Ito ang klase ng board exam para makakuha ka ng lisensya. Kung may sapat na pera lang ako, magtetake din ako ng board kaso kapos ako. Ang mga naipon ng magulang ko ay sapat na pampaaral sakin sa kolehiyo. Ang plano ko pa muna sa ngayon magaapply ako sa mga kompanya para magkatrabaho, pagkatapos ay magiipon ako para sa board exam ko.
Malapit na kami sa gym nang may mapansin akong bulto ng isang tao malapit sa isang puno ng acacia. Nakahalukipkip lang siya at nakasandal habang pinagmamasdan niya ako. Biglang kinilabutan ako nang makita siyang ngumisi sakin. Hindi ko masyado maaninag ang mukha niya dulot nang masyado akong malayo sa kanya, pero alam kong nginingisihan niya ako.
"What are you looking at, Rana?" Kaagad akong tumingin kay Hannah na may nagtatakang tingin.
Umiling lang ako at binalikan ulit ng tingin yong lalaki. Nagulat ako nang malamang bigla siyang nawala don sa pinagsasandalan niyang puno ng acacia kanina. Bigla siyang nawala na parang bula.
"Naloloka na ako sayo, Rana. Wala namang tao don sa tinitingnan mo eh. Tara na at baka malate pa tayo." Sabi niya at bigla na lang ako hinatak papasok ng gym.
***
Nang matapos na ang practice namin ay kaagad kaming dumiretso ni Hannah sa bahay nila.
Pagdating namin don, nagulat na lang ako ng makita si Marcus na nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv. Tinignan ko agad si Hannah na nakanganga at parang natuod sa kinatatayuan niya. Hindi niya makita na masama ang tingin ko sa kanya.
Akala ko ba mawala si Marcus at kaming dalawa lang ang magbobonding ngayong araw?
"Babe! What are you doing here?! Akala ko ba may inaasikaso kang family business niyo." Sabi ni Hannah nang makabawi mula sa pagkakagulat. Tinignan niya ako at nakita niyang matalim ang tingin ko sa kanya. Kaagad naman siyang nagpeace sign sakin.
"Sorry, Rana. Hindi ko naman alam na pupunta si Marcus ngayon eh." Nakangusong sambit niya.
Hindi ko namalayan na nakalapit na pala samin si Marcus.
"I just stop by to bring foods para sa meryenda niyong dalawa. Aalis din naman ako pagdumating na kayo." Sabi ni Marcus habang nagkakamot ng batok. Si Hannah naman nakalambitin agad sa braso ng jowa niya.
Pinaikutan ko sila ng mata. Eto na naman sila sa lambingan nilang dalawa.
"Ngayon nadala mo na, shoo! Bonding namin to ng bespren ko! Bawal epal!" Pagtataray ko sa kanya na ikinatawa niya. Subukan lang talaga niyang umepal saming dalawa, paghihiwalayin ko talaga sila.
"Pano ba yan, babe. Pinapaalis na ako ng bespren mo. I'll be calling you later to check on you, okay?" Malambing saad niya. Kaagad naman tumango itong kaibigan ko. Hinalikan siya sa noo ng jowa, at ang bespren ko kilig na kilig naman.
Nagpaalam ako na pupunta ng kusina para uminom ng tubig. Si Hannah hinatid na siguro si Marcus palabas ng bahay.
Ilang minutong nakalipas dumating na rin si Hannah at inaya akong tulungan siya sa pagluluto ng paborito kong pasta.
***
Third Person's POV
Mabilis ang lakad niya papunta sa abandonadong bahay. Kanina pa siya gigil na gigil at atat na atat makapatay ng tao.
Napatiim ang bagang niya nang maisip niya kung ano ginawa nong lalaki kay Rana.
He'll pay for it. Bigtime.
Nakita niyang nakatayo ang kanang kamay niyang si Ethan kasama na yong lalaking nangahas na saktan si Rana.
Dinig na dinig niya ang daing at hinagpis dahil sa pagpapahirap na ginagawa ni Ethan. Matalim ang mga tingin niya don sa lalaki.
Lumakas ang sigaw nito dahil sa pagpalo ni Ethan sa katawan na ikinadapa nito.
Nang makalapit na siya, napatingin sa kanya si Ethan at yumukod.
"Boss Hell---" Itinaas niya ang kamay na ikinatigil ni Ethan sa pagsasalita.
Umiling siya. Mukha naman nakuha nito ang pinapahiwatig niya. Umatras na ito hinayaan siya sa binabalak niya.
Lumakad siya palapit sa lalaki. Nilabas niya ang nakatago niyang baril sa likurang bulsa ng pantalon niya.
Lumuhod siya sa harapan ng lalaki gamit ang isang tuhod para magpantay silang dalawa.
Tinutok niya ang nguso ng baril sa sintido ng lalaki.
"Any last word, asshole?" Malamig na sambit ng lalaki.
Hindi na magawang makapagsalita ang lalaki. Masyado na itong nanghihina at anumang oras ay malapit na itong bawian ng buhay.
"No one touches my property." Aniya bago kinalabit ang gatilyo ng baril.
Tumayo na siya at tinitigan ang lalaking naliligo sa sarili nitong duga.
"Clean that fucking mess." Utos niya. Sumaludo naman ito sa kanya. "Areglado boss Rage."
Tinanguan niya ito bago nilisan ang lugar.
_____________
Author's Note:Ano masasabi niyo? Share your thoughts! Update ulit bukas or sa sabado! 😊
Posted: May 7, 2020
YOU ARE READING
Escape from a Psychopath [ON-HOLD]
RomanceStand Alone He's a stranger. He's a killer. He kidnapped me. He raped me. He imprisoned me. Hindi ko alam na sa simpleng pagkausap ko sa kanya ay mahahantong ang lahat sa ganito. Sana hindi ko na lang siya kinausap. Sana hindi ko na lang siya nilapi...