Chapter 30

998 38 39
                                    

Chapter 30

Unti-unti kong iminulat ang mata ko. Bumungad sa akin ang hindi pamilyar na silid. Puting kisame at hindi pamilyar na mga gamit ang nakita ko.

Napahawak ako sa sintido ko ng kumirot ito. Grabe ang sakit, hindi ko alam kung anong nangyari sa akin.

Ang natatandaan ko lang dapat susundan ko si Ethan sa loob ng kumpanya ng biglang may nagtakip ng panyo sa ilong ko.

Nanlaki ang mga mata ko at napabalikwas agad ng bangon, tinignan ko ang katawan ko at parang nakahinga ako ng maluwag ng makitang hindi nagbago ang pananamit ko.

Ipinaikot ko ang paningin ko sa paligid ko. Hindi ko alam kung na kanino akong kwarto. Sino ang kumuha sa akin? Si Hellion ba?

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Nanlaki ang mata ko ng makitang si Hellion iyon at may dalang tray na naglalaman ng pagkain.

"Hey, babe. Glad you're awake now." Saad nito, lumapit ito sa lamesa sa gilid ng kama at nilapag ang tray doon.

Napahigpit ang hawak ko sa kumot na nakatakip sa katawan ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba at takot sa kanya.

Tinignan ako nito sabay ngumisi ng nakakaloko. "What's with the look, babe? Don't you miss me?" Hindi nawawala ang ngisi nito sa labi.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya o itatago ko na lang. Pero naalala kong sinabi sa akin ni Hellion na mag iingat ako. Kung may napapansin ako sa kanyang kakaiba sa mga ikinikilos nito, alalahanin ko lang ang pagmamahal niya sa akin.

Kinapa ko ang dibdib ko sa paraang hindi makakahalata. Hindi bumilis ang tibok ng puso nito. Magmula nong makita ko siya kanina, hindi lumukso ng mabilis ang puso ko, na parang hindi nito kilala.

"Get up, you need to eat." Sambit nito ng hindi ako sumagot sa tanong niya. Hindi agad ako kumilos, nakatitig lang ako sa kanya habang nag aayos ng lamesa.

Nang maramdaman niyang hindi ako kumilos ay tumingin siya sa akin, nakakunot ang noo.

"What's the problem, babe?" tanong nito.

Napalunok ako. "Bakit ako nandito?" Deretsang tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya. "Of course I brought you here."

Umiling ako sa kanya. "Hindi yon ang natatandaan ko." Sagot ko rito. "Naalala kong inaantay ko si Ethan kaso pinaakyat mo yata siya tapos natagalan siya. Balak ko pa nga siya sanang sundan kaso biglang may nagtakip sa ilong ko na panyo." Pagkwento ko sa kanya.

Hindi nakaligtas sa mata ko ang bahagyang pagngisi niya pero nawala yon at napalitad ng pagkatipid na ngiti. Walang emosyon akong mabakas sa mga mata niya.

"I think you're just hallucinating, babe. Ako yong naghatid sayo papunta rito." Sagot niya sa akin.

Hindi ko magawang maniwala sa kanya. Malinaw na malinaw ko pa natatandaan ang nangyari kagabi. Hindi pwedeng naghahallucinate lang ako.

"Eh si Ethan? Nasaan siya?" Panandaliang dumilim ang mukha niya pero kaagad nawala.

"Why are you looking for him?" Anito at tumalikod sa akin at umupo sa lamesa. "May kailangan ka ba sa kanya?" Malamig ang tono ng boses niya.

Bakit kung magsalita siya parang hindi niya kaibigan si Ethan? Lumalabas na wala siyang paki rito.

Hindi ito yong Hellion na kilala ko. Parang ibang tao na siya.

"Get up, Rana and start eating." Malamig na aniya. Tinawag niya ako sa pangalan ko at mukhang seryoso.

Hindi ko maramdaman ang Hellion na kilala ko sa kanya. Wala na yong malambing at sweet na Hellion. Ibang tao na itong kaharap.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jul 21, 2020 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Escape from a Psychopath [ON-HOLD]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora