Chapter 7

429 17 1
                                    

Chapter 7

Wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag. Kesa maglakad na naman ako mag-isa at mapahamak, mas okay na yong ihatid niya ako.

Pero sa loob-loob ko, gustong-gusto ko naman.

Harot mo naman, Rana.

Napabuntong-hininga na lang ako at sinundan na siya dahil nauuna siyang maglakad. Di man lang niya ako inantay.

Kung tutuusin, mukhang magaling na agad sugat niya. Hindi man lang siya umiika. Talagang deretso ang paglalakad niya na parang hindi nasaksak yong hita niya.

Malapit na kami sa bahay ko. Nagtaka ako kung pano niya nalaman yong daan, eh wala akong nabanggit sa kanya kanina. Nakasunod lang naman ako sa kanya.

Nagulat na lang ako nang eksaktong sa tapat ng gate ko kami tumigil.

Pano niya nalaman na bahay ko to?

"Pasok ka na. Thanks for treating my wounds, btw." Sabi niya at di man lang ako tinapunan ng tingin.

Nagtataka talaga ako sa mga ikinikilos niya. Paiba-iba siya ng mood.

Kanina para siyang mabait, tapos nito lang nagiging masungit at suplado. Hindi kaya bipolar siya?

Napangiwi ako, kung ano ano tuloy naiisip ko. Hindi ko pa nga siya gaanong nakikilala tapos ganito na ako magisip sa kanya?

"Salamat ulit sa pagliligtas sakin. Ingat ka sa paguwi mo." Mahinang sambit ko. Tinignan ko siya at sinusubukang hulihin tingin niya.

Nakatanaw lang siya sa gate na para bang may malalim na iniisip.

Tinanguan lang niya ako sabay tinalikuran ako.

Kita mo to, napaka suplado talaga.

Napabuntong-hininga tuloy ako. Hinanap ko na lang susi ng gate sa loob ng bag ko. Nang mahanap ko, sinusian ko yong padlock ng gate.

Napatigil ako nang may naalala.

Hindi ko natanong pangalan niya!

Tinignan ko ulit kung nasaan na siya at natantong di ko na siya makita. Ang bilis naman niyang mawala. Nanlumo tuloy ako. Nakalimutan ko itanong pangalan niya!

Pumasok na lang ako nang bahay nang ikinandano ko na yong gate.

Hindi ko talaga maipaliwanag yong nararamdaman ko sa kanya. Sa lahat ng mga lalaking nakilala ko, sa kanya lang ako nakadama ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

Kahit don sa ex ko, hindi ko man lang naramdaman yon. Pero don sa lalaki, hindi ko talaga alam.

Aaminin ko, ang lakas ng epekto ng presensiya niya sakin.

Tila nakalimutan ko ang pagkamuhi ko sa mga lalaki dahil sa kanya. Dati kasi nagkaroon ako ng kasintahan noong high school ako, nagtagal kami siguro malapit nang mag isang taon. Kaso nasayang lang yon dahil nakita ko siyang may ibang babae. Nahuli ko siya sa tinutuluyan niyang apartment na may kasiping ibang babae, best friend ko pa.

Grabe lang yong naramdaman kong sakit ng mga oras na yon. Dalawang tao na importante sayo, tinraydor ka. Pagkatapos ng pangyayari na yon hindi na ako nagpakita sa kanilang dalawa. Pasalamat ako sa mga magulang ko na lumipat kami ng bahay bago ako magkolehiyo.

Ilang linggo ako walang connection sa kanila. Hanggang sa nakatanggap na lang ako ng balita na namatay silang dalawa dahil sa isang aksidente. Nong una hindi ako makapaniwala, pero sa isang banda, siguro karma na sa kanila yon dahil sa ginawang pananakit at pagtatraydor nila sakin.

Escape from a Psychopath [ON-HOLD]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora