Chapter 15

454 16 3
                                    

Chapter 15

"Congratulations Graduates! May God bless you all for doing your best!" nang sinabi iyon ng Dean, sigawan lahat ng estudyante sabay hagis ng toga hat nila paitaas sa ere.

Napangiti ako. Sa wakas, graduate na rin ako. Makakapagtrabaho na ako.

Nagulat ako nang sabay-sabay lumapit sakin ang mga kaklase ako isa-isa akong binati ng 'Congratulations'. Nagpasalamat naman ako sa kanila at binati rin sila.

"Bespren!" tili ng isang tao sabay yumakap sakin at nagtatalon pa. Sinabayan ko rin siya sa pagtalon.

"Graduate na rin tayo!" malapad ang pagkakangiti niya sakin pagkabitaw sakin.

Tumango ako, hindi nawawala ang ngiti. "Oo nga eh. Ang saya sa pakiramdam. Kung sana nandito lang ang magulang ko, panigurado sobrang saya nila."

"I'm sure tito and tita is so proud of you! Cheer up! Magcecelebrate pa tayo oh!"

Napailing na lang ako. Nakita kong lumapit si Marcus samin at kaagad yumakap kay Hannah, kinilig naman agad ang bespren ko. Narinig kong pang binati siya ni Marcus ng 'Congrats'.

Binalingan niya ako ng tingin. "Congrats din, Rana. You really deserve your award."

Sinseridad akong ngumiti sa kanya. "Thank you!"

Luminga ako sa paligid ko. Kitang-kita ko ang saya ng mga estudyante habang nakayakap sa mga magulang nito. Nakaramdam man ako ng inggit, pero masaya ako sa narating ko.

Pero nawala ang ngiting yon nang hindi ko makita ang taong inaasahan kong dadalo ngayon.

Bigla kong naalala nang gabing pumunta kami sa burol ni Matthew, kinabukasan kinausap ko si Hellion kung may kinalaman ba siya sa nangyari kay Matthew, sinagot niya lang ako ng wala dahil yong araw na may sumusunod saking lalaki, dinala niya sa mga pulisya. Napanatag na ako dahil don. Buti naman.

"Hoy, hoy, hoy. Bawal ang malungkot! Dapat maging masaya ka lang ngayon araw." Napansin tuloy ni Hannah ang pagkawala ng ngiti ko.

"Hinahanap mo siya no?" Tumango agad ako. Nakita ko pang nagkatinginan silang dalawa ni Marcus na ikinataka ko.

"Bakit ganyan tinginan niyo?"

Hindi nila ako sinagot, tinignan nila ang bandang likuran ko.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kaagad akong lumingon sa likod, parang bumagal bigla ang nasa paligid ko.

Nakita ko na ang taong inaasahan ko. Naglalakad siya palapit sakin habang may hawak na bouquet of flowers. Nakatingin ito sakin, hindi inaalis ang tingin sakin. At nang makalapit siya sakin, hindi ko inaasahang yayakapin niya agad ako.

"Congratulations, Rana. I'm proud of what you have achieve."

Hindi ko alam pero bigla na lang ako naluha sa sinabi niyang yon. Napayakap ako ng mahigpit sa kanya at itinago ang mukha sa dibdib niya.

Wala man ang mga magulang ko, pero nandito siya, dumalo siya. Nagpakita siya,

Si Hellion.

Naiyak na lang ako. Hindi ko alam kung bakit ako umiyak. Basta ang nararamdaman ko ngayon ay saya, sobrang saya.

Ramdam kong hinalikan niya ang ulo ko at pinatahan.

"Shh. Stop crying. This is your day, so be happy. Baka masira pa ang make-up mo, magiging pangit ka niyan, sige ka." Pananakot niya.

Hinampas ko siya sa dibdib niya. Tumawa siya ng mahina.

Lumayo ako sa kanya at akmang pupunasan ang luha sa mata ko pero si Hellion na ang gumawa non.

Escape from a Psychopath [ON-HOLD]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant