Didn't proof read
Chapter 18
Matapos ang insidenteng yon, kaagad akong hinatid nila Hannah at Matthew sa bahay ko. Nakatulala lang ako dito sa kama habang pinagmamasdan yong phone ko. Paulit-ulit pumapasok sa isip ko mga nangyari kanina.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang namatay na agad yong magnanakaw. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Tas sinabi nong lalaki kanina, may nag abot sa kanya ng phone ko na lalaki raw.
Kaya biglang pumasok si Hellion ng mga oras na yon. Iniisip ko talaga na siya yong gumawa non. Pero napaka impossible naman. Hindi niya kayang pumatay ng tao. Kasalanan yon sa Diyos. Hindi niya magagawa yon.
Nagulat ako nang biglang nagvibrate ang phone ko. Pagkatingin ko, nanlaki mga mata ko.
Tumatawag si Hellion.
Napakagat ako ng labi. Hindi ko tuloy alam kung sasagutin ko ba o hahayaan ko na lang.
Inantay ko na lang matapos ang pag ring niya sa phone ko. Pero tumawag ulit siya.
Napabuntong hininga ako bago sagutin ang tawag.
"Hello?" Mahina kong tanong.
Hindi agad siya sumagot pero dinig ko ang malalim niya paghinga na para bang kakatapos lang tumakbo.
Nag antay ulit ako ng ilang Segundo pero hindi pa rin siya umiimik.
"Hello?" ulit ko pang sabi.
"Love..." Buti naman at nagsalita na siya. Yong boses niya parang pagod.
Ang tagal ko na hindi narinig ang boses niya. Grabe, namiss ko siya.
Napatikhim ako. "Bat napatawag ka ngayon?"
"I'm sorry. I was busy with some important matters, love." Paos niyang sabi.
Napatango na lang kahit hindi niya nakikita. "Okay."
"How are you?"
"Ayos lang naman..." Hindi ko kayang sabihin yong nangyari sakin kanina. Alam kong mag-aalala lang siya.
"Are you sure?" paninigurado niya.
"Opo."
"Hmm. So, how's your day?" Nakarinig ng mahinang kaluskos mula sa kabilang linya, tas tunog ng pagkasara ng pintuan.
"Ayon, sinamahan ako ni Hannah at Matthew sa paghahanap ng trabaho."
"And then?" aniya.
"Nakatatlong punta kami sa iba't-ibang kumpanya kanina. Yong unang dalawang pinag applyan ko hindi ako sigurado kung matatanggap ba ako. Pero yong panghuli, ramdam ko talagang don matatanggap na ako. Confident na confident kasi ako sa pagsagot non, sabi tatawagin na lang daw ako."
"Hmm. That's good. I'm sure you'll be hired. Which company did you apply last?"
"Sa Andrade Corp. Bakit mo natanong?" Takang tanong ko sa kanya.
Napahinga siya ng malalim. "Nothing. Just asking."
"Ikaw? Nasa bahay ka ba ngayon?"
"Just got home. I feel tired and exhausted."
Halata ko ngang pagod na siya dahil sa boses pa lang na parang drain na drain.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo para bumaba, bigla akong nagutom.
"Pahinga ka na muna dyan. Dapat inaalagaan mo yong sarili mo."
Narinig ko siyang tumawa ng mahina.

BẠN ĐANG ĐỌC
Escape from a Psychopath [ON-HOLD]
Lãng mạnStand Alone He's a stranger. He's a killer. He kidnapped me. He raped me. He imprisoned me. Hindi ko alam na sa simpleng pagkausap ko sa kanya ay mahahantong ang lahat sa ganito. Sana hindi ko na lang siya kinausap. Sana hindi ko na lang siya nilapi...