Chapter 17

349 16 9
                                    

Didn't proof read.

Chapter 17

Magmula nang araw na yon, hindi nagpakita sakin si Hellion sa mga sumunod na araw. Sinubukan ko siyang tawagan pero lagi niya akong pinapatayan. Sinubukan ko rin siya i-message sa messenger, pero offline naman at hindi siya sineseen.

Hindi ko maiwasang malungkot dahil don. Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya kung bakit hindi siya nagpapakita or bakit wala siyang contact sakin.

Napahinga ako ng malalim.

Sumubok pa rin ako, nagmessage ulit ako sa kanya sa messenger.

Ranalyn Santillan

Kailan ka magpapakita sakin? Sumuko ka na ba?

Nakita ko siyang online, pero hindi niya man lang sineen ang message ko. Napailing na lang ako at pinatay yong phone ko.

Maisip ko lang na sumuko na siya ay parang may kumirot sa puso ko. Hindi ko maintindihan, may nagawa ba ako para hindi siya magpakita sakin?

Pagkatapos ng halik na yon, kaagad siyang nagpaalam sakin dahil may emergency daw. Hinayaan ko na lang siya makaalis non, kahit halata kong nagiba yong trato niya.

Napabuga ako ng malalim na hininga. Hay nako.

Nakarinig ako ng kalampag sa gate ko na ikinakunot ng noo ko. Sino kaya yon?

Tumayo ako para buksan ang pinto at para na rin silipin kung sino yong taong yon.

"Rana! Hoy! Baka tulog ka na naman?! You forgot na naman na nagtext ako sayo kagabi na pupunta ako!" yan ang bumungad sakin pagkabukas ko ng pinto.

Busangot at iritadong mukha ni Hannah ang nakita ko. Nang tinignan niya ako, pinukulan niya ako ng matalim na tingin.

"Finally! Akala ko kailangan ko pa ng mega phone para sumigaw." Sarkastikong sabi niya.

Nginitian ko lang siya ng maliit at saka lumapit sa kanya para pagbuksan ng gate.

"Pasensya na, hindi ko alam na nagtext ka kagabi. Nakatulog na siguro ako non." Malumanay kong sabi sa kanya.

Pinaikutan niya lang ako ng mata bago ako nilagpasan at pumasok na sa loob. Sinarado ko na ang gate at sinundan siya.

Nakaupo siya sa sofa at nakadekwatro, masama pa ang tingin niya sakin.

Kaagad akong tumabi sa kanya at naglalambing na kumapit sa kaliwang braso niya.

Nginusuan ko siya pero inirapan lang niya ako.

"Sorry na, bespren. Nakatulugan ko na kasi kaya di na ako nakareply sayo kagabi."

"Ang sabihin mo, busy ka don kay Hellion kaya nakalimutan mo ang bespren mo." Nagtatampong sabi niya.

Napabuntong hininga ako. "Well, sort of." Kumalas ako sa pagkakakapit sa braso niya at umupo ng maayos.

"Ilang araw na ang nakakalipas magmula nong pinuntahan niya ako, hindi na siya nagpakita at nagparamdam sakin. Hindi ko alam kung bakit o ano ang rason niya." Kwento ko sa kanya.

"Ano ba ginawa niyo nong nagpunta siya dito? May nangyari ba sa inyo?" Nanlaki yong mga mata niya, biglang nataranta. "Hala! May nangyari ba?! Buntis ka ba kaya tinaguan ka niya?!"

Binatukan ko kaagad siya. Kung ano-ano kasi iniisip niya.

"Gaga ka! Walang nangyari samin at hindi ako buntis!" Asik ko sa kanya.

"Maka batok naman to, ang sakit ah!" Hinimas-himas niya yong ulo niya.

'Kung walang nangyari sa inyo, then what? Ikwento mo kasi ng buo! Pabitin ka eh." Nakasimangot niyang sabi.

Escape from a Psychopath [ON-HOLD]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora