Chapter 3

482 19 4
                                    

Chapter 3

Sana hindi na lang ako napunta sa may likuran ng school. Edi sana hindi ako hinahabol ng lalaking 'yon na nakakita sa'kin.

Patuloy pa rin ako sa pagtakbo ko. Pilit ko rin siyang nililigaw dahil nakikita kong nasusundan niya ako. Nagpapapasalamat ako sa sarili ko dahil mabilis akong tumakbo at hindi niya ako nahuhuli. Pero alam kong mapapagod din ako. Para akong hinahabol ni Kamatayan.

Kung saan-saang pasikot ng school ako nagpupunta para makatakas lang sa kanya. Sana lang talaga hindi niya ako mahuli. Ayoko pang mamatay.

Nang maramdaman kong nanghihina ang mga tuhod ko ay napatigil muna ako sa pagtakbo at sumandal sa may pader. Hindi ko alam kung nasaan ako pero may nakita akong mga lumang gamit ng school. Napunta yata ako sa lumang building ng school na kung saan dito nilalagay 'yong mga lumang gamit ng school.

"Haay. Grabe ang mga nangyari sa'kin ngayon araw." Sambit ko sa sarili. Una, nag-ayaw sila Hannah at Marcus sa harap ko. Pangalawa, ang makulit kong manliligaw ay nangahas na halikan ako. At panghuli, ang paghabol ng lalaking 'yon sa'kin dahil nakita ko siyang may hawak na baril. Hindi ko masyadong nakita 'yong mukha niya dahil natatakpan ng mask ang ilong at bibig niya leaving only his eyes. Pero parang pamilyar ang mga mata niya. Hindi ko lang alam kung saan ko nakita.

Naupo muna ako at binuksan ang bag ko para kunin ang tubig ko. Hiningal ako sa pagtakbo.

Nakakailang lagok na ako sa tubig ko nang makarinig ako ng kalabog na parang may naglagang mga gamit. Muntik ko nang maibuga 'yong iniinom ko dahil sa gulat.

Ano na naman ba 'to? Hindi ba ako pwedeng magpahinga kahit saglit?

Dali ko sinilid ang bote ng tubig sa loob ng bag bago kong sukbitin. Hindi na ako nagtangkang tignan kung ano 'yon dahil baka mangyari na naman ulit sa'kin ang nangyari kanina.

Naglakad na ako palabas ng building nang may nakita akong box sa bukana no'n. Hindi ko sana 'yon papansin pero napukaw ng atensyon ko ang pangalan na nakalagay sa ibabaw ng box.

Bakit may pangalan ko 'yong box?

Because of curiosity, binuksan ko 'yong box. Pagbukas ko ng box, bumungad sa'kin ang sandamakmak kong litrato na parang stolen shot ang pagkakakuha.

Nangilabot ang buong katawan ko sa hindi malamang dahilan. Sino naman ang kukuha ng picture ko ng stolen? Wala akong natatandaan na may nagkakacrush sa'kin bukod kay Matt, kung 'yon nga matatawag ko sa ginawa niya.

Nagtaasan ang mga balahibo ko sa nakapa ko sa ilalim ng mga litrato.

"Panty?" bulong ko habang pinagmamasdan ang hawak ko.

Bakit may ganito 'yan dito? At bakit parang panty ko 'to?!

Nangapa pa ako para tignan kung meron pang mga gamit sa loob pero wala na akong nakapang iba, 'yong panty lang. Pero may nakuha akong sobreng puti. Kaagad kong binuksan 'yon. Isang sulat ang nasa loob.

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko.

You're growing beautiful as ever, my love. Can't wait to see you in person. You're only mine. I'll kill whoever touches my property.

-H.R.C.

Sino ang nagsulat nito?!

Isa-isa kong tinignan 'yong mga litrarto. May kuha ako rito kasama si Hannah habang kumakain sa canteen. Meron din noong namasyal kami sa mall. At may kuha akong mag-isa na nakaupo sa bench sa may garden. Meron ditong litrato na nagpangilabot sa'kin. Parang kinuha 'to sa loob ng kwarto ko. Picture ko na nakatapis lang ako.

Escape from a Psychopath [ON-HOLD]Where stories live. Discover now