Slight SPG
Chapter 23
"She's my ex. Ex fling to be exact"
Napakurap ang mga mata ko. Fling? Diba kalandian yon?
Parang may nagbara sa lalamunan ko at nanikip ang dibdib ko.
Hindi ko maiwasang isipin mga ginagawa nila dati nong hindi pa niya ako nakikilala. Nagyakapan na ba sila? Naghalikan? Nagsex? Kung ano ano na mga pumapasok sa isip ko na nakakasakit ng damdamin ko.
Sinapo niya ang mukha ang mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay.
"Listen to me, love." Malambing usal niya. "Matagal na panahon na yon and it only lasted for about a week or two at bumalik na kami sa pagiging magkaibigan. Nothing more happened between us. We did not kiss nor hug nor have sex, okay? She's not that special to me. No need to be jealous. Its you and always you, until the end. " Mahabang pahayag niya.
Parang may humaplos sa puso ko sa sinabi niya. Ibang iba talaga siya sa lahat ng lalaking nakilala ko. Yong iba kasi sasabihan ka pang madrama at saka maarte. Hindi nila iniisip yong mararamdaman namin kapag nakaramdam kami ng selos.
Pero si Hellion, inaassure niya sakin na ako lang talaga. At nagpaliwanag pa siya sa nakaraan nila ni Keana kahit hindi ko naman hiningi yon, nagtanong lang ako kung sino si Keana sa buhay niya.
Hinalikan niya ako sa noo at niyakap ulit. "I will always love you. Kahit kinalimutan mo ako..." Hindi ko masyadong narinig yong huli niyang sinabi pero hindi ko na lang pinansin.
Nanatiling magkayakap hanggang sa ako na yong kumalas at pinakatitigan siya.
Ngumuso siya, parang bata na inagawan ng candy.
"I want some hugs again, love." Paglalambing niya sakin at nagpacute pa.
Napatawa ako don. Inangat ko ang isa kong kamay para haplusin ang kanang pisngi niya.
Nawala ang ang mapaglaro niyang mata at napalitan ng pagkaseryoso.
Nagpatuloy lamang ako sa paghahaplos sa pisngi niya.
Napakagwapo talaga ng boyfriend ko. Marami talagang babae ang nagkakagusto sa kanya, isa na ako don. Sa lahat ng mga babaeng nagkakandarapa sa kanya, maswerte akong ako ang napili at minahal niya.
"Is there a problem, love?" Tanong niya sa mababang tono na ikinailing ko.
"Wala naman, love. Iniisip ko lang na ang swerte ko dahil nakilala ko ang isang katulad mo." madamdamin kong sinabi sa kanya.
Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. "Mas maswerte ako dahil minahal mo ang isang tulad ko."
Biglang nangilid ng luha sa gilid ng mata ko. Hindi ko alam pero naiiyak ako. Masyado ko na siyang mahal.
"Mahal na mahal kita, Hellion." Seryoso kong sabi sa kanya. Hinawakan niya ang kamay kong nasa pisngi niya, dinala yon sa labi niya at hinalikan yon.
"Mas mahal na mahal din kita, Rana." Seryosong aniya.
Doon na tuluyang tumulo ang luha ko na kaagad naman niyang pinunasan gamit ang hinlalaki niya.
"Don't cry, love. Ayokong nakikita kang umiiyak kasi nasasaktan ako. I want you to always smile. Smile for me always, hmm?"
Kaagad ko siyang tinanguan at nginitian siya.
"There, much better. You're always glowing when you smile. Mas lalo tinuloy akong nahuhulog sayo." Aniya. Hinampas ko siya sa dibdib niya na ikinasinghap niya.

KAMU SEDANG MEMBACA
Escape from a Psychopath [ON-HOLD]
RomansaStand Alone He's a stranger. He's a killer. He kidnapped me. He raped me. He imprisoned me. Hindi ko alam na sa simpleng pagkausap ko sa kanya ay mahahantong ang lahat sa ganito. Sana hindi ko na lang siya kinausap. Sana hindi ko na lang siya nilapi...