Chapter 16

634 25 3
                                        

Chapter 16

Lumipas ang isang linggo. Patuloy pa rin sa panliligaw sakin si Hellion. At sa buong linggo na yon, unti-unti ko na siyang nakikilala.

Wala na ang mga magulang ni Hellion, nong bata pa lang siya namatay na ang magulang niya dahil sa aksidente. Naging palaboy siya hanggang sa may kumopkop sa kanya at itinuring na anak. Pero makalipas ng ilang taon, namatay din ito dahil sa sakit sa puso. Dahil don, lahat ng yaman at ari-arian ng kumopkop sa kanya, napunta kay Hellion. Binanggit niya sakin na meron siyang pag-aari na isang kompanya na itinayo niya mismo. Meron man siyang ibang kumpanya, pero pag-aari iyon ng kumopkop sa kanya kahit na ipinama nito kay Hellion. Hindi niya binanggit sakin ang pangalan ng kumpanya niya, hindi ko na sinubukang alamin yon. Nakinig lang ako sa mga kinekwento niya sakin.

At natutuwa ako sa kanya dahil nagawa niyang ikwento sakin ang naging buhay niya bago siya nagkaroon ng magandang buhay.

Ako man, nagkwento rin ako sa kanya patungkol sa naging buhay ko. Magmula kung saan maayos ang buhay ko, hanggang sa namatay ang magulang ko, at hanggang sa pagsisikap kong makapag-aral ng mabuti at marating ang nakamit ko ngayon, ang pagiging Summa Cum Laude ko.

Nakakatuwa lang dahil tuwing sumasapit ang gabi o hapon, pinupuntahan niya ako sa bahay para lang manood at magpaluto ng pagkain sakin. Hinahayaan ko na lang siya at mukang nasasanay naman na ako sa ginagawa niyang yon.

Tapos tuwing umaga, lagi niya ako binabati at kinakamusta. Lagi pa niya ako pinapaalalahanan sa pagkain ko sa tamang oras. Napapailing at napapangiti na lamang ako.

Hindi ko akalain na ganito siya ka-sweet at maalaga sakin.

Ngayon, nandito na naman siya at nakikinood sakin ng Kdrama. Pinapanood namin yong 'Touch your Heart' na kakadownload ko lang kasi sabi sakin ni Hannah na maganda raw at nakakakilig, mapapatawa ka rin daw.

"Araw-araw na lang tayo nanonood nito. Wala na bang iba?" Reklamo nitong katabi ko habang kumakain ng popcorn na niluto ko kanina.

"Wala. Maganda naman ah? Hindi ba nakakakilig?" Inosente kong tanong sa kanya. Alam ko kasi ayaw niyang manood kapag Kdrama ang nakasalang, mukha nga siyang napipilitang manood.

"Nope. I'm not supposed to feel that kilig sa ganyang palabas. It's so cheesy." Busangot na sagot nito at napahalukipkip pa.

"Ang sabihin mo lang nababakla ka at kinikilig ka rin naman. Ayaw pang umamin."

Oops. Baka magalit pa ito sakin, pero mukhang malabo.

Nilingon niya ako at nabugaran ko ang matalim niyang mga tingin. "What did you say?"

Tinapangan ko ang tingin sa kanya. "Ang sabi ko, baka nababakla ka na kako." Pang-aasar ko sa kanya.

Pero mukhang wrong move ang ginawa ko. Napalunok tuloy ako ng laway sa klase ng tingin niya sakin.

Dahil magkatabi lang kami sa sofa at medyo malapit siya sakin, bigla niya akong inakbayan at inilapit ang mukha niya sakin.

Kumabog ang dibdib ko dahil don. Sobrang lapit ng mukha niya sakin, para akong naduduling habang nakatingin sa mata niya. Halos magdikit na ang ilong namin, naaamoy ko ang hininga niya.

Halos kapusin ako ng hininga.

Ngumisi siya. "Cat got your tongue huh?" Bulong niya sa ibabaw ng labi ko. Napalunok ako. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko.

Itinagilid niya ang ulo niya at mas lalong inilapit pa ang mukha sakin. Dali akong napapikit at inantay ang susunod niyang gagawin sakin.

Todo pikit ang ginawa ko sabay pigil ng hininga.

Escape from a Psychopath [ON-HOLD]Where stories live. Discover now